Kabanata 12: Paglabag sa Kautusan, Hinala

2095 Words
William's POV Hindi kami mapakali habang hinahanap namin sa paligid ang kinatatakutan naming guro na hindi namin batid kung saan ang tungo. Habang naghahanap, ay ramdam namin ang takot na may halong kaba. Marahil dahil ito sa kanya dahil sa pagbabago niya nitong mga nakaraang araw. At marahil dahil din sa baka may makahuli samin na may sinusundan kaming guro. Mahirap na. Natigilan kami bigla sa paglalakad nang mahanap na namin siya. Sa wakas. Ngayon, malapit na naming malaman ng kaklase kong si Chris ang sikretong tinatago niya. Dali-dali namin siyang sinundan. Hindi namin magawang dalawa na mag-usap o kaya ang magsalita. Dahil sa pangamba na baka marinig kami ni Mrs. Della Asuncion. Ayokong malagay sa alanganin. Kaya hangga't maaari'y maingat kami sa mga kilos o hakbang na gagawin namin. Baka kasi maging dahilan pa ito upang malaman ng aming guro na sinusundan pala namin siya. 'Yon ang bagay na ayaw naming mangyari. Napahinto bigla kaming dalawa nang biglang tumigil sa paglalakad ang guro namin. Nang sandaling bigla itong lumingon sa kinatatayuan namin, ay napatago kaming dalawa ng mabilis upang hindi niya kami makita. Kinakabahan na ako ng sobra-sobra. May isang bagay akong hindi maintindihan sa mga sandaling ito. Bakit ako kinakabahan? Ito yung hindi ko maintindihan kanina pa. Kakaba. Pakiramdam ko, nasa panganib kaming dalawa ni Chris ngayon. Sana mali ang naiisip ko. Nang sandaling nagpatuloy na muli sa paglalakad ang aming guro, ay nagpatuloy na rin kaming dalawa sa pagsunod sa kanya. Nasasabik na akong malaman kung ano ba ang naging dahilan kaya nagbago siya bigla sa pakikitungo saming lahat at kung ano ang tinatago niyang sikreto. Malapit na namin iyon matuklasan. Diana's POV Masaya at nakangiti kong tinatahak ang daan papunta sa bodega. Nautusan kasi ako ng letcheng Miss Rona na iyon na kunin ang mga lumang papeles. Bwisit. May allergy pa naman ako sa alikabok. Pero ayos lang. Kasi hindi ako makakapag-klase kay Mr. Alfredo Lacsima. Ayoko talaga sa guro na iyon. Nakita ko na ang tunay na itsura niya. Sobrang nakakatakot. Hindi ko matagalan ang sarili ko habang pinagmamasdan ko siya. Nahinto na lang ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng isang batang umiiyak. Humihingi siya ng tulong. Nakakaawa naman siya. Napalitan ang ekspresyon ng mukha ko. Mula sa pagiging masaya hanggang sa pagiging takot. Ito'y nang mapagtanto kong may kakaiba sa nangyayari. Alam kong walang ni isa na bata sa paaralan namin. Kung gayon, sino ang batang aking naririnig? At papaano siya nakapasok rito sa paaralan namin? Nakapagtataka. Kinabigla ko na lamang nang pagtingin ko sa isang silid malapit sa kinatatayuan ko, ay may nakita akong isang batang babae na umiiyak. Mukhang iyon na nga ang batang babaeng kanina ko pa naririnig. Weird. Hindi ko makita ang mukha niya. Bukod sa medyo may kahabaan ang kanyang buhok ay nakatungo siya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha. Nakakaawa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay pumunta ako sa loob ng silid na iyon ng maingat ang pagkilos. Ayokong mapansin ako ng bata na pumasok ako sa silid. