Mr Alfredo Lacsima's POV Binigyan ko lang ng mala-demonyong pagtawa si Rebecca bago ko itusok ang hawak kong patalim sa likod niya. Paalam, kawawang Rebecca. Isa ka na lamang parte ng ala-ala ngayon ng binatang si Nathaniel. Ngunit wag kang mag-alala. Sapagkat, makakasama mo rin siya maya-maya. Ako na munang papalit sa'yo. Sayang-saya ang mga kasama kong ibang guro habang isa-isang kinakain ang mga kasamahan ni Rebecca. Nakakatuwa silang pagmasdan habang unti-unti silang binabawian ng kanilang mga buhay. Kasalanan rin naman nila ang lahat ng yan. Masyado nilang pinairal ang kanilang katangahan. Kung hindi sana sila nahikayat na mag-aral rito'y hindi mangyayari sa kanila ang ganyang bagay. Kabobohan. "Wag tayong susuko! Talunin natin sila!" sigaw ng isa sa kanila kasama ang dalawa pa.

