Eliza's POV “Magbihis ka.” Kapapasok pa lang ni Keanne sa kwarto, iyon kaagad ang bungad niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya. Nakapagbihis na siya pero hindi office suit kundi white long sleeve na nakatupi hanggang siko at maong pants. Bagay na bagay 'yon sa kaniya. Napakaguwapo niya sa suot niyang 'yan. “H-hindi ka papasok ng opisina?” tanong ko ng tumalikod na ito sa akin. “Gusto kang makita ng mga tita ko.” Parang biglang may kumalabog sa dibdib ko. “Huh? A-anong ibig mong sabihin?” “Pupunta tayo ngayon sa bahay ng tita ko kaya magbihis ka na.” “S-sigurado ka ba?” “Mukha ba akong hindi sigurado, Eliz?” Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan. Parang may kakaibang bigat sa dibdib ko. Parang ayaw ko munang magpakita sa pamilya niya. “Ano pa hinihintay mo? Magbi

