Eliza's POV
Katatapos ko lang maligo, 2AM na pala malapit na mag-umaga. Inabot ako ng alas dose sa paghahanap ng mga gamit ngunit hindi ko man lang nakita. Siguro ay nakuha na ng truck ang trash bag na pinaglagyan ko ng mga lumang gamit na 'yon.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Keanne, may gagawin daw kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano. Pagkatapos ko daw maligo ay pumunta ako sa kwarto niya.
Nakalipat na sa ibang kwarto si Keanne kaya ako na lamang mag-isa dito sa kwarto. Napakalaki ng kama na ito kaya kahit mag-tambling siguro ako dito ay hindi ako mahuhulog.
Nagsuot ako ng silky dress pantulog. Susubukan ko lang kung kaya pa rin akong tiisin ni Keanne. Hindi ako nagsuot ng bra para naman bumakat ang n*****s ko. Isinuklay ko muna ang basa kong buhok at naglagay ng lotion sa aking braso at binti.
Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili ko ay nabulabog ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Nasa ibabaw ito ng vanity desk ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sinong tumatawag.
Si Rowena pala, ang kaibigan ko. Hindi ko na siya nakausap simula pa noong kasal ko.
"Rowena? Napatawag ka?" sagot ko.
"Wow! Hindi na ba ako puwedeng tumawag sa kaibigan ko? Porke't ikinasal ka na nakalimutan mo na ako. Oh, ano? Nag-enjoy ka ba sa honeymoon? Nakakalakad ka pa ba?"
"Nakakalakad pa naman ako." walang gana na sagot ko. Wala naman kasing nangyari na honeymoon.
Inihanda ko ang virginity ko para kay Keanne pero ito lang pala ang kahihinatnan ko. Magkahiwalay pa kami ng kwarto.
"Masarap ba ang first time o masakit?"
Wala akong masagot. Hindi ko naman kasi alam kung masarap ba o masakit.
"A-ano ahm..."
"Bakit hindi ka makasagot? Siguro both noh? Masakit na masarap?"
"Alam mo naman pala eh!"
"Binibiro lang naman kita. Naranasan ko na kasi 'yan. Masakit na masarap." humagikhik ng tawa sa kabilang linya si Rowena.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip. Napalunok rin ako dahil naiimagine ko. Masakit na masarap?
"Ano bang kailangan mo? Sa ganitong oras ka pa tumawag."
"Eh, bakit gising ka pa? Sinubukan lang naman kitang tawagan eh!"
"May ginawa kasi ako. Inaantok na nga ako."
"Matulog ka na."
"Paano ako makakatulog? Kausap pa kita."
"Oh, siya sige na. Bukas ko na lang sasabihin sa 'yo ang balita ko."
"Balita? Ano 'yon?"
"Baka kasi nandiyan ang hubby mo. Marinig niya."
"Ano naman kung marinig niya?"
"Ano kasi...nagkita kami ni William kanina. Yung kababata matin na nanliligaw din sa 'yo."
"Si William?"
"Oo, ang gwapo niya sist." kinikilig na sabi ni Rowena. "Kaso ikaw ang hinahanap niya."
Si William ay kababata namin ni Rowena. Magkakapitbahay kami noon. Pagkatapos ng highschool ay biglang lumipat sila William kaya hindi na namin siya nakita.
"Bakit niya raw ako hinahanap?"
"Siguro hindi pa rin nakaka-move on sa 'yo. Binigay ko nga sa kaniya ang number mo eh! Tatawagan ka raw niya."
"Hindi pa naman siya tumatawag."
"Baka busy pa."
Sa totoo lang, kami ang pinaka-close ni William noon. Crush siya ni Rowena habang si William, ako ang niligawan niya. Hindi ko naman siya sinagot dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Tinanggap naman niya 'yon kaya hindi nasira ang pagiging magkaibigan namin. Nagkalayo lang talaga kami dahil sa paglipat nila ng bahay.
"Bukas na lang ulit tayo mag-usap, Wen. Kailangan ko pa kasing puntahan ang asawa k—" natigilan ako ng ma-realize ang sinabi ko. Ang akala ni Rowena ay magkatabi kami ni Keanne sa kama.
"Bakit nasaan ba ang hubby mo?"
"I-ibig kong sabihin...kailangan ko ng tabihan si Keanne."
"Ah, akala ko naman kung nasaan ang asawa mo. Bagong kasal pa lang kayo kaya nagtaka ako. Akala ko hindi pa siya umuuwi."
"S-sige na, Wen ibababa ko na ang tawag mo."
"Okay, mag-usap na lang ulit tayo yung face to face."
"Sige."
Tuluyan ko ng ibinaba ang tawag ni Rowena. Kailangan ko na kasing puntahan si Keanne sa kaniyang kwarto.
Muli kong binalingan ang sarili sa salamin. Mukha naman akong nakakaakit dito sa suot ko kaya imposibleng hindi maakit si Keanne dito. Ibabalik ko yung dating meron kami.
Lumabas ako ng kwarto at tinahak naman ang kwarto ng asawa ko. Ilang kwarto lang naman ang pagitan bago ako makarating sa kwarto ng asawa ko.
Dahan-dahan kong inilapat ang kamay sa pinto para katukin ito.
Sinubukan kong pihitin ang pinto bumukas naman ito. Alam naman niyang pupunta ako dito kaya tuloy-tuloy na lamang akong pumasok. Pagdating ko sa harapan ng kama doon ko nasilayan ang asawa ko. Nakadapa at tanging boxer lamang ang suot nito. Walang pang-itaas. Umbok na umbok naman ang pang-upo nito.
"Bakit ang tagal mo?" kaagad na tanong niya sa akin. Hindi niya man lang ako binalingan.
"May ginawa pa kasi ako."
"Come here." utos niya. Hindi pa rin nagagawang tumingin. Naglakad ako palapit sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama dahilan para umuyog ito.
Doon pa lang siya napatingin sa akin.
Nakita ko ang kaniyang reaction. Tila ba nagulat siya sa nakita niya. Napataas rin ang kaniyang mga kilay.
"Bakit ganiyan ang suot mo?"
"Akala ko ba gagawin ko ang responsibilidad ko bilang asawa mo? I'm here, Keanne. I'm willing to—"
"Stop it! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
"A-ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? Handa naman akong ibigay sa 'yo ang katawan ko dahil asawa kita."
"Did you ever ask me if I wanted to have s*x with you?"
Napaawang ang aking labi. "Kung ganoon, bakit mo ba ako pinapunta dito?"
"Pinapunta kita dito para masahiin ako."
Sumubsob siya sa unan. Pakiramdam ko, walang talab sa kaniya ang ayos kong ito. Hindi man lang ba siya naakit sa akin?
"Ano pang hinihintay mo? Masahiin mo na ako."
Dahan-dahan kong inilapat ang mga kamay sa balikat ni Keanne at sinimulang pisilin ang mga maselang braso nito. Napaungol pa siya.
Sinunod ko naman ang likod nito. Paulit-ulit kong hinagod ang likod ng asawa ko.
"Hmm… that’s perfect. Don’t stop.”
Pinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa likod niya hanggang sa mapagod ako.
"Kung alam ko lang na ito lang pala ang ipagagawa mo sa 'kin sana nagsuot na lang ako ng—"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng bigla na lamang niya akong itinulak kaya napahiga ako. Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis siyang nakadagan sa akin.
"Is this what you want, Eliz?" nanlisik ang kaniyang mga mata. "Hinahamon mo ba talaga ako?" galit na tanong niya hanggang sa tuluyan niyang isubsob ang mukha sa aking leeg. Namilipit ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Habang walang habas niyang hinahalikan ang leeg ko.
"K-Keanne, n-nasasaktan ako sa ginagawa mo." itinulak ko siya ngunit wala akong nagawa. Hinalikan niya ng marahas ang aking leeg. "A-ano ba? H-hindi ganito ang gusto ko."
"Pero ito ang gusto ko, Eliza! I don't want to be gentle with you! Ang katulad mo hindi dapat nirerespeto."
"K-Keanne..." napaluha ako sa sinabi niya.
"Ano ngayong iniiyak-iyak mo, huh? Hindi ba't ito ang gusto mo?" galit na galit niyang tanong sa akin sabay taas ng aking isang hita. Itinaas niya ang laylayan ng silky dress ko hanggang mahawakan niya ang garter ng panty ko.
"Keanne..." napapikit ako. Sa pagpikit ko sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Sinubukan niyang ibaba ang panty ko hanggang sa tuluyan niya na nga itong nahubad sa akin. Isinubsob niya kaagad ang kaniyang mukha sa aking puson hanggang sa maramdaman kong nasa aking p********e na ngayon ang kaniyang mukha dahil sa hininga niyang ramdam na ramdam kong tumatama doon.
"Hindi ganito ang gusto ko...please...kung galit ka sa akin huwag naman ganito." pagmakaawa ko sa kaniya.
Hinamon ko siya kanina pero hindi ganito ang gusto ko. Gusto ko pa rin yung hindi marahas. Yung puno ng pag-iingat at pagmamahal niya akong aangkinin.
"f**k!" napamura siya ng malutong sabay alis sa pagkakadagan sa akin. Para bang natauhan siya.
Bumangon kaagad ako sa kama pagkatapos kong ibaba ang laylayan ng silky dress ko. Inayos ko kaagad ang sarili.
"Next time you challenge me, prepare for the consequences—dahil pagdating sa 'yo hindi ko na kayang maging gentle pa, Eliz. Abot langit ang galit ko sa 'yo at sa mga magulang mo. Walang makakapagpabago nun. Lumabas ka na habang nakakapagpigil pa ako!" mariing utos niya.
Nagmadali akong umalis sa kama. Hindi ko na nga napulot at nasuot pa ang panty ko dahil sa pagmamadali ko.
Hingal akong pumasok sa loob ng kwarto ko.
----
Kinaumagahan nga kahit may nangyari kagabi, maaga pa rin akong nagising para ipaghanda ng breakfast si Keanne. Sa kabila ng ginawa niya kagabi sa akin ito ako inaasikaso ang pagkain niya. Ngunit nabigo lang din ako dahil pagpasok ko sa kaniyang kwarto wala na siya doon.
Umalis na siya.
Bumagsak na lang ang mga balikat ko. Naghanda pa naman ako pero wala na pala siya. Nasayang lang talaga ang paghahanda ko sa umaga.
Wala na naman akong magawa buong maghapon kaya nanuod na lamang ako ng palabas. Buong maghapon ako sa sala nang may marinig na ingay mula sa pinto.
"Eliz!"
Boses iyon ng Mommy ko. Napatayo tuloy ako bigla.
"Mom?" sambit ko.
"Eliz!"
Napatingin ako sa pinto at doon ko nga nasilayan ang mommy ko "M-mom? A-anong ginagawa mo dito?"
"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"H-hindi ko lang po kasi inaasahan na pupunta kayo dito."
"Gust lang kitang bisitahin. Dapat pala nag-text muna ako sa ’yo bago pumunta, pero hindi bale, nag-text naman ako kay Keanne."
"Mommy, dapat nag-text pa rin po muna kayo sa akin."
"Eh, bakit ba parang tinakasan ka ng dugo diyan?"
Paanong hindi? Baka malaman niya kung ano ang status namin ngayon ni Keanne. Baka malaman niyang hindi kami magkatabi
sa iisang kama at magkahiwalay kami ng kwarto.
"Napakalaki nito… nagkikita pa ba kayo ng asawa mo dito? Mukhang ikaw lang yata ang nandito. Wala bang maid si Keanne?" tanong ni Mommy habang sinusuyod ng tingin ang buong sala.
"Wala po."
"Dapat gumawa na kayo ng baby para may maingay dito. Kung kayong dalawa lang ni Keanne, napakalungkot ng bahay na ito. Isa pa, bakit walang maid si Keanne? Sinong gumagawa ng gawaing—" natigilan siya at napatitig sa akin. "No wonder hagardo versosa ka na anak. Ilang linggo pa lang kayong mag-asawa ni Keanne ang laki na kaagad ng pinagbago mo."
"Hindi lang ako nakapag-ayos ngayon kasi nandito lang naman ako sa bahay."
"Dapat nag-aayos ka pa rin kahit nandito ka lang sa bahay."
"Sa susunod po, Mom."
"Anak, dito muna pala ako matutulog ngayong gabi."
"B-bakit po?"
"Ang daddy mo kasi nasa business trip, ang mga kapatid mo naman ay wala rin sa bahay." paliwanag niya.
Paano ito?
“Puwede pa rin naman kayong matulog sa bahay kahit wala si Dad."
"Bakit parang ayaw mo yatang matulog ako dito?”
"Hindi naman po sa ganoon, Mom. Pero kasi…"
"Pero ano?" tanong niya.
"Nandito na po pala kayo, Mama."
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Keanne. Hindi makapaniwalang nandito na siya. Samantalang halos nasanay na akong maghahatinggabi siya palaging umuuwi.
"Nandito na pala si Keanne," sabi ni Mommy, nakatingin sa kanya.
"Nabasa ko po ang text niyo, Mama, kaya umuwi agad ako para maasikaso namin kayo ni Eliz." nakangiting sabi ni Keanne na para bang walang nakatagong galit.
Lumapit siya sa akin tsaka hinapit ang bewang ko. Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi ko 'yon inaasahan ngunit kaagad rin nag-proseso sa isip ko kung bakit niya ginagawa ito. Gusto niyang ipakita sa Mom ko na okay kaming dalawa.
Mas humigpit pa ang pagkakahapit niya sa bewang ko.