"Manong, tara na po." Utos ko agad sa taxi driver pagkapasok ko sa loob. "Pakibilisan po." dagdag ko pa at nagpunas ako ng luha sa aking mukha at lumingon kung sumunod ba siya. Sakto naman paglabas niya ay umandar agad ang taxi kaya imposibleng maabutan niya pa ako. Suminghot ako at pilit kong kinalma ang sarili para hindi maiyak sa galit. Nakakahiya ang nangyari sa araw na ito. Hindi ko akalain na magiging komplikado ang lahat sa araw na ito pagkaalis ko kanina. Naiinis ako. Nagagalit ako sa kanya pero hindi ko maiwasan na magsisi kung bakit umalis pa ako para takasan siya. Wala sanang nadadamay. Hindi sana kami umabot pa sa ganito. Ilang segundo lang, bigla na lang huminto ang taxi sa may gilid ng kalsada. "Manong, bakit po?" Nagtataka kong tanong at lumingon sa labas. Napansin

