"Hindi mo ako masisisi o kahit sinong lalaki. Look at her and tell me what's not to like?" umigting ang mga panga ko sa galit. Ganun nalang iyon? Oo. Hindi ko sila masisisi pero simula palang, eh. Simula palang binakuran ko na. Hindi pa ako sigurado non pero inangkin ko na. Kulang pa ba iyon? I didn't court her pero pinaramdam ko sa kaniya lahat ng dapat maramdaman niya. They say that actions speak louder than words and that is what I did. Minsan tinitikom ko nalang talaga ang bibig ko kahit na iniisip niya na wala akong emosyon o taong bato ako dahil ayoko pang sabihin. Nangako ako sa daddy niya, eh. Pinangako ko na liligawan ko lang siya kapag twenty na siya. Kahit na ilang beses ko ng gustong sabihin sa kaniya. "I love you..." anas ko ng makitang tulog na tulog na siya sa loob ng k

