Hindi ko na namalayan kung ano na ang nangyari sa pag-uusap nila kanina dahil nakatulog na ako at hapon nang magising ako. Pagkalabas ko kanina ay wala ng tao sa sala. Wala na ang bwesit na linta at nasa loob na naman ng kwarto niya si Bes. Gusto ko sana siyang kausapin pero tahimik siya kaya iniisip kong baka natutulog na rin siya. Dumiretso ako sa kusina at nagulat ako na nakapagluto na siya ng pagkain namin. Ang sarap talagang kasama ni Bes, dahil kahit broken hearted siya, masarap pa rin ang luto niya. Sabi kasi nila, hindi daw masarap kapag broken hearted pero bakit naman si Bes ay hindi? Ako kasi hindi marunong magluto dahil hindi rin ako mahilig. Taga-kain lang talaga ako sa mga luto nila. Tumingin ako sa pintuan kung saan nakatayo si Linta kanina. Mabuti naman at lumayas na siya.

