Nathaniel's POV "Nakahanda ka na ba?" tanong ko kay Rebecca. Mga walang emosyon ang mga kaharap namin ngayon. Para silang mga istatwa na binigyan lang ng pagkakataon na gumalaw at patayin kami ni Rebecca. Hindi ako makapaniwalang nabuhay muli sila. Paano?! Nakakabiglang isipin na kanina lang ay namaalam na sila at ngayo'y muling nagbabalik upang maging mga kalaban namin. Hindi ko maiwasang manghina habang nakikita ang dalawa pa naming kaibigan na sina Raven at Hannah. Parang ayoko silang saktan. Ayoko silang kalabanin. Ngunit hindi ko iyon maaaring gawin. Sapagkat buhay ko naman ang magiging kapalit. Hindi ko iyon hahayaan na mangyari. "Sila ang paunahin nating umatake satin. Kapag nangyari na iyon, tsaka lamang natin sila kakalabanin. Nang sa gayo'y hindi tayo mahirapan. Nauunawaan