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa naturang silid, ay bigla na lamang sumara ang pintuan ng mabilis kasabay ang malakas na ingay. Nakaramdam ako bigla ng takot. Tila mali ang desisyon kong pumasok rito. Dapat yata, hinayaan ko na lamang ang batang iyon. May kakaiba sa kanya. May kakaiba sa batang ito. Hindi ko pa batid kung ano. "S-sino ka?" tanong ko sa batang umiiyak. Nasa sulok ako ng silid malapit sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lapitan ang bata. Kinakabahan ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ngunit, tumigil na rin siya sa pag-iyak. Nanatili pa rin siya sa posisyon niya kanina. Na labis kong ipinagtataka. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Mas lalo tuloy akong nahiwagaan sa kanya. "S-sino ka?" muli kong tanong rito. Ngunit hindi pa rin ako sinagot nito. Nagulat na lamang ako nang biglang tumingin sa akin ang batang babae. At ang mas ikinabigla ko, ay nang lapitan ako nito, at nang bigla nitong kuhain sa mismong tiyan ko ang aking bituka. Tila nawala ako sa aking sarili. Hindi ko magawang gumalaw o makasigaw man lang. Tila hindi rin ako makaramdam ng sakit. Anong nangyayari sakin? Kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko, na kinain ito ng batang babae habang nakangiti ito sa akin na tila ba sarap na sarap ito sa bitukang kinakain niya na kinuha niya mula sa tiyan ko. Tahimik pa rin ako. Napapikit na lang ako nang may dinukot na naman siya mula sa tiyan ko. Katapusan ko na. William's POV Pumasok ang guro namin sa isang silid na kulay pula ang pintuan. May naalala ako bigla. Ito marahil ang tinukoy samin ng guro namin na si Miss Carmina na silid na bawal naming pasukin. Bakit? Ano bang meron sa loob nito at bawal kaming mga estudyante? Kaduda-duda. "Ano kayang meron sa loob?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Chris nang sabay kaming magtanong. Mukhang iisa lang ang tumatakbo sa isipan naming dalawa. Anong sikreto ang bumabalot sa likod nitong pulang pintuan? Pinihit ko na ang doorknob at pumasok na kaming dalawa sa loob. Hindi pa rin namin mawari kung ano ang meron dito. Madilim ang buong paligid at may naririnig kaming mga kakaibang ingay. Nagulat kami nang biglang sumara ang pintuan ng napaka-lakas at napaka-bilis. Ni hindi ko lamang napansin kung sino ang may gawa non. Napaka-bilis ng mga pangyayari. Nakakabigla. Mas lalong dumilim ang buong paligid. Kinilabutan ako nang magkaroon ng konting liwanag kahit papaano. Kulay pula. Anong ibig sabihin nito? Uminit bigla ang temperatura sa buong paligid. Alam kong ramdam rin iyon ni Chris dahil kita kong tagaktak na rin ang kanyang pawis gaya ko. Kataka-taka ang mga pangyayaring ito. Nabigla na lamang kaming dalawa nang biglang may lumitaw na kung ano sa aming harapan. Nanlaki ang mga mata namin nang mapagtantong si Mrs. Della Asuncion ito. Pero may kakaiba sa kanya. Hindi ganito ang itsura niya nang sinundan namin siya. Isa siyang demonyo? Ibang-iba na ang itsura ni Mrs. Della Asuncion sa mga sandaling ito, isa nang demonyo. May dalawang malaking sungay, mahahaba ang mga kuko, at kulay pula ang balat. Nakakatakot. "Maligayang pagdating sa impyerno. Mga mag-aaral." sabi niya sa aming dalawa ni Chris na may kasamang nakakapangilabot na ngiti. Kinabahan kaming dalawa nang humakbang siya palapit samin. Ni hindi kami makapagsalita o makagalaw man lang. Nagmistula kaming mga istawa dahil hindi talaga kami makapaniwala sa natuklasan namin. Hindi ko inaasahan na ganito ang masasaksihan namin kapag sinundan namin siya. Nagkamali ako. Kasalanan ko dahil katapusan na naming dalawa ngayon. Patawad, Chris. "Sayang... Ang babata