Raven's POV Malakas ang kabang nararamdaman ko habang nakapwesto sa may gilid ng ulo ko ang masong hawak ni Hannah. Hindi ko inaasahang matatalo niya ako. At mas lalong hindi ko inaasahang makita muli ang dating Hannah. Ang demonyo niyang pagkatao. Ngayo'y akin nang nakikita. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang gawin sakin 'to kapalit ng kalayaan na inaasam niya. Hindi totoong gusto ko siyang patayin. Ang katotohanan ay gusto ko lang naman siyang maging matapang. Pero iba ang nangyari. Nakagawa ako ng isang halimaw. "Papa Raven wag kang susuko! Kaya mo yan!" sigaw ng isang babaeng estudyanteng habang pinanunuod kami sa loob ng hawla. Bahagya akong napangiti. Hindi. Hindi na ako makaliligtas pa rito. Lalo pa't batid kong hindi na ako balak na buhayin pa ni Hannah. Ang tanging tumatakbo

