Inayang kumain ni Armando sina Hernando at Emilia. Napili nila ang Italian restaurant na malapit lang sa lugar na pinuntahan nila. Agad silang inasiste ng waiter at binigyan ng magandang pwesto na mauupuan. Sa kabilang lamesa naman pumuwesto ang mga kasama nilang bodyguard. Habang nakaupo at naghihintay ng kanilang order ay nabaling ang tingin ni Emilia sa babaeng dumaan sa harapan nila. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod na, pero ang pigura ng babae ay kamukha ng sa anak niyang si Cassie. Agad niyang kinalabit ang asawa. "Hernando, nakita ko si Cassandra Marie!" sabi niya rito. "What?" tanong ng gobernador. "Si Cassandra Marie, narito siya kanina sa restaurant, alam kong siya 'yon," tugon nito. "Ha, bakit ngayon mo lang sinabi?" histerikal na tanong ng ginoo. "What's

