Sophia Careen Clarkson. A name written on my whole being. Mula sa inosente niyang mga mata pababa sa matangos niyang ilong. Ang mahaba at wavy niyang buhok hanggang sa mapupula niyang labi. Sinong hindi malalaglag. Nilingon ko ang babaeng humarang sa daan ko. She smiled. Umirap ako at nilingon ang dinaanan ni Sophia. Pakiramdam ko kumulo ang dugo ko ng makitang may nakatingin sa kaniya. They can't look at her! D*mn! What if they like her? That can't be! No one can like her but me! Tinakbo ko ang distansiya naming dalawa. Nilingon niya ako at inirapan. Pinigilan ko ang sarili kong ngumisi. She's so beautiful. Umiwas siya ng tingin at dire-diretso lang ang lakad. Doon ko pinakawalan ang ngising kanina pa gustong lumabas. Nilingon ko ang mga lalaking nakatingin sa kaniya at isa isang s

