Habol habol ko ang aking hininga nang marating ko ang basketball court kung saan sila nagtatraining. Kakagaling ko lang galing sa meeting para sa thesis namin. Nangako kasi ako na manonood ako ng practice game nila pero na-late ako. Halos wala ng tao sa court ngunit agaw pansin ang nagiisang lalaking nakaupo sa mismong gitna ng court. Habang pinapalibutan ng mga kasamahan nitong basketball players. Natalo ang team niya. Ganiyan kasi talaga siya kapag natatalo. Uupo ito kung saan ito huling tumayo at hinding hindi siya tatayo hanggang sa hindi niya natatanggap na talo siya. Huminga ako ng malalim bago humakbang palapit sa kaniya. "Come on, Dude! Stop acting like a kid! It's just a practice game for f*cking sake!" biro ng isa sa mga teammates niyang Leonilde ang nakatayak na pangalan sa l

