C48.1- Joan

2597 Words

Tinulak ko siya pero hindi man lang natinag at parang bakal sa tigas ng katawan niya. Saka bigla akong nanlalambot dahil ayaw ko mang maramdaman ay naging mahina na naman ako sa kanya. Tinatraydor na naman ako ng puso at katawan ko sa kanya. Pinilit kong makawala sa kanya pero gaya kanina ay hindi ko man lang mahiwalay ng kaunti ang katawan niya sa akin. Gano'n na ba ako kalasing? Malinaw pa naman ang utak ko, ah. Kung alam ko lang mangyayari ito, sana hindi na ako uminom. Parang hangin lang kasi ang lakas ko sa kanya. Kaya sa inis ko, tinodo ko ang lakas at tinulak siya sabay sampal sa kanya nang sunod-sunod. "Ang kapal ng mukha mong halikan ako gayung hindi kita kilala!" Hinihingal kong sigaw sa kanya. Natigilan siya saglit at tumitig sa akin. "Gusto mong maniwala ako, 'di ba? Pwes,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD