Kabanata 13: Bagong Tuklas

1586 Words
Raven's POV Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko isa-isa ang mga kamag-aral ko. Hindi kasi ako mapakali. Pakiramdam ko, may mga nagbago sa kanila nitong mga nakaraang araw. Gaya na lamang ng pag-iiba ng kanilang pag-uugali at mga kilos. Tila ba hindi sila ang mga kaklase ko. Nahihiwagaan ako sa kanila. "Ayos lang kaya sila?" Napatanong ako bigla sa aking sarili nang maalala ko ang mga kaibigan ko. Masyado akong kinakabahan para sa kalagayan nila. Lalo pa't may natuklasan ako na hindi ko lubos maisip na nangyayari sa paaralan na ito. Hindi kapani-paniwala. Mukhang normal lang sa aming lahat ang pagkain sa cafeteria ngunit may kakaiba pala sa mga putaheng hinahanda nila. Sobrang nakakasuka. -FLASHBACK- Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad ng mga oras na iyon habang papunta ako sa classroom ni Rebecca nang bigla na lamang akong makarinig ng isang estuydanteng nanghihingi ng tulong galing sa kung saan malapit sa kinatatayuan ko. Nagmasid-masid ako sa paligid. Puro mga estuydante lang na mga nag-uusap ang nakikita ko. Saan kaya 'yon nanggagaling? Nagmamasid-masid pa rin ako sa paligid. Nanlaki bigla ang aking dalawang mga mata nang mapagtanto ko na sa may kusina ng cafeteria nanggagaling ang naririnig kong pagsigaw na iyon. Nakakapagtaka. Hindi ko pa rin mapagtanto kung ano bang nangyayari sa estudyanteng iyon subalit masama ang aking kutob. Mabilis akong nagtungo sa kusina ng cafeteria upang doo'y alamin kung bakit nanghihingi ng tulong ang estuydanteng iyon. Pagkarating na pagkarating ko, napansin kong nakabukas ng kaunti ang pintuan. Napangiti ako dahil ron. Huminga muna ako saglit ng napaka-lalim pagkatapos ay nagsimula na akong sumilip upang alamin ang kaganapan sa loob. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makitang nakahiga sa tila lamesa ang kapwa ko mag-aaral habang wakwak ang tiyan, at habang hinihila isa-isa ng mga tauhan sa kusina ang mga lamang-loob niya. Hinuhulog ang mga ito isa-isa sa isang malaking kawa upang pakuluan. Hindi ko maiwasang masuka. Natigilan ako sa pagsilip nang may kumalabit sakin. Kumunot bigla ang noo ko nang makita ang kaklase kong si Vina. Ano kayang kailangan niya sakin? Nakapagtataka. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Bago ko sumunod sa kanya'y sinilip ko sa huling pagkakataon ang mag-aaral na iyon. Napaiwas ako bigla ng tingin nang makitang sinisimulan nang biyakin ngayon ang ulo niya. Nakakaaawa siya. Sa isang silid kami nakarating. Sinarado niya ang mga bintana at nilock niya ng mabuti ang pintuan. Mukhang mahalaga ang sasabihin niya at kailangang ako lamang ang makarinig. Napapaisip tuloy ako tungkol sa sasabihin niya. "Raven, makinig ka. Nasa panganib ang buhay mo ngayon." -END OF FLASHBACK- "Mr. Ocampo! Are you listening?!" Sh*t. Napatingin ako bigla sa gurong nasa harapan nang bigla ako nitong tawagin. Nakakainis. Inaalala ko pa naman ang sinabi sakin ni Vina nang araw na iyon. Hindi ko na kasi maalala ngayon. Ewan ko ba. Tila may problema sa aking memorya. Dahil hindi ko maalala ang mga katagang sinabi niya ng mga sandaling iyon. "Y-yes ma'am!" pagsisinungaling ko. Napangiti na lang ako nang ngumiti rin siya. Mukhang pinapaniwalaan niya ang sagot ko. "Get Out! Now!" Nathaniel's POV Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad papuntang cafeteria upang bumili ng aking makakain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nakakaasar na. Hindi na naman kasi ako nakakain ng agahan kanina sa bahay dahil sa sobrang pagmamadali. Hindi na 'ko nadala. "Pwedeng sumabay?" Napatingin ako bigla sa babaeng sumulpot sa aking gilid. Isa sa mga bago kong kakilala. "Sure Yssa. Walang problema." nakangiting sagot ko sa kanya. "Sina Rebecca? Bakit di mo sila kasama?" tanong niya sakin. "Busy kasi sila." matipid na sagot ko. "Kaya naman pala." nilaro niya ang ilang hibla ng buhok niya. Kita ko sa mga mata niyang meron siyang iniisip. Ano kaya iyon? "May problema ba, Yssa?" pagtatanong ko. "W-wala." Nahinto kami sa paglalakad nang biglang tawagin si Yssa ng kaibigan niya. Nanlaki bigla ang mga mata ko. May kakaiba sa kaibigan niyang iyon. Ang kilos at ang tindig nito. Hindi ganyan ang Jonas na kilala ko. "Bye Nathaniel. Next time na lang." nginitian ako ni Yssa bago sila naglakad ng kasama niya. Hindi ko magawang ngumiti sa harapan niya kanina. Alam kong may kakaiba sa kaibigang kasama niya ngayon. Hindi yon si Jonas. Nasa panganib si Yssa. Rebecca's POV "Hindi ba't si Nathaniel iyon?" Napatingin ako bigla sa itinuturo ng daliri ng kaklase kong si Leonor habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Hindi ko masyado mamukhaan kung si Nathaniel ba ang itinuturo niya. Ngunit habang papalapit kami ng papalapit rito'y unti-unti ko nang nakikita na si Nathaniel nga iyon. Pero teka, bakit nakatayo lang siya rito? Weird. Mukhang may malalim siyang iniisip. May saltik talaga ang lalaking ito. "Hoy Nathaniel!" sigaw ko sa kanang tenga niya. Napatingin siya bigla sakin dahil sa ginawa ko. Habang si Leonor ay tawa ng tawa sa tabi ko. Ang bruhang 'to talaga. Napaka-babaw ng kaligayahan. "Nasa panganib si Yssa." sabi niya. Napanganga na lang ako. Huh? Ano bang pinagsasasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Anong sinasabi niyang nasa panganib daw si Yssa? Naguguluhan ako. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Pinaglalaruan nila tayo." Tinitigan ako ni Nathaniel. Batid kong may gusto siyang ipahiwatig sa pagtitig na ginagawa niya. Subalit hindi ko maintindihan kung ano bang gusto niya talagang sabihin sakin. "Anong ibig mong sabihin na nasa panganib si Yssa?" tanong ni Leonor. "Yung kaibigan niyang kasama niya kanina. Hindi talaga 'yon si Jonas. Nakasisiguro ako." "Kung hindi iyon si Jonas, sino iyon? May ideya ka ba?" "Wala. Pero kutob ko isa sa mga guro natin. May tinatago sila satin. Nalaman na iyon ng iba. Iyon marahil ang dahilan kaya nawawala ang ilan sa mga estudyante ngayon." "Kamusta mga mag-aaral?" Napatingin kami sa gurong nagsalita na nakatingin samin ngayon. Ang pagngiting ginagawa niya, may ibang ibig sabihin. Nakakakilabot. Ano bang tinatago mo samin Miss Rona? Hannah's POV "Ano ba Raven! Tumigil ka nga! Nahihilo ko sa'yo eh." sabi ko habang palakad-lakad si Raven sa harapan ko. Nakakainis. Ano bang problema niya? Kanina pa siya ganyan. Hindi siya mapakali. Para siyang uod na binudburan ng asin. Nakakairita. Nagulat na lang ako nang biglang niyang itapat ang mukha niya sa mukha ko. Letche. Hindi ako sanay sa ganito. "Raven... wag mong ituloy yan. Patay ka sakin." kinakabahang sabi ko sa kanya habang seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin, mas gwapo pala siya sa malapitan. Pakiramdam ko tuloy, mas lalo akong nainlove dahil sa ginawa niya ngayon. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong, ang pagkain na kinakain natin sa loob ng cafeteria, ay mula sa mga estuydanteng kasama nating nag-aaal rito?" natulala ako dahil sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Nanlaki ang mga mata ko. "T-talaga? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman, pinagti-tripan mo lang ako? Kasi, pinagtripan kita kahapon diba?" halos pabulong ko nang sabi sa kanya. Ayokong sa amin matuon ang atensyon ng ibang estudyante sa cafeteria. Nakakahiya. Pag-uusapan na naman nila ako. Bumilis ang pintig ng puso ko nang umiling-iling siya. Ibig sabihin... pusibleng pati ang juice na iniinom ko ngayon... ...dugo? Leonor's POV Tahimik lang ako habang nasa pwesto ko. May malalim na iniisip tungkol sa isa sa mga guro namin. Hindi kasi maganda ang kutob ko sa kanya. Pakiramdam ko, may ginagawa siya sa mga kaklase ko. Ang ilan kasi sa kanila'y hindi na nakabalik pa sa klase namin. Nang tinanong ko siya, sagot niya'y lumipat na raw ng ibang paaralan ang mga kaklase naming iyon. Napaka-imposible. Alam kong bawal nang lumipat kapag nakapagpatala ka na rito sa Celestino University. Kung pwede man, sigurado akong may kaakibat 'yong kaparusahan. "Leonor." "Bakit? Ano yon?" mabilis na tugon ko sa kaklase kong si Kristelle nang tawagin niya ako. Nakaupo siya sa bandang unahan ng klase namin. Napako ang tingin ng buong klase sakin. "Ipinapatawag ka raw ng adviser natin doon sa may likod ng school." bigla akong kinabahan sa naging sagot niya. H-hindi 'to pwede. Sa pagkakaalam ko, hindi pinapahintulutan ang sinomang estudyante na pumunta roon. Hindi ko alam kung bakit at wala akong balak na malaman. Ipinagtataka ko rin ay kung bakit ako pinapapunta doon. Ngayon lang ito. Naninibago talaga ako sa guro naming iyon. "O-oo sige, pupunta ako. Salamat Kristelle sa pagpapaaalala." nakangiting sabi ko sa kanya bago niya muling ituon ang atensyon niya sa kanyang ginagawa. Lumipas ang ilang saglit at lumabas na ako ng klase. Tutal, hindi pumasok sa klase namin si Mrs. della Asuncion. Nakakabagot lang rin naman kaya didiretso na ako agad sa likod ng school kung saan kami ipinagbabawal. Pagkarating na pagkarating ko, isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang lamig ng paligid. Nakakapanibago. Kinikilabutan ako sa mga sandaling ito sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit. Nasaan na ba siya? "Leonor? Ikaw na ba yan?" Napalingon ako bigla sa aking likuran nang marinig kong may nagsalita. Nakita ko na naman siya. Bumilis bigla ang pintig ng puso ko. Hindi talaga ako sanay na kaharap siya. Nakakakaba. "B-bakit po ninyo ako pinapunta rito?" kinakabahang tanong ko habang pinipilit na tignan siya sa mata. Ayokong mapansin niyang kinakabahan ako. Baka magamit pa niya iyon kung saka-sakali upang madali akong pasunurin sa gusto niya. Ramdam kong nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang sandaling lapitan na niya ako. Inikut-ikutan pa niya ako habang nilalaro ang ilan sa kulay pula kong buhok. "Kaya kita pinapunta rito... ay upang, pagbayaran ang kalapastanganang ginawa mo." Hindi ito maaari. Papaano niya nalaman? "A-ano naman po ang kalapastangang ginawa ko?" painosenteng tanong ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang takot. Hindi ko pa kayang harapin ang aking kamatayan. "Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Huwag mo ko gawing hangal." Tumigil na rin siya sa wakas sa pag-ikot sakin. Binalot ng kaba ang buong katawan ko nang lumayo siya sa kinatatayuan ko habang nakangisi. Anong pinaplano niya? Kinagulat ko na lamang nang biglang may humila ng aking dalawang paa pailalim sa lupang kinatatayuan ko. Ang mas ikinagulat ko pa, ay nang may kumagat at kumain sa binti ko habang unti-unti akong lumulubog sa lupa. Hindi nga siya pangkaraniwan. "Paalam, walang kwenta."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD