Kabanata 17: Sapilitang Labanan

1761 Words
Miss Montiverde's POV Hindi ko maiwasan ang mapangisi habang nakikitang takot na takot sakin ang mga mag-aaral na nakasalubong ko na susubukan sanang tumakas sa impyernong paaralan na ito. Nakakatawa sila. Hindi ba nila alam na napapaligiran ng mga maligno ang paaralan na ito? Mga inutil. "M-miss Montiverde... Patakasin niyo na po kami rito. Hindi naman kayo maligno diba?" takot na tanong sakin ng estudyanteng si Almira. "Siyempre hindi." binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti. "Wag kang maniwala sa kanya!" Napatingin ako sa binatang nagsalita. Ang pakialamerong Raven na iyon. Imposible. Dapat patay na siya. Dapat nakain na siya ng mga halimaw sa kagubatan. Papaano siya nakabalik rito? Hindi maaari! "Sinungaling ka! Papatayin mo rin kami!" sigaw naman ng estudyanteng si Xyrene. Bwisit. Nginisian ko muna sila bago ako nagpalit ng wangis. Napasigaw ako nang maramdamang unti-unti nang lumalabas ang pakpak mula sa likod ko. Kasabay nito ay ang paghaba ng aking mga kuko at pamumula ng aking mga mata. Nagmistulang bangkay ang kulay ng balat ko at meron rin akong matatalas na pangil na gaya ng sa bampira. "Simulan niyo nang tumakbo..." nginisian kong muli sila. Dahan-dahan silang napaatras dahil sa sinabi ko. "Isa..." "Dalawa..." "Takbo!" Nagtakbuhan na ang mga hangal na estudyante. Nakakatawa silang pagmasdan habang takot na takot na tumatakas. Akala siguro nila'y makakapagtago sila sakin. Malas lang nila't kabisadong-kabisado ko na ang paaralang ito. Makikita at makikita ko rin sila kahit saan pa sila magpunta. Kapag nahanap ko sila, sisipsipin ko ang kanilang dugo at kakainin ko ang kanilang mga lamang-loob. Sinimulan ko nang lumipad. Andrea's POV Tahimik lamang ako habang nakatago sa loob ng isang klase. Hindi ko maiwasan ang masuka habang nakikita ang kalunos-lunos na kalagayan na sinapit ng mga kapwa ko mag-aaral. Demonyo talaga ang mga guro na iyon. Wala silang kasing sama. Kaya pala nila kami dito pinag-aral ay upang maging pagkain nila maging ng iba pang maligno. Papatayin ko sila! Napasilip ako sa bintana nang makaramdam ako ng malakas na hangin. Tila may lumilipad. Hindi nga ako nagkamali dahil nasa ere ang mala-paniking si Miss Montiverde. Siya ang uunahin ko. Dali-dali akong lumabas ng naturang klase at sinundan si Miss Montiverde sa kung saan man siya pupunta. Muli akong napatago nang makitang may nahuli siyang estudyante. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko na marahas niya itong kinagat sa leeg pagkatapos ay kinain ang lamang-loob ng estudyanteng nahuli niya. Kailangan kong mag-ingat. Nagulat ako nang may humila sakin papunta sa isang sulok. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Raven ito. Ang lalaking nakasama kong nakaligtas sa mga halimaw. Bakit nandito siya? Ang buong akala ko'y tuluyan na siyang nakatakas at hindi na muli pang bumalik dito. Bakit ganon? Bakit nandito pa rin siya? Isa itong malaking pagkakamali! "Bakit ka nandito!? Kaya nga kita iniwan dahil kailangan mong tumakas at iulat ang kaganapan dito sa Celestino University!" kita kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. "Bakit mo ko iniwan? Bakit bigla kang nawala?" tanong naman niya sakin habang nakahawak sa magkabilang braso ko. Medyo nahigpitan ako kaya inalis ko agad ang kamay niya. "Kailangan mong makaligtas. Ikaw na lang ang pag-asa namin." hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha sa mga mata ko. Pagkakataon na sana upang may tumulong samin dito subalit naudlot pa. Kasalanan ko rin ito. Dahil hindi ko nasabi ang plano ko sa kanya. "Sabihin mo sakin kung anong nangyari sa'yo! Sumagot ka!" "Iniwan kita dahil kailangan kong maghiganti. Kailangan kong patayin ang mga guro na iyon. Tumakas ka na sana para may tumulong satin pero bumalik ka pa dito. Isa 'tong malaking pagkakamali. Mamamatay tayo lahat dito." Napamura siya bigla dahil sa sobrang inis habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala na. Sira na ang plano. Mamamatay na kaming lahat rito sa ayaw man namin o gusto. Ngunit kailangan naming maging matatag. Kailangan naming maging matapang. Alam kong may iba pang paraan para makaalis kami rito sa impyernong paaralan na ito. Ngunit, paano? Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at huminga ng malalim. Hindi dito matatapos ang buhay namin. Kailangan naming makaligtas. Isinusumpa ko iyan. Mabagal akong lumakad at sumilip sa may bintana. "Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong sakin ni Raven. "Papatayin ko si Miss Montiverde." bulong na sagot ko sa kanya. "Nasisiraan ka na ba? Baka ikamatay mo yan. Hindi ko hahayaan mangyari 'yon." medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Nag-aalala rin pala siya sa kalagayan ko kahit papaano. "Anong plano mo?" Nginitian ko siya. "Ganito ang plano..." Rebecca's POV Pagkababa namin ng ikalawang palapag ay sinenyasan ko silang magtago na muna. May panganib na parating. Nararamdaman ko. "Anong meron Rebecca?" nagtatakang tanong sakin ni Nathaniel. "May panganib." bulong ko sa kanya. Hindi ko na ipinarinig pa sa mga kasama namin at baka mataranta lang sila. Hindi kami maaaring mahuli rito. Sumilip ako upang alamin kung anong kaganapan. "Miss Montiverde! Nandito ako!" rinig kong sigaw ng isang babaeng estudyante habang nakatayo at may hawak na patalim sa kaliwang kamay niya. Nakita siya ni Miss Montiverde at walang anu-ano'y sinugod siya nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung papaano niya napaslang ang guro. Pinugutan niya ito ng ulo at tinusok sa may tiyan. Matapos nito'y naging abo ito at tuluyan nang nawala. "Kamusta? Ligtas na ba tayo?" Tumango lang ako kay Nathaniel. Lumabas na kami sa aming pinagtataguan at pumunta sa direksyon ng babaeng pumaslang sa gurong si Miss Montiverde. Napak-tapang niya. Bilib ako sa kanya at nagawa niya ang bagay na iyon. Narinig marahil ng babaeng eatudyante na iyon ang mga yabag namin kaya bigla siyang napalingon. Nakangiti ko siyang tinigyan. Pamilyar ang mukha niya. Siya si Andrea Mariano. Halos maluha naman ako nang makita ang lalakeng lumabas sa klase na malapit sa kinatatayuan ni Andrea. Si Raven. Buhay nga siya. "Rebecca? Nathaniel?" bungad niya nang makita niya kami. Lumapit kami ni Nathaniel at niyakap siya. Napaluha ako dahil sa sobrang pagka-miss sa kaibigan ko. Dalawang linggo akong nag-alala sa kalagayan niya. At dalawang linggo rin akong nangulila sa kanya. Kumalas na kami sa pagkakayakap. "Si Hannah? Ligtas ba siya?" nag-aalalang tanong ko. "Ligtas siya. Pinatulog ko muna siya sa loob." Dali-dali akong pumasok sa silid na nilingunan ni Raven. Mukhang nandoon si Hannnah. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko siyang natutulog habang nakayuko sa sarili niyang tuhod. Nilapitan ko siya at niyakap. "R-rebecca?" Itinaas niya ang ulo niya at nakita niya ako. Naiyak siya bigla at nagyakapan kaming dalawa. Naiyak rin ako ng sandaling marinig ang hikbi niya. Takot na takot talaga siya. "Makinig ka sakin. Kailangan nating makaalis dito. Tatagan mo ang loob mo dahil tatakas tayo." sabi ko sa kanya. "Susubukan ko. Kakayanin ko." naiiyak pa rin siya. Nang mahinto kami sa pag-iyak ay tumayo na kami at hinawakan ko siya sa kamay bago lumabas sa klase na iyon. Sinalubong naman kami ng ngiti ni Nathaniel, Raven, Andrea, maging ng kapwa namin mag-aaral na nakaligtas. Magiging ayos rin ang lahat. "Kamusta mga mag-aaral?" Isang pamilyar na boses ang narinig namin. Napaatras kami bigla nang makita namin ang aming mga guro na kakaiba ang mga anyo. Nakakakilabot. Yon ang unang salitang nabuo sa isipan ko nang makita ko sila. "A-ano ba talagang nangyayari?!" "H-hindi namin alam!" "Umalis na tayo rito! Bago pa mahuli ang lahat!" sigaw na sabi ni Hannah. Akmang magtatakbuhan na sana kami palayo nang isa-isang bumagsak sa sahig ang ibang mag-aaral na kasamahan namin hanggang sa kaming apat na lang ang natira. Hindi pwede ito. Hindi kami maaaring mamatay. Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isa kaming mahuli ng aming mga guro. Heto na. Katapusan na ba namin? Dito na ba kami mamamatay? "Ibaba niyo kami! Ano ba!" sigaw ko habang buhat-buhat ako ng isa sa kanila. "Please maawa kayo samin! Ibaba niyo na kami!" pagmamakaawa ni Hannah. "Mga demonyo talaga kayo!" galit na sabi ni Nathaniel. "Ano bang pinaplano niyo? Bakit hindi niyo na lang kami patayin agad. Ha?!" Aaminin ko. Medyo nainis ako sa sinabi ni Raven. Pero mas maigi siguro yon na mamatay kami agad kesa pahirapan pa kami. Hindi ko gusto iyon. Pero hindi pwede. Dapat makaligtas kami anoman ang mangyari. Makaaalis rin kami ng buhay sa paaralan na ito. Sinisiguro ko iyan. Hindi kami pinansin ng mga ito at patuloy lang sila sa pagbubuhat saming apat. Napaisip tuloy ako. Saan ba nila kami balak dalhin at bakit hindi pa rin nila kami pinapatay? May hindi kami alam sa nangyayari. Masama ang kutob ko ukol rito. Sabay-sabay nila kaming ipinasok sa loob ng isang hawla. Matapos non, ay umalis na lang sila bigla. Mga bwisit sila! Mamatay na silang lahat! Ano 'to? Anong ba talagang balak nilang gawin sa amin? Naguguluhan na ako. "Palabasin niyo kami rito!" sigaw ko habang nakahawak sa mga bakal. "Aray! Ang likod ko!" naiiyak na sabi ni Hannah. Mukhang napalakas yata ang pagkakabagsak sa kanya ni Mr. Alfredo Lacsima. "Ano to?! Bakit nila tayo kinulong dito?!" naiinis na tanong ni Raven. "Hindi ko alam. Pero, hindi maganda ang kutob ko dito." sabi ni Nathaniel. Nagulat kaming apat nang sandaling magdatingan ang ilang mga estudyante sa kinaroroonan namin. Hind ko maiwasan ang magtaka habang isa-isang marinig ang sinasabi nila na galingan daw namin at kailangan naming mag-ingat. Masyadong magulo. Hind ko maunawaan ang pinupunto nila. "Magandang tanghali sa inyong lahat! Masasaksihan niyo ngayon ang isang kapana-panabik na labanan ng magkakaibigan para sa kanilang mga buhay! Hahahahaha!" Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Mr. Celestino. Bwisit. Hindi malabong siya ang may pakana ng lahat ng ito dahil siya ang nagpapatakbo sa Celestino University. Demonyo talaga siya. Gusto ko siyang patayin! Nakakainis! "Anong ibig sabihin nito?! Magpapatayan tayo?!" naguguluhang sabi ni Nathaniel. "Mukhang ganun na nga." sabi ni Raven. "Hindi ito maaari! Ayoko pang mamatay!" sigaw ni Hannah. "Bibigyan namin kayo ng limang minuto upang maglaban-laban! Kung sino sa inyo ang dalawang makaliligtas, ay siyang makakalabas sa hawla at magpapatuloy sa pakikipaglaban upang makalabas sa Celestino University!" dagdag pa ni Mr. Celestino. Tumahimik ang buong paligid at sa isang iglap, tila nawala ako sa aking sarili dahil muling nanumbalik ang lahat ng galit ko sa kanilang tatlo. Ang pagsisinungaling sakin ni Raven noon tungkol sa kapatid niya. Ang panloloko ni Hannah sakin at nang ex-boyfriend ko. At ang pag-iwan sakin ni Nathaniel sa nasusunog na paaralan noong mga bata pa kami. Isa-isa na namang bumabalik sa ala-ala ko. Pumwesto kami sa bawat sulok ng hawla. Walang imik-imik. Tahimik lang habang nakatingin sa bawat isa. Kita kong may namumuo na ring galit sa kanilang mga mata. Batid kong naaalala rin nila ang mga pagkakamaling nagawa ko sa kanila noon. Nagsimula na kaming mamili ng armas para sa mangyayaring labanan. Naiiyak na kinuha ni Nathaniel ang espada na malapit sa pwesto niya. Kinuha naman ni Hannah ay isang maso. Habang kay Raven naman ay isang itak. Tinignan ko silang tatlo at pumili ng aking kakalabanin. Wala na ako sa sarili ko at gusto ko silang gantihan tatlo dahil sa mga kasalanan nila sakin noon. Hindi ko maintindihan kung ano na ba itong nangyayari sakin. Naging demonyo ako ng hindi sinasadya. "Hindi ko gustong gawin 'to pero... Mamatay ka na!" at sinugod ko na ang napili kong kalabanin. Si Nathaniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD