CHAPTER 28 Celestina POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang maganap ang alitan namin nina Mommy at Daddy. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang mahapding sampal na iyon mula kay Mommy, ngunit mas masakit pa rin ang katotohanang iniipit nila ako sa isang sitwasyong hindi ko ginusto. Parang paulit-ulit na pelikula sa isipan ko ang mga salitang binitiwan niya noong gabing iyon—mga salitang pilit na binabasag ang natitira kong dignidad at kalayaan. Sa kabila ng lahat, hindi ko magawang lumapit o makipag-usap kahit kanino. Ang tangi kong kakampi ay ang katahimikan ng kwarto ko. At ang mga luha, na tila walang katapusan. "I shouldn't be here..." mahinang bulong ko habang nakatingin sa salamin. Mukha kong bakas ang pagod at kawalang pag-asa. Naalala ko si Leonardo—ang mga mata niyang pun

