Eliza's POV HINDI pa rin nagigising si Keanne. Naligo na lang muna ako at nagbihis ng tube at shorts. Nandito lang naman ako sa bahay at kaming dalawa lang din ang nandito. Walang ibang tao. Nag-ayos ako ng mukha. Naglagay ako ng light make-up. Dapat rin talaga hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Katulad ng sinabi ni Mommy, kahit nasa bahay lang ako dapat nag-aayos pa rin. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na naman mapigilang isipin kung sino ang babaeng naghatid kay Keanne? Hindi ko man lang nakita ang mukha. Ang sabi ng security guard, maganda, maputi at sexy ang babaeng 'yon? ---- FLASHBACK "Mr. Salvatorri, puwede ko bang malaman kung bakit yung mga paintings ko ang nagustuhan mo?" hindi na ako nahiyang magtanong. Para saan pa at gusto niya akong makausap kung laha

