Tahimik lang akong umiyak. Punong puno na ako. Sawang sawa na akong intindihin ang mga tao sa paligid ko. Nakakapagod na rin umintindi lalo na ng mga bagay na wala namang detalye. Paano mo nga naman mababasa ang isang grupo ng consonant kung walang vowel. Understanding comes with explanation. Paano ko iintindihin ang hindi ko maintindihan? Idagdag mo pa ang hindi ko maintindihang pahiwatig ni Zero. Kung paano niya nakuha ang mga larawan, kung bakit niya sinabi iyon, lahat. Napakagulo. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong itanong sa kanila. Days passed by and I'm still stuck at nothing. Hindi na ako ginulo ni Zero sa mga larawan na nakukuha niya pero wala naman ng nagbago. Unti unti na akong kinakain ng mga agam agam. Minsan iniisip ko na mababaliw na ako na alam kong maaaring ma

