Nathaniel's POV
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang aatakihin ako ng kaibigan kong si Rebecca habang hawak-hawak ang armas niyang palakol. Bakit?! Bakit siya nagkaganyan? Hindi na siya ng Rebecca na kilala ko. Sa mga sandaling ito, ngayon ko lang nakita ang mala-demonyo niyang katauhan.
Nakakakilabot.
Mabilis na iniwasan ko ang pag-atakeng ginawa niya. Hindi niya ako maaaring patayin. At lalong, hindi ko rin siya maaaring patayin. Magkaibigan kami. Kaming apat. Dapat sa sitwasyon ngayon ay nagtutulungan kami kung papaano kami makakaalis dito pero ito ang kamalasang nangyari samin. Magpapatayan kami para sa kaligtasan. Magpapatayan kami kapalit ng kalayaan na makalabas sa hawla na ito. Sa loob ng limang minuto ay dapat na may matira na dalawa sa aming apat. Dahil kung hindi, batid kong kaming apat ang mamamatay.
"Rebecca! Tama na!" sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag-atake sakin. Kitang-kita ko sa mga mata niyang hindi niya gustong atakihin ako. Namumuo ang luha sa gilid ng kanyang mata. Napipilitan lang siya marahil. Siguro'y ang tanging tumatakbo na lang sa isip niya'y ang makaalis na rito kaya handa niya akong kalabanin kapalit ng kalayaan na inaasam.
"Ano ba Rebecca! Gumising ka nga! Wag mong gawin 'to! Hindi ito ang sulusyon para makalabas tayo rito sa impyernong paaralan na 'to!" sabi ko nang mahawakan ko ang magkabilang braso niya. Pilit kong tinitignan siya sa kanyang mga mata ngunit umiiwas siya ng tingin.
Nakita kong umiyak si Rebecca.
"Ano ba! Magpatayan na kayo!" sigaw ng isang lalaking estudyante na sayang-saya habang pinanunuod kami sa loob ng hawla.
Hindi ko maiwasang titigan ang estudyanteng iyon ng masama nang marinig ang mga sinabi niya.
sang malaking kalokohan.
"Wag kayong makinig sa sinasabi niya! Hindi natin kinakailangan na magpatayan para lang makalabas sa kulungang to! Ang kinakailangan lang natin na gawin ay umisip ng mas magandang paaralan upang makalabas tayo sa paaralan na to! Naiintindihan niyo ba ko?!" sigaw ko.
"Wala ng ibang paraan Nathaniel! Iyon na lang ang natitirang paraan!" sabi ni Raven habang pinagmamasdan ang itak na hawak niya.
Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Rebecca nang napaka-lakas. Napahiga ako sa sahig at sumakit ang buo kong katawan. Bwisit. Nahihibang na talaga siya. Hindi maaaring ganito na lang kami. Kailangan ko na agad umisip ng paraan. Tumatakbo ang oras at batid kong malapit na iyong maubos. Kapag nagkataon, ay buhay naming apat ang magiging kapalit.
Hindi ko iyon hahayaan na mangyari.
"Patawarin mo ako Nathaniel... Paalam." sabi ni Rebecca habang unti-unti na niyang itinataas ang palakol na hawak niya at handa nang ipang-paslang sakin.
Hindi ko pa oras mamatay!
Nang sandaling palakulin na niya ako'y gumulong ako upang hindi ako tamaan. Isang napaka-galing na desisyon. Hindi ako namatay.
Kita kong nainis si Rebecca sa ginawa ko kaya dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang armas kong espada na tumilapon kanina. Mukhang wala na talaga ang Rebecca na kababata ko. Sa ayaw man o sa gusto ko...
Kailangan ko na siyang kalabanin.
Hannah's POV
Habang abala sa pakikipaglaban si Rebecca sa kababata niyang si Nathaniel, ay nasa may sulok pa rin ako at pinag-iisipan kung ano nang gagawin ko. Ayoko pang mamatay pero mas lalong ayaw kong pumatay. Kasalanan 'to ng letcheng Mr. Celestino na iyon at pinaglalaban-laban niya kaming magkakaibigan. Bwisit talaga siya.
