Chapter Six

1251 Words
Natapos ang huling klase ko sa quiz. Nakakainis dahil biglaan ang quiz na iyon Kaya sigurado akong mababa ang score ko. Bumuntong hininga ako. Babawi nalang ako sa mga susunod na quizzes and sa final exam. Hindi naman mababa ang grades ko noong midterms pero hindi ibig sabihin non magiging kampante na ako. Papalabas na ako ng school ng mamataan ko si Duke Xyrus na nakasandal sa kotse niya. Pinaglalaruan nito ang mga bato gamit ang sapatos niya. Hinihintay niya ako? Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya ng biglang may lumapit sa kaniya. Si Vallen. May kailangan siya kay Duke? Si Vallen ang isa sa mga kaklase ko sa huling subject ko. Isa rin siya sa mga kaibigan ko na ayaw ni Duke Xyrus. Tinignan ko lang silang dalawa. Parang may sinasabi si Vallen kay Duke pero hindi siya pinapansin hanggang sa umangat ang mukha ni Duke at kunot na kunot ang noo niya. Nilingon niya si Vallen at may sinabi. Anong pinaguusapan nila? Kilala ko si Duke. Kung hindi importante ang sasabihin mo, hindi ka niya bibigyan ng atensiyon. Kahit pa lumuhod ka sa harapan niya. Importante siguro ang sinabi ni Vallen. Umiling ako. Anong pakialam ko? It's between the two of them. Ano naman Kung kausapin niya si Vallen? Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang sariling lingunin sila. Nagulat nalang ako ng makita si Duke na naglalakad na palapit sa akin. Masama ang tingin ni Vallen na naiwan sa dating pwesto. "Uwi na tayo?" tanong niya. Nilingon ko siya bago sinilip si Vallen na ngayon ay naglalakad na palayo sa sasakyan ni Duke Xyrus. Binalik ko ang atensiyon kay Duke. Tumango ako. Kailangan ko na umuwi dahil may gagawin kami ng mga pinsang babae ni Duke. We're going to watch some random movies and sleep over. Napag-usapan namin iyon noong game ni Duke at pare-parehas kaming walang gagawin kaya pumayag kami. Parati naman namin itong ginagawa noon, nagkagulo lang sa schedule ngayong semester na ito dahil iba iba na kami ng schedule. "Kasama ka ba nila Ate mamaya?" tumango ako. Nilingon ko siya. I wanted to ask him about what Vallen said but I can't find my word. Hindi ko alam kung paano tatanungin sa kaniya. "May problema ka ba? How's your day?" alalang tanong niya. "I'm fine, Duke Xyrus. It's... Uh... Nothing" umiling ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot at pumasok sa drivers' seat. Nilingon niya pa ako. Pumungay ang mga mata niya ng tinignan ko lang siya. "Please tell me what's wrong" umiling akong muli at nilipat ang atensiyon sa bintana. Binukasan niya ang makina ng sasakyan at pinaandar. Hindi na siya nagpumilit pa. It bothers me, though. Hindi naman ito ang unang beses na may pansinin na ibang babae si Duke. Iba lang talaga ang pakiramdam ko doon. Nang huminto ang sasakyan niya ay bigla ko siyang nilingon. Hindi kasi sa bahay namin huminto kundi sa bahay nila. Imposibleng makalimutan niyang nandito ako. Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinarap sa kaniya. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. "Duke..." bulong ko. "What's wrong, Sophia Careen?" tanong niya. "What did Vallen said to you?" there. I said it. "Who's Vallen?" kunot noong tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya kilala o niloloko niya lang ako? "Iyong kausap mo kanina? bago mo ako nilapitan?" sabi ko. Nag-isip pa siya bago kumunot ang noo. "Vallen pala pangalan niya?" kunot noong sabi niya. Hindi niya talaga kilala? Nilingon niya ako. Yumuko ako. Naramdaman kong inangat niya ang ulo ko gamit ang hintuturo niya. Kinagat ko ang labi ko ng magtama ang mga mata namin. Iyan na naman siya. "She said she's throwing a party and she's asking me to go..." iyon lang iyon? That's not even important. Bakit siya nilingon ni Duke? "...sabi niya pupunta ka. That's why I looked at her. You're not into parties..." sabi niya na parang nabasa Kung anong nasa isipan ko. "Hindi naman talaga ako pupunta. She didn't even ask me" sagot ko. Bakit niya naman sasabihin iyon? Bakit niya sinabi na pupunta ako gayong hindi naman? Is it because she wanted Duke Xyrus to be there? Iyon lang ang alam ko. "I know. That's why I don't want them to be your friends. Makakasama sila sa'yo" tumango ako. Ayaw ko ng pahabain pa. Sinabi na niya kung bakit. That's enough. Ang bumabagabag nalang sa akin ay ang sinabi ni Vallen. She wanted Dukes attention. That wasn't a guess, that's a fact. "Hindi ako pupunta" sabi niya pa. "You can go if you wanted to. Hindi naman magagalit sila Tita Kiella at Tito Dustin kung pumunta ka" sabi ko. Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. "Pero magagalit ka..." kinagat niya ang labi niya upang pigilan ang ngisi pero halatang halata parin. Inis kong pinalo siya. Bakit ako magagalit? Ano ba niya ako? Girlfriend? I am not! "Pumunta ka kung gusto mo. I don't have a say on where you wanna go. Iuwi mo na ako" sabi ko upang ilayo na ang usapan. "But I want you to have a say on where I'll go" kunot noo ko siyang nilingon. Nakangiti parin siya. Nakakainis ang ngising iyon. "Gusto kong sabihin mo sa akin kung gusto mo akong pumunta o hindi. I want that... I crave for that" "Kapag sinabi ko bang h'wag kang pumunta hindi ka pupunta?" taas kilay kong tanong. "Yeah... I'll do whatever you say" Whatever I say? "If I want you to quit basketball, will you?" sarkastikong tanong ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. I smirked. I know he won't. "Yes" nalaglag ang panga ko. What? Pero bakit? I know how much he loves playing basket ball. Noong bata nga kami gusto niyang maglaro para sa Pilipinas. "Huwag mo nga akong lokohin. Hindi mo kayang gawin iyon!" giit ko. "I can... If that's what you really wanted then I will quit. Basketball is just a game and you're someone I wasn't playing" Tinitigan ko siya. Hindi sa ayaw ko siyang maglaro. Gustong gusto ko nga siyang pinapanood maglaro. Sadyang hindi lang ako naniniwala na gagawin niya lahat ng gusto ko at alam ko kung gaano niya kamahal ang basket ball at iyon ang unang pumasok sa isipan kong paraan. "You want me to quit?" tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong hininga siya at kinuha ang phone niya sa bulsa. Anong ginagawa niya? Binuksan niya iyon at dumiretso sa contacts. Nang makita niya ang hinahanap ay bigla nito itong dinial. Sino iyon? "Coach. It's me Duke Fajardo. Yeah" nilingon niya ako. Coach? Coach ng basketball? H'wag mong sabihing? "I'll quit. Basketball I mean—" Nanlalaki ang mga mata ko at inagaw ang phone niya. Agad ko iyong pinatay at nilingon siya. Tinawagan nga niya ang coach niya. "Bakit mo ginawa iyon!" inis kong sabi. "Because you wanted me to quit. Sabi ko 'di ba? I'll do whatever you want me to do" sagot niya "Ayaw kong mag-quit ka. I was just testing you" singhal ko. "You don't want me to quit then?" paninigurado niya. Halatang gusto niya talaga maglaro at dahil sinabi ko iyon ay kaya niyang isakripisyo ang kagustuhang iyon. Umiling ako. Mukhang nakahinga siya ng maluwag doon. "Pupunta ako sa party ni— what's her name again?" "Vallen" iiling iling na sabi ko. "Okay. Pupunta ba ako sa party ni Vallen or Hindi?" tanong niya. Umiling ako. Ayoko naman talaga na pumunta siya. Matamis siyang ngumiti. "Then I won't"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD