Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon. Hindi ako lumabas nang lunch kahit na gutom na gutom na ako. I'd rather starve myself than to be with someone like Zero. Hindi ko parin lubos maisip na ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa kaniya. I barely knew him. Masyado rin siyang masungit na para bang dala niya ang problema ng mundo. Siguro, maaaring masyado akong overacting pero masisisi niya ba ako? Pinaghihigpitan ako ng mga magulang ko, dinala nila ako dito ng wala ang permiso ko tapos iiwanan nila ako ng walang kaalam alam. Sa sobrang inis ko ay naghalo halo na lahat. Simula noong ayawan ni Dad ang pagiging engage namin ni Duke kahit na nagbigay kami ng options hanggang sa pag-iwan nila sa akin. Kung kaya ko lang pigilang hindi maiyak 'di sana ginawa ko na. Kung sana nandito si Duke