Wala siyang kasing sama!
Pinulot ko bigla ang maso sa tabi ko at tumayo nang makitang papalapit sakin si Raven. Ayoko. Ayoko siyang kalabanin. Mahal ko si Raven. Hindi ko magagawang saktan siya. Kamalasan. Sana iba na lang ang naging kalaban ko at baka kayanin ko pa.
Nagpaatras-atras ako habang papalapit pa rin siya sakin. Mala-demonyo ang pagngising ginagawa niya. Tila hindi na siya ang Raven na kilala ko. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko at ramdam kong nagsimula na rin sa pagtataasan ang balahibo sa buo kong katawan.
Nag-iikutan lamang kamu at matalim ang tingin sa bawat isa. Kailangan kong maging matapang upang hindi mamatay. Kakayanin ko para makaligtas ako. Kapalit ng kalayaan, handa akong makipagpatayan. Alang-alang sa aking magiging kaligtasan!
"Kaya mo kaya akong kalabanin Hannah?" muli kong nasilayan ang pagngising ginawa niya kanina. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Parang hindi ko na yata kaya.
"Kakayanin ko. Para sa kalayaan." sinubukan kong bigyan siya ng ngiti ngunit hindi ko kaya. Tanging takot lamang ang nangingibabaw sakin sa mga sandaling ito.
Nginitian niya muna ako bago siya sumugod. Naglaban kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin at tila nag-iiba ako bigla nang kalaban ko na siya. Parang nanunumbalik ang dating ako. Ang dating Hannah na kinatatakutan ng lahat. Ang Hannah na handang gawin ang lahat upang makamit ang gusto niya.
Nagbalik na ang dating ako.
"Sige! Galingan niyo pa!"
Napangisi ako nang marinig ang sigaw ng isang babaeng estudyante. Mas lalo akong ginanahan makipaglaban. Naging demonyo na nga rin ako gaya ng iba ko pang kaibigan. Para sa kalayaan, gagawin ko ang lahat. Kahit na patayin ko pa sila, wala na akong pakialam pa.
Makakalabas ako rito
"Hannnah! Talunin mo siya!"
Isang pagsigaw muli ang aking narinig at mas lalong lumakas ang kumpyansa sa aking sarili na matalo si Raven. Hanggang sa habang naglalaban kami'y nagawa kong patalsikin ang armas niya't wala na siyang ibang nagawa kungdi ang lumuhod sa harapan ko. Napangiti ako bigla. Nakamit ko na ang unang hakbang kapalit ng kalayaan.
"Dalawang minuto!"
Kumunot bigla ang noo ko nang malamang dalawang minuto na lamang ang natitira. Kailangan kong bilisan ang aking pagkilos nang sa gayo'y makalabas ako sa hawla na ito at makapagpatuloy pa upang makalabas ng tuluyan sa Celestino University.
Hindi ako maaaring mamatay dito.
"Hahayaan mo ba siyang mabuhay Hannah? Patayin mo na siya! Hindi mo siya maaaring buhayin! Magiging sagabal lang siya sa pagtakas mo! Kaya ano pang hinihintay mo? Paslangin mo na siya!"
Napalingon ako sa nagsalita. Kilala ko siya. Siya si Buena. Isa sa mga kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may sumaksak sa likod niya. Isang lalaking naka-hood. Hindi ko ito namukhaan dahil bigla itong nawal sa paningin ko. Nakakainis.
Nademonyo ako bigla dahil sa sinabi ni Buena. Pakiramdam ko'y unti-unti na akong nagiging halimaw. Unti-unti nang lumalabas ang Hannah na matagal ko nang ibinaon ngunit ngayo'y muling nagbabalik. Dahil kailangan ko siya ngayon. Kailangan kong maging matapang para malampasan ang pagsubok na ito na kinahaharap ko.
"Katapusan mo na." sabi ko kasabay ang isang mala-demonyong pagngisi.