niyo pa naman. Pasensyahan na lang tayo dahil lumabag kayo sa rules ng paaralan." bulong niya sakin. Batid kong narinig rin iyon ni Chris. Naramdaman ko na lang na bumaon sa leeg ko ang kanyang mahahabang kuko. Nathaniel's POV Lumipas ang isang linggo at marami na namang nangyaring kakaiba sa Celestino University. Maraming estudyante ang nawawala at kailan lang may natagpuang bangkay sa likod ng paaralan. Ang mga bangkay ay pinangalanang sina William at Chris. Hindi ako sigurado pero palagay ko kaklase ni Raven ang dalawang iyon. Tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan habang isa-isa kong tinitingnan ang mga kaklase ko. Wala pa ring ipinagbago. Maiingay pa rin. Kung ano-ano na naman ang pinaguusapan. Nakakaasar rin yung mga nagbubulungan dahil rinig ko sa pwesto ko ang pinagke-kwentuhan nila. Nakakatawa. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong napatingin sa labas ng classroom. Labis na lamang ang aking pagtataka nang makita ko ang gurong tagapayo ng kaibigan kong si Raven na tila tulala at wala sa sarili. Dahil sa kyuryusidad ko na malaman kung bakit siya nagka-ganon, ay lumabas ako ng classroom at sinudan siya kahit na alam kong malapit nang magsimula ang klase sa amin ni Mr. Alfredo. "Psst." rinig kong tawag sa akin ng kung sino na hindi ko mabatid kung saan. Tss. Heto na naman. Sino ba kasi 'yon? Nahihiwagaan na ako sa kanya sa totoo lang. May gusto ba saking sabihin ang taong iyon o pinagtitripan lamang niya ako? Nakakaasar. Napahinto ako sa pagsunod sa gurong tagapayo ni Raven. Nakakaasar. Nawala siya bigla sa paningin ko. Ang bilis niyang nawala na parang bula. Gumagamit kaya siya ng mahika? Bwisit. Kung anu-ano na lang tuloy ang naiisip ko. Nagmasid-masid ako sa paligid. Kailangan kong makaaigurado na walang nakakita sakin. Mananagot ako dahil oras na ng klase sa mga oras na ito. Akmang lalakad na sana ako pabalik ng klase ko, nang biglang may mahagip ang aking dalawang mga mata sa isang silid na medyo nakabukas ang pintuan. Dahan-dahan akong lumakad papunta roon. Pagkarating na pagkarating ko ay sumilip ako ng kaunti upang malaman kung ano ang kaganapang nangyayari sa loob ng misteryosong silid na iyon. Ganoon na lamang aking pagka-gimbal nang makita ko ang isang estuydanteng lalaki na nakagapos sa isang lamesa habang wakwak ang tiyan, at habang pinagpe-pyestahan ng limang guro ang lamang loob niya na galing mismo sa kanyang tiyan. Nakakasuka. Bigla akong nabahing. Sh*t. Biglang nagsitinginan ang mga gurong kumakain ng lamang-loob sa direksyon kung saan ako nakasilip. Mabuti na lamang, ay mabilis akong nakatakbo at nakapagtago. Bwiait. Muntikan na nila akong mahuli. Mabuti at ligtas ako. Nako kapag nagkataon ako ang pagpi-piyestahan nila. Ayoko sa paarang iyon mamatay. Hingal na hingal ako habang palinga-linga sa paligid. Kinakabahan ako. Hindi maaaring makita ako ng isa sa mga gurong nandoon sa silid na iyon. Sigurado akong nasilayan nila ang mukha ko kahit papaano bago ako makatakbo. Delikado. "Kailangan na naming umalis rito. Baka,kami na ang isunod na pagpiyestahan ng mga gurong yon na mga kanibal. Kailangan kong puntahan si Rebecca. Para sabihin sa kanya ang bagong natuklasan ko." Gaya nga ng sabi ko, ay pumunta ako sa klase ni Rebecca. Kaya lang, saktong pagkadating naman ko sa classroom nila, ay biglang tumunog na ang bell. Nakakaasar. May pagkakataon na sana ako subalit naudlot na naman. Nakakainis. Mabilis akong naglakad pabalik sa classroom. Mabuti na lamang at nakaalis na si Mr. Alfredo. Saktong pagka-upong pagka-upo ko naman sa aking upuan, ay biglang pumasok si Miss Carmina. Napatingin ito sa direksyon ko. Hindi ako pe-pwedeng magkamali. Isa siya sa nakita ko roon sa silid na kumakain sa isang lalaking estudyante. "May problema ba Nathaniel? Bakit parang, nakakita ka ng multo?" nakangising tanong nito sakin. Nag-isip ako saglit ng matinong isasagot ko sa tanong niya. Kailangan kong magpanggap na parang wala akong nakita kanina. Hindi niya maaaring mahalata na pinagdududahan ko siya. Tama. Iyon ang dapat kong gawin. "W-wala po Miss Carmina. Ayos lang po ko. Wag niyo po akong alalahanin." magalang na sagot ko sa kany habang nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Kinakabahan at natatakot pa rin ako dahil sa aking natuklasan kanina tungkol sa silid na 'yon. "Mabuti at ayos ka lang. Gusto mo ba ng makakakain?" Napalunok ako sa tanong niya. Umiling-iling ako. Muntik na akong masuka dahil sa tanong niya. Mabuti na lamang, at mabilis ko itong napigilan. Mabuti na lang talaga. Rebecca's POV Diretso lamang ang tingin ko sa kapapasok lang na guro namin na nasa harapan. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Wala naman akong napapansing kakaiba. Pero batid kung may kakaiba sa kanya ngayon. Hindi ko nga lang mawari kung ano. Kinalabit ako ng kaklase kong nakaupo sa likuran ko. "Bakit, Leonor?" nagtatakang tanong ko pagkalingon ko sa kanya. Hindi ko sigurado kung tama ba itong naiisip ko pero mukhang may gusto siyang sabihin sakin. Kung ganon nga, ano kaya 'yon? Tila importante dahil pabulong niyang sinabi sakin. "Nakikita mo ba yung nasa gilid ng labi ni Miss Jasmine?" pabulong na tanong niya habang nakatingin sa guro namin sa harap. Tumingin ako saglit sa guro namin dahil sa sinabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapansing may dugo sa labi ni Miss Jasmine. Weird. Saan galing iyon? Ewan pero bigla na lang akong kinabahan. "Oo. Parang dugo ya yon ah." bulong ko sa kanya. "Tumpak. Dugo nga. Ang tanong, papaano siya nagka-dugo sa gilid ng labi niya?" tanong niyang muli sakin. Napaisip nga rin ako. Saan niya nakuha ang dugo na iyon? "Alam mo ba, na may isang lalaking estuydante raw ang nawawala. Halos mag-iisang linggo na rin. Pero, hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita yung lalaking estuydante na yon." sabi pa ni Leonor sakin. Nagulat naman ako dahil sa aking narinig. Pusible kayang... "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo Leonor?" nagtatakang tanong ko sa kanya. May naiisip kasi ako na pusibleng nangyari sa lalaking estudyante na nawala. Sana lang at mali ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Akmang sasagot na sana siya sa tanong ko nang bigla kaming sitahin ng guro namin. Nakakainis. Panira. "Rebecca! Leonor! Umayos kayo ng upo!" sabi niya saming dalawa ni Leonor ng pasigaw. Napairap na lang ako. Ang init talaga ng dugo samin ng guro na ito. Umayos na kaming dalawa ng upo. Habang nakaupo ako ay hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Leonor kanina. Parang konektado kasi. Ewan ko lang. Ayokong pag-isipan ng masama si Miss Jasmine pero iyon kasi ang naiisip ko. "Rebecca." rinig kong may tumawag sakin mula sa labas ng bintana. Kilala ang boses na iyon. Kay Miss Alvarez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD