Kabanata 4: Bagong Guro, Bagong Kamag-aral

1838 Words
Rebecca's POV Dumating na rin ang araw na aking pinaka-hihintay. Pasukan na rin sa wakas. Excited na akong makilala kung sino-sino ang mga magiging kaklase ko. Mabuti na lamang at hindi ko na kaklase sina Nathaniel. Magkakahiwalay na rin kami sa wakas. Sawang-sawa na kasi ako sa mga pagmunukha nila. Nakakasawa rin pala. Pero hindi ibig sabihin ay ayaw ko na sa kanila. Kailangan rin naman naming maghiwalay. Hindi pwede yung magkakasama kami parati. Kasalukuyan akong nasa labas na ng magiging classroom ko. Ewan pero di ako makahakbang papasok sa loob. Letche. Bakit ba ako kinakabahan? Huminga muna ako ng malalim. Mukhang kailangan maging relax muna ako. Masyado akong kinakabahan sa kung anong dahilan. Ilang saglit pa ay pumasok na rin ako sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng tingin ng mga magiging kaklase ko. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko habang nakapako ang tingin ng lahat sakin. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanilang lahat. Ngayon ko lang naramdaman kung anong pakiramdam kapag ang lahat ng tao'y nasa iyo ang atensyon. Napaka-kakaiba. Kinakabahan ka na may halong pagkatuwa. Nilibot ko ng tingin ang buong parte ng classroom upang makahanap ng bakanteng mauupuan. Nang makahanap na ako'y agad akong naupo roon at tumingin na lang sa kawalan. Iniisip kung kamusta ang mga kaibigan ko sa kanya-kanya nilang mga classroom. Nag-aalala ako ng husto para sa kanila. Lalo pa't ako ang pangunahing dahilan kaya dito kami nag-aral ng huling taon sa high school. Kaya konsensya ko kung may mangyaring hindi maganda sa kanila rito. "Hello." Napatigil ako bigla sa malalim na pag-iisip nang batiin ako ng lalaking katabi ko. Kulay abo ang buhok niya habang kulay brown naman ang mga mata niya. "Hi. Kilala ba kita?" tanong ko rito na may halong pagtataka. Mas mabuti nang sigurado. Makakalimutin pa naman ako. Nginitian niya muna ako bago sinagot ang tanong ko. Loko to ah! Bakit ang cute ng ngiti niya? Nakakagaan ng loob. "Siyempre, hindi. Ngayon pa lang tayo nagkitang dalawa eh!" pabirong sagot sa akin ng loko. "Ah ganon ba? Ako nga pala si Rebecca. Rebecca Soriano. And you are?" "Larry. Larry de Guzman. Nice to meet you." Nagkamayan kaming dalawa. Nakangiti kami parehas habang magkatinginan. Hindi naman namin napansin agad ang mga kaklase naming kanina pa sa aming dalawa nakatingin. Napabitaw na lang kami sa pagkakahawak dahil doon. Parehas kaming nahiya sa isa't-isa. Gusto ko pa sanang makausap si Larry upang magkakilala pa kaming dalawa, nang biglang may pumasok na isang babae sa classroom. May postura ito sa mukha. Nakasuot ito ng salamin at nakatali ang buhok. Kulay pula ang kasuotan nito gayon rin ang dala nitong maliit na bag. "Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala si Mrs. Della Asuncion. At ako ang inyong magiging gurong tagapayo hanggang sa makatapos kayo ng inyong pag-aaral dito... Sa Celetino University." Kabog ng dibdib ang unang naramdaman ko nang makita ang gurong tagapayo namin. Wala akong naramdamang saya o excitement man lang. Puro pagtataka at kaba. Hindi ko alam kung bakit. "Nakakakilabot ang pagngisi niya." mahinang bulong ko habang nakatingin sa gurong tagapayo namin. Hannah's POV "Siya ba yung sinasabi mo sa akin na bumunggo sa'yo nung enrollment?" "Oo. Siya na nga yon. Siya yung tatanga-tangang babae na bumunggo sa akin nung araw na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali. Ang tanga niya talaga." "Humanda siya ngayon. Hayaan mong ako ang gumanti sa kanya para sa'yo. " Tahimik lang ako na nakaupo sa aking upuan. Iniisip ko pa rin yung mga creepy at weird na nakita ko nung araw ng enrolment. Ginugulo pa rin ako nito hanggang ngayon. Hindi ito maalis sa utak ko. Parati ko itong naiisip sa kahit na anong oras. Binabagabag ako nito. Dapat yata sinabi ko lahat sa kanila ang nalalaman ko. Para hindi ako nahihirapan ng ganito ngayon. Pero alam kong huli na ang lahat. Hindi ko na mababago ang desisyon ko. "Kamusta na kaya sina Nathaniel? Ayos lang kaya sila?" nag-aalalang tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng classroom. Kinabigla ko na lamang nang biglang may lumitaw sa aking harapan. Ang tatlong babaeng kanina ko pa naririnig na nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero ano naman kayang kailangan sakin ng mga ito ngayon? "S-sino kayo?" nagtatakang tanong ko sa tatlong bruha. Nakita kong inirapan ako ng isa sa mga ito. Nakaramdam naman ako bigla ng pagkairita. Ayaw na ayaw kong iniirapan ng kung sino lang. Lalo pa kung hindi ko naman kilala. Kinaiinisan ko ang mga taong ganon. Nakararamdam ako ng gulat nang makita ang babaeng nakabunggo ko nung araw ng enrollment. Nababatid kong gagantihan ako nito ngayon. Gaya ng sabi niya sa akin nung araw na iyon. "Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang mas mahalaga ngayon, ay ang pagbayaran mo ang ginawa mong pagbunggo sa kaibigan ko." sagot sa akin ng babaeng kulay brown ang buhok. Eww. Mukha siyang aso sa buhok niya. Ang pango pa ng ilong. Mukhang siya ang leader sa kanilang tatlo. Tsk. Hindi bagay sa kanya. Mas bagay sa kanya tagalinis ng banyo sa mall. "Girls... hawakan niyo na siya." utos nito sa dalawa niyang kasamang babae. At hinawakan nga nila ako sa magkabilang braso. Wala na akong nagawa. "Ano ba! Bitiwan niyo ko!" sigaw ko habang nakahawak na ang dalawang babae sa magkabilang braso ko. Nagpupumiglas ako subalit hindi iyon sapat upang mabitiwan nila ako. "Miss me?" bulong sa akin ng babaeng nakabunggo ko, na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam ang pangalan. Mas lalo tuloy akong nainis. Sumusobra ns talaga siya. Mananagot siya sa gagawin nila sakin ngayon. Tinawanan lang nila ako. Kinagulat ko ng bigla akong sampalin ng babaeng aso sa magkabilang pisngi ko ng paulit-ulit. Ramdam ko ang palad niya na dumadampi sa ngayo'y mapula ko nang pisngi. Halos maluha ako dahil sa sobrang sakit. "Ano? Magtatanda ka na ba? Sa susunod, wag mo nang subukang muling banggain ang mga kaibigan ko. Dahil, oras na gawin mo ulit iyon, ay sinisiguro kong... hindi lang sampal ang aabutin mo sakin. Maliwanag ba?" banta pa ng babaeng aso na iyon sa akin na sinamahan pa ng pagngisi. Binitawan na rin nila ako sa magkabila kong braso. Inirapan akong muli ng isa sa mga ito na may kasamang ngisi. Pagkatapos ay sabay-sabay nang nagsi-talikuran ang mga ito sa akin sabay lakad nang muli pabalik sa kanilang upuan, at doon naupo na tila ba walang nangyari. Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay nagsimula sa pagtatawanan ang mga ito. Alam kong ako ang pinagtatawanan nila. Wag nila akong gawing tanga. Nanatiling nakatayo lang ako na magulo ang buhok, at tila naiiyak na. Pinagtitinginan pa ako ngayon ng mga magiging kaklase ko. Na mistulang mga istatwa lang sa nangyayari sa akin kanina na hindi man lang ako nagawang tulungan. Pakiramdam ko tuloy ako na lang mag-isa ngayon. Wala akong ibang kakampi kungdi ang sarili ko. Dahil magkakahiwalay na kami ngayon ng mga kaibigan ko. 'Sana kaklase ko na lang sila.' sabi ko sa aking isip kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Nathaniel's POV Mataimtim lang ako na nakaupo sa aking napiling upuan nang pumasok na ako sa aking magiging classroom. Kakaiba ang mga kaklase ko. Panay ang tingin nila sakin. Psh. Ano bang problema nila? Ganito ba talaga palagi ang eksena kapag nalate ka sa unang araw ng klase mo? Hindi ako mapalagay. Hindi ako mapakali. Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tila nakakaramdam ako ng hindi maganda sa aming paaralang pinasukan ng aking mga kaibigan. Pakiramdam ko'y mali ang desisyon naming mag-aral dito. 'Bakit ganito ang nararamdaman ko sa paaralan na ito? Tila may kung ano rito na hindi namin alam.' nag-aalinlangang sabi ko sa aking isip. Napatingin ako ng mabilis sa pintuan ng classroom nang biglang may pumasok na isang lalaking guro. Pumunta ang lalaking guro na ito sa harapan. At nagsalita, "Magandang araw sa inyong lahat mga mag-aaral. Inaasahan ko na magiging masaya kayo sa pag-aaral niyo rito... Sa Celestino University." kasabay ang isang pagngiti. "Uhmm... Excuse me sir. Maaari po bang magtanong?" sabi ng isa sa mga kaklase ko na nakaupo malapit sa may bintana. "Anong itatanong mo?" "May mga rules po ba kami na dapat sundin dito sa Celestino University? At ano po ang mga iyon?" "Nice Question. Yes. May mga rules kayo na dapat sundin dito sa Celestino University. Kung ano ang mga yon... Iisa-isahin ko: Rule no. 1, bawal ang kahit na anong gadget dito sa loob ng school. Rule no. 2, bawal ang lumabas ng school kapag oras na ng klase. Rule no. 3, bawal ang pumunta sa ibang section. Rule no.4-----" hindi na niya naituloy pa ang kanyang mga susunod pa na sasabihin, nang biglang sumingit pa ang isa pa sa mga kaklase ko na nakaupo naman sa bandang likuran ng classroom. "Excuse me sir! Bawal pong pumunta sa ibang section? Papaano pong bawal?" tanong nito. "Ganito. Halimbawa, oras ng klase. Tapos, balak mong puntahan ang kaibigan mo sa ibang section na kasalukuyang may klase. Iyon ang ibig kong sabihin na bawal pumunta sa ibang section." sagot niya rito. Nagtanguhan naman kami dahil sa paliwanag. Mabuti nga iyon. Upang maiwasan ang istorbo sa oras ng klase. Para makapag-focus kaming lahat sa lessons na ituturo. "Rule no. 4, bawal ang makipag-usap sa katabi kapag nagsasalita ang guro sa harapan." pagpapatuloy niya. Biglang nagsitahimik ang mga kaklase kong nag-uusap lang kani-kanina. Mukhang istrikto itong lalaking guro na ito. Nga pala, hindi pa siya nagpapakilala. Weird naman nun. Dapat 'yon inuna niya kanina bago niya sinasabi yung mga rules sa school. "Rule no. 5, mahigpit rin na ipinag-babawal ang pagdadala ng mga outsider. Kumbaga, yung mga hindi nag-aaral sa school. Rule no. 6, bawal sabihin sa labas ng paaralan kung ano ang mga kaganapan dito. Para na rin sa privacy ng school. Rule no. 7, bawal ang manghiram ng personal na bagay sa inyong kamag-aral. Rule no. 8, bawal ang magsabi ng kung ano-ano sa mga guro ng walang sapat na katibayan o ebidensya. Rule no. 9, bawal ang pumunta sa likod ng school. At Rule no. 10, bawal ang pumasok sa may pulang pintuan na matatagpuan sa unang palapag, malapit sa office ng principal. Any other question?" "Ano pong pangalan niyo sir?" tanong ng isa ko pang kaklase na medyo kulay abo ang buhok. Nakaupo naman ito sa ikatlong row. "Ako nga pala si Mr. Alfredo Lacsima. May katanungan pa ba?" Hindi ko alam kung bakit pero, nang titigan ko ng maigi si Mr. Alfredo, ay laking gulat ko nang makitang, may malalaking sungay siya sa ulo. Na labis kong ipinagtataka. Natakot ako bigla at binalot ng kaba ang aking katawan. Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. "Nathaniel Javier. May problema ba? May gusto ka bang itanong sakin?" tanong ni Mr. Alfredo sa akin. Bumilis bigla ang t***k ng puso niya dahil doon. Papaano niya nalaman ang pangalan ko? At papaano rin niya nalaman na may gusto akong itanong sa kanya? May espesyal ba siyang kakayahan na hindi namin alam? Ang misteryoso naman niya. Para lang siyang si Miss Alvarez. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong lapitan ni Mr. Alfredo at hawakan niya ako sa aking balikat na labis kong ikinatakot. Kapag tinitingnan ko pa rin kasi siya, ay nakikita ko pa rin ang dalawang malaking sungay na nasa ulo niya. Nakakatakot talaga. Parang totoong-totoo. Nginitian niya ako na nakapagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD