Raven's POV
"Aaaaahhh!!!!"
Isang malakas na pagsigaw ang pinakawalan ng mga kaklase ko nang may magsulputan na mga katakot-takot na maligno sa pinto ng klase namin. Mayroon itong malaking isang mata, wala itong ilong, at mayroon itong matatalas na pangil. Mayroon rin itong mga pakpak. Kakaiba. Ngayon ko lang nakita ang mga nilalang na iyan.
Anong klaseng nilalang sila?
"Magsipag-handa kayo! Dali! Bago pa sila umatake satin!" matapang na sigaw ko sa mga kaklase ko habang dahan-dahan kaming umaatras. Kailangan naming dumistansya kahit papaano. Dahil hindi namin alam kung paano umatake ang mga nilalang na iyan.
Nakita kong nataranta ang mga kaklase ko at dali-daling naghanap sa bag nila ng kahit na anong armas. Napamura ako bigla. Nawawala ang bag ko. Nandoon pa naman ang magagamit ko sanang armas para sa mga malignong nito. Paano na? Sh*t. Kailangan kong makahanap ng kahit na ano na magagamit ko. Itong salamin sa mata na lamang na nakasabit sa polo ko ang meron ako. Maaari kayang... Tama! Maaari kong gamitin ito!
May naisip na ako.
"Handa na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang nakatitig sa isa sa mga maligno.
"Handa na!" matapang nilang sabi.
"Sugod!"
Saktong pagkasabi ko'y nagsimula na nga ang labanan. Madali kong kinuha ang nakasabit na shades sa polo ko at sinimulang sirain ito. Pinira-piraso ko ito sa apat at humanda na ako.
Epektibo kaya itong naisip ko?
Pinutulan ko ng pakpak gamit ang bilog na parte ng shades ang unang malignong umatake sakin. Pagkatapos ay tinusok ko ang mata nito dalawang beses gamit ang parte ng shades na pahaba. Napangisi ako sandali. Ang astig ko talaga. Akalain mong ganon-ganon ko lang napaslang ang mga malignong iyon? Ibang klase.
"Talunin niyo sila!" rinig kong sigaw ni Black habang nilalabanan ang isa sa mga maligno gamit ang matalas na pamaypay niya.
Astig.
Nagulat ako bigla nang may malagkit na likido na tumama sa mga mata ko. Bwisit. Hindi ako makakita. Ano ba 'to? Sobrang lagkit. Nakakairita.
"Tulong!" sigaw ko habang paikot-ikot at unti-unting inaalis ang likido sa mga mata ko.
"Raven sa likod mo!" rinig kong sigaw ni Yumi.
Nang sandaling maalis ko na ang likido sa mata ko'y tumingin ako sa likod ko. Medyo malabo pero kita kong may papalapit saking isang maligno. Napaatras ako nang biglang bumagsak ito sa sahig dahil may pumatay rito.
Si Black.
Nginitian niya ako't nginitian ko rin siya. Nagulat na lang ako nang may biglang lumitaw sa likod niya at sinimulang kainin ang kagatin ang leeg niya.
Sh*t.
Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at pinagsasaksak ang malignong panay ang kagat sa leeg niya. Nang mapatay ko na ito'y natumba si Black sa sahig. Hindi maaari. Inalam ko ang pulso niya. Ngunit, patay na siya. Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan ng pagkamatay niya.
Binitawan ko na ang pira-pirasong shades na ginamit kong armas kanina at kinuha ko ang pamaypay ni Black upang ito naman ang gamitin ko. Di hamak na mas madaling pumaslang gamit 'to.
Kailangan ko siyang ipaghiganti.
Galit na tumakbo ako sa mga malignong katapat ng iba ko pang kaklase at isa-isang pinaghihiwa ito. Sa isang iglap, naging demonyo ako. Kita ko sa mga mata ng kaklase ko ang takot habang pinagmamasdan nila akong pumatay. Umaatras sila sa tuwing hahakbang ako papalapit sa kanila.
Takot na takot sila sakin.
Biglang sumagi sa isip ko ang kaibigan kong si Hannah. Kung ganito ang nararanasan namin ngayon, paniguradong ganito rin sa kanila. O mas malala pa.
Kailangan ko siyang puntahan!
Labis na pagkalungkot ang naramdaman ko nang sandaling marating ko na ang klase nila Hannah. Tatlo na lamang silang natirang buhay. Halos lahat ng mga kaklase niya'y namatay. Nagkalat ang mga bangkay ng nga ito kung saan-saan. Mga nakahandusay ito sa sahig, at naliligo sa sariling dugo katabi ang sa tingin ko'y malignong kinaharap nila.
Mga mababangis na aso na kumakain ng tao.
"Raven."
Halos mapaluha na si Hannah nang makita niya ako. Tumakbi siya papalapit sakin at niyakap ako. Nang mayakap niya ako'y doon na siya tuluyang umiyak. Iyak siya ng iyak. Nakakaawa.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at tumingin siya sa mga mata ko. Lumuluha pa rin siya.
"A-ano ba talagang nangyayari?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Sigurado akong may alam siya sa pangyayaring ito. Nakikita ko sa mga mata niyang may hindi siya sinasabi sakin.
Ngunit ano 'yon?
"Dapat sinabi ko 'to agad sa kanila. Dapat naging matapang ako." patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Anong pinagsasasabi mo? Sina Nathaniel? May balita ka ba sa kanila?"
"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat." sabi pa niya.
"Umalis na tayo rito habang maaga pa. Nasisiguro kong hindi lang ito ang sasapitin natin kapag nagtagal pa tayo rito." tumingin ako sa dalawang kaklase ni Hannah na nakaligtas.
"Sasama ba kayo?" tumango sila at sinenyasan ko na sila na sumunod nalang samin ni Hannah.
"Magiging ayos rin ang lahat. Makakaalis tayo rito." sabi ko pa kay Hannah habang inaalalayan siyang maglakad.
"Maaari ba kaming sumama?" sabi ng ilang mga estuydanteng nakasalubong namin habang naglalakad kami sa hallway. Dalawang babae, tatlong lalaki. Gaya namin, duguan na rin ang unipormeng suot nila at mayroon rin silang hawak-hawak na armas.
Galing rin sila sa labanan.
"Oo naman. Ngunit siguraduhin niyo lang na walang lilikha ng kahit na anong ingay kung ayaw niyong ulit mapalaban." halos pabulong na sabi ko sa kanila. Sa mga sandaling ito, kailangan naming mag-ingat. Bawat segundo ay minuto ay mahalaga. Buhay namin ang nakataya. Hindi ko hahayaan na lahat kami'y makamit ang kamatayan.
Pababa na sana kami ng hagdan nang isa sa aming mga guro ang makasalubong namin. Isang pagngisi ang ginawa niya bago siya nagsalita.
"Saan kayo pupunta?"
Nathaniel's POV
Hingal na hingal ako nang sandaling mapatay ko na ang huling maligno sa loob ng klase namin. Bumuntong hininga ako. Sana lang at wala nang kasunod ito. Sana matapos na ito agad ay makaalis na kami ng mga kabigan ko dito dahil hindi nanganganib kami.
"Saan ba sila nanggaling?" tanong ko sa aking sarili.
Nasa lima na lamang kaming natitira sa klase namin. Nakakalungkot na halos lahat ay namatay ng ganon kabilis. Ganon pala kapag oras na ng iyong kamatayan. Hinding-hindi mo ito matatakasan.
"Posible kayang..."
Napatingin ako bigla kay Benedict nang magsalita siya.
"Posiblenng ano?" tanong ko rito.
"Posible kayang... Galing ito doon sa pulang pintuan?"
"Anong pulang pintuan?" naguguluhang tanong ko.
"Yung pulang pintuan na matatagpuan roon sa unang palapag. Yung pulang pintuan na bawal pasukan nating mga estuydante." pagpapaliwanag niya. Napaisip ako. Posible nga ang naiisip niya. Marahil may kakaiba sa pulang pintuan na iyon. Hanggang ngayo'y wala pa ring nakaaalam kung ano nga bang meron doon.
"N-Nathaniel?"
Napalingon ako bigla sa likuran ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ng kaibigan kong si Rebecca.
"Mabuti't ligtas ka." bungad ko nang makita ko siya.
"Si Hannah? Pumunta ba siya rito?"
"Hindi. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw." sagot ko
"Gusto ko nga palang ipaalam sa'yo na buhay si Raven. Nandito siya. Hindi ko lang alam kung ligtas ba siya ngayon o hindi. Lalo pa't wala siyang kahit na anong armas na dala. Nag-aalala ako para sa kalagayan niya." dagdag ko pa.
"Sana naman, nakaligtas silang dalawa. Para sama-sama tayong apat na makalabas sa impyernong paaralan na ito." sabi ni Rebecca.
Napangiti lang ako. Totoo ngang, matapang talaga siya kahit na anong problema pa ang kaharap niya.
"Tara! Puntahan natin sila!" yaya niya sakin. Hinawakan na niya ako sa kaliwang braso.
"Ano? Magpapaiwan ba kayo?" tanong ko sa mga kaklase ko. Nakatunganga pa rin sila habang pinagmamasdan ang mga bangkay ng iba pa naming kaklase.
"Sasama kami."
Napangiti ako sa naging sagot nilang apat.
"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" sabi ko at sinenyasan silang sumunod na saming dalawa ni Rebecca.
Makakaalis rin kami rito.
Tiwala lang.
Mr. Alfredo Lacsima's POV
Malapad ang ngiti sa aming mga labi habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng duguan at sugatan habang sinusubukang tumakas sa aming teritoryo. Dito sa Celestino University. Malas lang nila sapagkat hindi sila makakalabas ng buhay rito. Maliban na lang kung patay na sila. Nakakatawa.
Mga hangal.
"Nakakatuwa silang pagmasdan. Hahaha." sabi ng katabi kong si Mr. dela Costa.
"Marami na naman tayong naialay na mga buhay sa ating mahal na panginoon. Sigurado akong, pagkatapos nito, ay gagantimpalaan niya tayo." sabi naman ni Miss Rona.
"Anong klaseng gantimpala naman ang matatanggap natin?" tanong ko.
"Buntis o di kaya'y mga bata. Masasarap ang mga iyon." sabi ni Mrs. hilda.
Nagtawanan kaming apat habang patuloy sa panonood sa mga mag-aaral. Mamaya'y kami naman ang kanilang mga makakalaban. Maghintay lang sila. Dahil, nalalapit na ang kanilang kamatayan.
Hahaha.
Ang binatang si Nathaniel, hindi pa rin niya alam na ako ang nagmamanman sa kanya. Ako ang parating tumatawag ng kanyang pangalan. Nakakatawa siya. Wala siyang kaalam-alam na may sorpresa akong inihanda para sa kanya. Sigurado akong, magugustuhan niya ang sorpresa kong ito dahil kakaiba.
Nasasabik na akong ipagkaloob ito sa kanya.
Nagulat na lang kami nang biglang dumating ang aming amo na si Mr. Celestino. Ang kaisa-isang sinusunod namin dito sa impyernong paaralan. Siya rin ang nagbigay ng pahintulot sa bagay na gagawin ko sa binatang si Nathaniel. Dahil gaya ko, naiirita rin siya sa binatang iyon. Napaka-usisa nito at mapaghinala. Malalagay sa alanganin ang paaralan oras na malaman ng iba ang kaganapan dito sa loob ng Celestino University.
"May ipagagawa ba kayo sa amin mahal na amo?" tanong ni Mrs. Hilda.
Ngumisi lamang si Mr. Celestino biglang pagsagot ng oo.
"Ano naman iyon mahal na amo?"
"Ang binatang si Nathaniel, at ang tatlo niyang kaibigan, nais kong paglaban-labanin niyo sila. Ikulong niyo sila sa loob ng isang hawla. Bigyan niyo sila ng armas na magagamit sa kanilang pagpapatayan. Maliwanag ba?" sabi ng aming amo.
"Masusunod po."
Tumalikod na siya samin at nagsimulang maglakad. Maya-maya'y naglaho na lang siya na parang isang bula na parati naman niyang ginagawa.