8-PAGTITIIS

3228 Words
Eliza's POV Sunod-sunod na mga katok ang bumulabog sa ginagawa ni Keanne sa akin. Napalingon kami pareho sa pinto tsaka nagkatitigan. “Si Mommy…” mahinang sambit ko, halos pabulong. “So?” Mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko kaya napilitan akong itulak siya. Napaatras naman siya at inayos ang sarili. Akala ko talaga mahuhuli na kami ni Mommy. Akala ko rin hindi pa titigil si Keanne kaya laking ginhawa ko nang sa wakas ay huminto rin siya. “Nandiyan na po, Mom!” sigaw ko nang marinig kong hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ng pinto si Mommy. Mabilis kong hinalungkat ang bag na dala ko dito sa kwarto ni Keanne para maghanap ng maisusuot. Napili kong kunin ang malaking T-shirt at iyon muna ang isinuot ko dahil pinunit ni Keanne ang damit ko. Kaagad ko ring pinulot ang damit kong pinunit niya na nasa sahig at itinapon ito sa laundry basket. Paglingon ko kay Keanne, nakatayo lang siya roon habang nakatingin sa akin. Hinihintay niyang matapos ako. Nang maayos ko na ang sarili ko, saka niya binuksan ang pinto. “Mama.” sambit niya. “Bakit ba ang tagal ninyong magbukas ng pinto? Bumaba na kayong dalawa. Nakapaghanda na ako. Sabay-sabay na tayong kakain.” sabi ni Mommy. “Sige po, Mama." simpleng sagot ni Keanne. “Susunod na lang po kami, Mom!” sigaw ko naman. “Oh, sige. Sumunod na kayong dalawa.” Pagkaalis ni Mommy, nagkatinginan kaming dalawa ni Keanne. Dadaanan ko na sana siya pero bigla niya akong himawakan. “Keanne…” mahinang sambit ko nang magtama ang aming paningin. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago niya rin ako binitawan. “Mauna ka na.” malamig niyang utos sa akin. Iniwan ko siya sa kwarto at sumunod kay Mommy sa dining area. Pagpasok ko pa lang nalanghap ko na ang napakasarap na amoy ng niluto ni Mommy. Natanaw kong nakaupo na si Mommy sa dining chair. Nilapitan ko siya. "Nasaan si Keanne?" "Susunod na lang daw po siya." Maya maya din ay dumating si Keanne. Nakabihis siya ng pang-alis. Hindi niya na suot ang binigay kong white sando sa kaniya kanina. "Pasensya na, Mama." hingi ng paumanhin ni Keanne habang palapit sa amin. Humila siya ng upuan sa tabi ko. "Aalis ka?" tanong ni Mommy. "Ah, oo nga pala, kailangan ko kasing puntahan si tita kaya maiiwan ko po muna kayo rito ni Eliza, Mama." magalang naman na sagot ni Keanne. "Anong nangyari sa tita mo?" "Nagkaroon lang ng problema. Maliit na problema lang naman. Ang sabi niya kailangan kong pumunta sa kanila." "Kailan ba namin makikilala ang pamilya mo, Keanne? Ang sabi mo makikilala namin sila sa araw ng kasal niyo ni zeliza ngunit ni isang kamag-anak mo walang pumunta sa kasal niyo." "Sorry po, Mama. Abala kasi sila sa kani-kanilang mga negosyo. Wala silang oras na pumunta noong araw ng kasal namin ni Eliza." sagot ni Keanne. Alam ko naman ang totoong dahilan. Siguro nga walang pumunta dahil alam nilang ako ang pinakasalan niya. Anak ng mga taong pumatay sa mga magulang niya. "Ganoon ba? Sa susunod, imbitahan mo sila minsan sa mansion. Kailangan namin mag-bonding ngayong mag-asawa na kayo ni Eliz." "No problem po, Mama. Hayaan niyo sasabihin ko ito sa kanila." Napangiti na lamang si Mommy. Napatikhim ako ng biglang tumingin sa akin si Mom. "Oh, hija? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" "Hinihintay ko lang naman kayo, Mom para sabay-sabay na tayong kakain." Ngumiti lamang si Mommy habang si Keanne ay pasimpleng bumaling sa akin. Pagkatapos nga namin kumain ay ako nanang nagligpit ng mga pinggan habang si Mommy ay kinakausap ako. Nakaalis na kasi si Keanne at kami na lamang dalawa dito sa bahay. "Anak, bakit hindi ka sumama sa asawa mo?" tanong niya habang naghuhugas ako at siya ay nakatayo pa doon. "Mom, gusto mo bang iwan kita dito?" mabuti na lang nakahanap kaagad ako ng sagot. "Sabagay, oh siya pagkatapos mo diyan matulog ka na. Sa susunod nga maghanap na kayo ng maid. Para may makasama at makatulong ka dito kahit papaano. Kapag nalaman ito ng daddy mo baka siya na mismo ang hahanap ng maid para hindi ka lang mahirapan." "Ayos lang po ako, Mom. Medyo nasasanay na nga po ako sa mga gawaing bahay. Siguro nga mas mabuti ng ganito. Nagagawang kumilos na walang tumutulong sa akin." "Bakit? Hindi ka na ba babalik sa pagpipinta? Napakaganda ng mga paintings mo sa bahay bakit hindi mo dinala dito?" "Hindi po muna, Mommy. Doon na lang po muna ang mga 'yon. Balang araw babalik din po ako sa pagpipinta." "Bata ka pa lang mahilig ka ng mag-drawing. Hindi ko nga alam kung saan ka kumukuha ng inspirasyon sa mga pinipinta mo. May malalim na meaning." Bata pa lang ako, may mga naaalala akong bagay at eksena at iyon ang nagpapalakas loob sa akin para magpinta. Idinadaan ko na lang sa painting ang mga nasa isip kong eksena. Hindi ko alam kung totoo nga ba talaga 'yong nakikita ko sa panaginip ko, lalo na ngayong alam ko na ang totoong buhay ko noong bata pa lang ako. "Nakita ko yung painting sa kwarto mo." malungkot na sabi ni Mommy. "May isang bata doon at isang babae na tila ba sinisigawan yung bata. A-anong ibig sabihin ng painting mo na 'yon, Eliza?" curious na tanong ni Mommy sa akin. Hindi kaagad ako nakaimik. Malinaw na sa akin na ako yung batang pinipinta ko noon. Akala ko, panaginip ko lang ang mga nakikita ko noon ngunit ngayon malinaw ng tunay kong ina ang sumisigaw sa akin noon. "Siguro nga nagkaroon ka ng trauma noon." "Mommy?" "W-wala, wala akong ibig sabihin doon. Sige na, tapusin mo na 'yan at umakyat na sa kwarto niyo mag-asawa. Magpahinga ka na anak." tinapik niya ang balikat ko. "Magpapahinga na rin ako. Maiwan na kita, hija." Tumalikod kaagad sa akin si Mommy. Halatang ayaw niyang mapag-usapan ang nangyari noon. Alam ko naman. Ayaw ko lang din sabihin o itanong pa sa kaniya. Nagawa nilang ilihim sa akin ang nangyari noon kaya ngayon magkukunwari na lamang akong walang alam. Unti-unti na rin kasing bumabalik sa akin ang alaala ko noong bata pa lang ako. Simula ng sabihin ni Keanne sa akin na ang tunay kong magulang ang pumatay sa mga magulang niya, hindi na ako mapakali at doon nag-uumpisang bumalik ang lahat ng mga eksenang nangyari noong kasama ko pa ang tunay kong magulang. Wala silang ginawa kundi sigawan ako. Minsan pa nga pinapalo ako kapag hindi ko nasunod ang kanilang gusto. Tinuturuan nila akong magsinungaling. Pagkatapos, ngayon, pinagbabayaran ko ang kasalanan nila na hindi ko naman ginawa. Habang buhay ko na sigurong dadalhin ang sakit at problemang ito. Keanne, will never forgive me...hindi na rin babalik sa dati ang lahat. ------- Third POV Sa Lux bar na pagmamay-ari ni Keanne, nagtipon ang kaniyang mga kaibigan upang salubungin siya. Habang palapit sa mga kaibigan niya, sinalubong kaagad siya ng mga pagbati sa nakaraan niyang kasal. “Kamusta na ang buhay may asawa?” tanong ni Axel. Hindi nakasagot si Keanne. Umupo siya at alumagok kaagad ng alak. “Huwag mo sabihing walang interesting sa buhay may asawa?” biro ni Axel. "Baka naman pagod lang ‘yan sa honeymoon,” asar naman ni Darius. “Walang nangyaring honeymoon.” putol ni Keanne sa dalawa. “Paanong wala? Matagal ka rin nagtiis noong magkasintahan pa lang kayo ni Eliz. Huwag mong sabihin na kahit mag-asawa na kayo, wala pa rin nangyayari sa inyo?” hindi makapaniwalang sabi ni Axel. "Naalala niyo ba yung kwento ko sa inyo? Yung babaeng hinahanap ko!" tanong ni Keanne. “Alin doon?” tanong ni Darius, pilit inaalala. “Yung babaeng hinahanap ko para paghigantihan.” "Ah, 'yong anak ng pumatay sa mga magulang mo?” tanong ni Axel. “Anong balita sa babaeng ‘yon? Nakita mo na ba siya?” “Hindi ko lang siya nakita… Kasama ko pa.” sagot ni Keanne. Nagkatinginan sina Axel at Darius “Huwag mo sabihin—” sabay na sambit ng dalawa. “May iba kang babae?” tanong ni Darius. Hindi naman nakapagsalita si Axel, halatang nagulat at naguguluhan. “Wala akong babae.” tipid na sagot ni Keanne. Ngunit maya-maya’y napatingin si Axel sa harapan. “Ngayon, magkakaroon na… Ayan na siya!" May isang babaeng lumapit sa kanila, suot ang maiksing dress na nag-expose sa mahahaba nitong mga hita. Sumunod ang dalawa pang babae dito. "Hey!" bati ng isang babaeng maiksi ang suot. Isa-isang nilapitan sila Axel at Darius ng dalawang kasama nito. "Wanna have fun, boys?" tanong ng babaeng lumapit kay Keanne. Kinuha nito ang baso at walang pag-alinlangan na nilagok ang alak. "Alam mo bang bagong kasal lang 'yan?" birong sabi ni Axel sa babaeng lumapit kay Keanne. "Oh, really? Loyal ka ba talaga sa asawa mo?" Ipinatong ng babae sa hita ni Keanne ang isang hita nito. "Ako nga pala si Erika. Puwede naman kitang paligayahin kahit isang gabi lang kung gusto mo." Pang-aakit nito habang pinapagapang ang mga kamay nito sa dibdib ni Keanne. "Talaga bang kaya mo 'kong paligayahin?" hinawakan ni Keanne ang kamay nito. Halos hindi makapaniwala sila Darius at Axel dahil sa pagpatol ni Keanne sa babae. "Sigurado ka ba, dude?" tanong pa ni Axel. "Why not?" sagot ni Keanne tsaka nito binuhat si Erika. ------- Eliza's POV Napahikab ako habang unti-unting iminumulat ang aking mga mata. Nang balingan ko ang wall clock, alas otso na pala ng umaga. Bigla akong napabangon at agad na binalingan ang space ng kama ngunit wala roon si Keanne. Nasasanay na lang ako na hindi ko siya nakakatabi, at nasasanay na rin akong hindi umuuwi ng bahay si Keanne. Naghilamos ako at lumabas kaagad ng kwarto. Pagpasok ko sa kusina, naamoy ko kaagad ang napakabangong almusal. Napalingon sa akin si Mommy Lailani. “Gising ka na pala, iha. Naghanda na ako ng almusal. Aalis na rin kasi ako. Nasa bahay na raw ang Daddy mo.” sabi niya habang nilalagyan ng kape ang kaniyang tasa. Umupo ako sa bakanteng upuan. “Nasaan ang asawa mo? Umuwi ba siya kagabi?” tanong niya, halatang nag-aalala. “Hindi po." tipid na sagot ko. “Bakit hindi?” “Sanay na po ako, Mom." “Ano?” “A-ang ibig ko po sabihin… sanay naman akong matulog mag-isa sa kama,” palusot ko, nadulas bigla ang dila ko “Ngayon lang ba nangyari ‘yang hindi pag-uwi ng asawa mo? Isang buwan pa lang kayong ikinasal tapos nagagawa niyang hindi umuwi ng bahay?” may halong pagkabahala at inis sa boses ng mommy ko. “Mom, naiintindihan ko naman po si Keanne. Baka nagkaproblema lang kaya hindi siya nakauwi kagabi.” Sinusubukan ko pa rin na ipagtanggol at pagtakpan si Keanne sa Mom ko. “Anak, kung hindi lang ako pinapauwi ng Daddy mo ng maaga, hihintayin kong umuwi ‘yang asawa mo. Pagsasabihan ko ‘yan.” “Mom, wala po ba kayong tiwala sa akin? Ako na po ang bahala kay Keanne. Pagsasabihan ko na lang po siya.” “Pagsabihan mo ‘yang asawa mo, Eliza. Baka kung anong ginagawa na. Paano kung hindi pala sa tita niya iyon pumunta?” “Mom, nagsasabi naman po ng totoo si Keanne.” “Okay… palalampasin ko ‘yan ngayon. Huwag mo hayaang palaging ganito ang asawa mo, Eliza.” “Opo." sagot ko kahit naninikip na ang dibdib ko. Nagagawa kong pagtakpan si Keanne. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kahit pa nagagawa niya na akong saktan, hindi ko pa rin siya kayang iwan at ito pa nga, ipinagtatanggol ko pa siya. Nag-almusal na kami ni Mommy pagkatapos nga ay nagpaalam na rin siyang umuwi. Naiwan na naman akong mag-isa. Hindi ko alam kung bakit… sa kabila ng lahat ng ginawa ni Keanne sa akin, nagagawa ko pa rin siyang hintayin. Napatakbo ako sa sala nang marinig kong may nag-doorbell. Mabilis kong nilapitan ang pintuan at binuksan ito. Tumambad sa akin ang security guard, kasama si Keanne. Lasing na lasing habang akay ng security guard. “K-kuya… a-ano po ang nangyari?” tanong ko kahit alam ko naman na lasing ito. “Nalasing po si sir, ma’am,” sagot ng guard. “Nag-drive siyang lasing?” halos hindi ako makapaniwala. “May naghatid po sa kaniya, ma’am.” “N-nasaan na?” napatingin ako sa paligid. “Umalis na po, ma’am." sagot ng guard. “Lalaki ba?” “Babae po, ma’am.” Bigla akong natigilan. Babae? Hindi siya umuwi kagabi, at ngayon malalaman kong inihatid siya ng babae. "M-maganda ba, Kuya?" hindi ko napigilang magtanong. "M-maganda po, ma'am, sexy at maputi rin. Ang iksi nga ng suot. Halos makita na kaluluwa sa iksi. Yung dibdib din halos lumuwa na." Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko. Ano mang oras ay tutulo na naman ang aking mga luha. "S-sorry po, ma'am. Ang daldal ko. Hindi ko na dapat sinabi pa sa inyo. Pasensya na po." Hindi pa rin ako umimik. "Ma'am, saan ko po ihahatid si sir? Sa kwarto niyo na po ba?" "Dito na lang po, Kuya sa sofa." utos ko habang pinipigilang pumiyok ang boses. Sa totoo lang, pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Dahan-dahang inilapag ni kuya si Keanne sa sofa. Wala pa rin siyang malay. Mukhang tulog na tulog pa yata. Kahit medyo malayo ako sa kaniya naaamoy ko rin ang amoy alak niyang hininga. "Iwan ko na po kayo, ma'am. Sigurado po ba kayong hindi ko na ihahatid si sir sa inyong kwarto?" "Huwag na ho, Kuya." "Sige po, ma'am lalabas na ho ako." Pinagmasdan ko ang paglabas ng security guard bago ko binalingan si Keanne na nakahiga sa sofa. Doon pa lang tumulo ang aking mga luha. Napaupo ako at hinaplos ang kaniyang mukha. "Keanne..." sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya. FLASHBACK "Hi!" bati ng isang lalaki. Nagpipinta ako kaya hindi ko man lang siya sinulyapan o binalingan ng tingin. "Ang galing mo naman." dagdag na sabi niya. "Salamat." sagot ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Boses niya lang naririnig ko. "Oh, by the way, I'm Keanne Salvatorri." Doon pa lang ako napalingon. Napaawang ang labi ko ng masilayan ang mukha nito. Halos hindi ako makapaniwala dahil naririnig ko lang ang pangalan niya sa mga kasamahan ko sa art studio. "And you are... Miss?" "Ahm! E-Eliza." nahihiya ko pang pakilala sa kaniya. Inilahad niya sa akin ang kamay niya. "Nice to meet you, Eliza." "N-nice to meet you too." Tinanggap ko ang kamay niya pagkatapos kong tanggalin ang gloves sa kamay ko. "By the way, I like your work." "T-thanks. Magkahawak na ang kamay namin dalawa. Bigla na lang akong may naramdaman tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan kaya kaagad ko rin hinigit ang kamay ko mula sa pakikipag-shake hands sa kaniya. "P-pasensya na." nakangiwing sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya kaya labas ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Sobrang gwapo niya. Ang tangkad pa at namumula-mula ang balat niya. Ang kinis pa ng kaniyang mukha. Ang tangos ng ilong at sobrang bango. "Si Keanne Salvatorri!" sigaw ng mga kasamahan ko sa studio. Nagtilian sila. Kaya napalingon ako. Para bang kinikilig silang lahat habang nakatingin sa lalaki. Hindi naman kasi mapigilan 'yon dahil parang artista na naligaw dito sa studio. Kahit nga ako ay napatulala na lang ng makita siya. Makalaglag panty ang kaguwapuhan niya. Napangiti si Keanne Salvatorri. Maya maya lang ay may tumawag sa kaniya. Kaya lumabas rin ito sa studio namin. Isa-isang lumapit sa akin ang mga kasamahan ko. "Uy! Ang lambot ba ng kamay niya, Eliz?" "Anong sabi niya?" Sunod-sunod na mga katanungan ang natanggap ko mula sa kanila. "Wala naman siyang sinabi kundi nagpakilala lang. Pinuri niya lang yung work ko." "Atleast nakausap mo siya. Alam mo ba, naghahanap daw yun ng paintings. Sana isa sa akin ang mapili." nangangarap na sabi ni Jessa. Nanahimik na lamang ako. Ayaw ko na kasi pag-usapan pa ang lalaking 'yon. Mag-focus na lamang ako sa paintings ko. Hindi ko pa kasi natatapos. Nang matapos nga ay dinala na ito sa exhibit. Sana lang may bumili. Sana magkagusto sa gawa ko. Nagpapahinga na lang ako dahil mamaya-maya ay uuwi na rin ako. Habang umiinom ng coffee dito sa lounge area. Bigla na lamang lumapit sa akin si Jessa. Ang lalas pa naman ng boses niya. "Eliz! Eliza!" sigaw niya. Umupo kaagad sa bakanteng upuan na nasa tapat ko. "Jessa? Anong nangyayari sa 'yo? Hingal na hingal ka?" "May magandang balita ako sa 'yo! Oh my goodness! Matutuwa ka sobra sa balita ko!" nakasigaw na sabi niya kahit nasa harap niya lang naman ako. "A-ano ba 'yan?" "Alam mo bang may bumili na ng mga paintings mo?" "A-ano? S-sigurado ka ba?" "Oo, at alam mo ba? May nalaman pa ako. Gusto ka raw makausap nung taong bumili ng mga paintings mo." "T-talaga? N-nalaman mo ba kung sinong bumili?" Napaismid si Jessa. "Hindi eh! Walang sinabi si Miss Gwen." "B-bakit raw ako gustong makausap?" "Hindi ko alam. Baka mamaya kakausapin ka ni Miss Gwen. Speaking of Miss Gwen nandiyan na siya." napanguso si Jessa. Palapit na sa amin si Miss Gwen. "Eliza, puwede ka bang sumunod sa opisina ko?" kaagad na sabi nito sa akin. Napatayo naman kaagad ako. "S-sige po, Miss Gwen." Umalis na kaagad si Miss Gwen. Hindi siya nagtagal. Lumapit lang siya sa amin para sabihin 'yon. "Sabi ko sa 'yo eh! Kakausapin ka ni Miss Gwen." Iniwan ko si Jessa para puntahan si Miss Gwen sa kaniyang opisina. Si Miss Gwen ang studio director, ang namamahala sa lahat. Pagpasok ko pa lang ay pinaupo niya ako sa bakanteng upuan na katapat ng kaniyang table. "Congratulation, Ms. Feister, may bumili na sa lahat ng mga art works mo." "S-salamat po, ma'am." ang laki ng ngiti ko. Hindi nga talaga nagsisinungaling si Jessa. Sino naman kaya ang nagkagusto sa mga art works ko. "Alam mo bang gusto kang makausap ni Mr. Salvatorri?" "Ho?" "Kung papayag ka. Pumunta ka mamaya sa isang restaurant. Nagpa-resevre na ako ng taboe para sa inyong dalawa ni Mr. Salvatorri. Gusto ka lang daw niyang makausap na tanging kayo lang dalawa." Napalunok na lang ako bigla. Kinakabahan tuloy ako. Sino kaya ang taong 'yon? Bakit gusto niya akong makausap? Dumating nga ang gabing iyon. Habang naglalakad palapit sa table ay nangangatog ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako? Wala pang tao sa table. Nauna ako. Mabuti na lang. Mas nakakahiya kasi kung sila pa ang naghintay sa akin. Ilang minuto akong naghintay. Napapalingon rin ako sa paligid. Pakiramdam ko, gustong kumalas ng bra ko sa kaba. Hindi ako mapakali. "Sorry for keeping you waiting." Napaawang ang labi ko ng may marinig akong baritonong boses sa likuran ko. Siya na kaya ito? Bakit parang familiar sa akin ang boses niya? T-teka? Unti-unti akong lumingon at nasilayan ko nga ang mukha nito. "I-ikaw?" halos hindi ako makapaniwala. Ang lalaking ito ay ang lalaking nakipagkilala sa akin kanina sa studio. Humakbang siya palapit sa table at umupo. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng t***k ng puso ko. "Nagulat ka ba?" ngumiti na naman ito. Napakagat labi ako. Ang gwapo niya talaga, sobra. "B-bakit mo 'ko gustong makausap?" "Masyado ka namang pormal, Miss Feister." sambit niya na may pilyong ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD