Mr. Celestino's POV Ako kinatatakutan ng lahat. Ako ang pinuo ng mga maligno dito sa loob ng paaralang pagmamay-ari ko. Ang Celestino University. Ako ang nagpasimula ng tradisyon na ito na tuwing araw ng mga patay ay may kakaibang larong magaganap. Mga estudyante ang kalahok at ang mga malignong alagad ko ang kanilang mga makakalaban. Kinasasabikan ko parati tuwing sasapit ang araw na iyon. Napangiti ako nang maisip na maraming buhay na naman ang kanilang naialay sa akin. Pakiramdam ko'y mas lalong lumakas ang kapangyarihan ko dahil sa tulong nila Lacsima. Maaasahan ko talaga sila. Napangisi ako nang maalala ang plano ko para sa binatang si Nathaniel. Nakakatawa. Totoong matalino siya ngunit hindi niya namamalayang unti-unti ko na siyang naiisahan. Sa ngayo'y napapaniwala na siya ni La

