Napunong muli ng kantyawan ang buong room matapos ng matinding katahimikan kanina dahil sa sinabi ni Larren. Mula sa kanila ni Jane ay nabaling ang tuksuhan kila Paulo, na syang pangalan pala ng singkit na katabi ko lang dito, at kay Kenya na sya namang mahahalataan ng pagkagulat sa mukha kasabay ng marahan nitong pag-iling.
Kung tutuusin ay bagay silang dalawa dahil parehas silang maputi. Halata din naman sa kanila na may kaya sila sa buhay kaya siguradong perfectly fit sila para sa isa't-isa. Ang masakit nga lang ay mukhang itinatanggi ni Kenya si Paulo. Buti nga sa kanya!
"Paulo and Kenya. Stand up, mga anak" utos ni Ma'am at nang tignan ko ang dalawang inutusan ay pareho pa itong pinipilit ng mga kaibigan habang parehas ding may namumulang mga pisngi.
Panay ang tawa ni Mark habang malakas na tinutulak patayo si Paulo na ngayon ay hindi malaman kung uunahin nya bang saktan si Mark o tatayo para hindi maghintay ng matagal si Ma'am. Si Kenya naman ay pinanlalakihan ng mata yung dalawang babaeng nasa dalawang gilid nya na patuloy syang pinapatayo habang tawa din ng tawa. Para naman silang mga elementary student na nakahanap ng puppy love. Hays.
"Dali na, pare! Magagalit sa inyo si ma'am, bahala ka" pananakot pa ni Mark ngunit palihim lang syang pinakyuhan ni Paulo bago tuluyang tumayo na sinabayan naman ng halatang napipilitan din na si Kenya.
Muling napuno ng kantyawan ang buong silid na talagang pinapangunahan pa ng bungisngis ni Ma'am na akala mo'y nakakapanood ng live romantic show. Yung iba namang mga kaklase ko ay humahampas pa sa table, yung iba ay tili ng tili na akala mong nasa mga concert, meron ding mga walang pakialam na tila may mga sariling mundo at may mga tahimik lang na nanonood habang nakapaskil ang mga ngiti sa labi. Isa na ako roon na nakamasid lang sa kanila. Hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko para makitili at magwala kasabay nila. Baka may bigla pang humiyaw sakin ng 'sipsip' o 'papansin'. Aba, mahirap na!
"Teka, baka mapahiya na naman ako, eh!" sabi ni Ma'am at yumuko nang kaunti sa tapat ng babaeng nakasalamin sa tabi nya.
"Naging sila ba, Izy?" rinig iyon sa classroom kahit tila ibinulong lang ni Ma'am doon sa tinawag nyang Izy na ngayon naman ay napatingin pa kay Paulo at Kenya.
May ibang nagkantyawan na naman at mayroon ding mga nanahimik na tila naghihintay sa sasabihin ng kaklase. Syempre, kabilang na ako doon sa tahimik na naghihintay sa isasagot sa tanong ni Ma'am. Aba, curious ako, eh!
"Hindi ko po alam, Ma'am. Pero parang opo, eh. Sweet po kasi talaga sila noon, as in! Parang hindi mapaghihiwalay" tumingin ulit si Izy sa dalawa bago ngumiti ng nakakaloko na sinundan naman ng malalakas na hiyawan ng iba kong kaklase na naging dahilan din ng lalong pamumula ng pisngi nila Kenya at Paulo.
"Sana lahat!"
"Hope all may lovelife!"
"Kenya plus Paulo! Whooo, Kelo!"
Kanya-kanya ng panunukso ang hinihiyaw ng mga kaklase ko lalo na yung dalawang lalaki, na sa tingin ko ay bakla, na nag-aapir pa. Sila pa talaga ang nangunguna sa paghahampas sa table na akala mo'y ine-epilepsy na uod sa upuan. That's not an insult! I'm just saying the truth!
"Let's hear it from them, okay? Paulo, Kenya, naging kayo ba? Or kayo pa rin hanggang ngayon?"
Natuon ang atensyon ng buong kaklase sa dalawang parehas na nakatayo pero hindi man lang magdapo ang paningin sa isa't-isa. Iwas na iwas at hiyang-hiya talaga. Mahahalata naman ito dahil sa sobrang pamumula ng kanilang mga mukha.
"H-Hindi-"
"M-Medyo-"
Napakunot ang noo ko nang sabay pa silang nagsalita at nagkatinginan pa dahil sa hindi inaasahang sagot nila. Anong medyo, Paulo? Meron bang ganon?
"Hindi po talaga-"
"Medyo po, Ma'am-"
Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa pangalawang ulit na pagkakasabay nila ngunit tumingin lang ng masama si Kenya kay Paulo. Ang lalaki naman ay napatingin sa kanya gamit ang inosenteng tingin na tila hindi alam kung saan sya nagkamali.
"Anong medyo? Hindi naman-"
"Anong hindi? Magsabi ka ng totoo, love"
Doon sumabog ang kantyawan at muling naghahampas ang iba kong kaklase sa lamesa. Napatingin tuloy ako sa kanila at lihim na napa-irap. Yung totoo? Dati ba silang badjao?
Napatingin ulit ako kay Kenya na pinanlalakihan ng mata si Paulo habang namumula ang mga pisngi habang kinagat lang ni Paulo ang ibabang labi nya at bahagyang yumuko para maitago ang mga ngiti. Si Ma'am naman ngayon ay napapailing pa habang bumubungisngis, dala na rin siguro ng masyadong pagkakilig sa couple na 'yon. Para namang wala syang jowa, no?
"Yung totoo, mga anak?" tanong ni Ma'am na agad inilingan ni Kenya. Talagang todo iling at tanggi sya dahilan para mawala ang tinatagong ngiti ni Paulo. Nag-angat sya ng tingin kay Kenya na ngayon ay nakahanda nang magsalita kay Ma'am.
"H-Hindi po talaga, Ma'am. Wala po kaming naging label" sabi nito na naging dahilan para gumawa ng tunog na 'awww' ang mga kaklase ko. Nawala naman ang ngiti ni Ma'am at napalitan iyon ng kunot sa noo habang dahan-dahang tumatango na tila iniintindi ang sinabi nito. Nilipat nya ang tingin kay Paulo na nakatingin lang din kay Kenya ngayon na tila nagtatanong ang mga mata.
"Paulo?" pagtawag pansin ni Ma'am rito kaya napatingin din si Kenya sa kanya dahilan ng pagkurap-kurap nya. Ngumiti sya ng mapait at tinignan ng malalim si Kenya na ngayon ay napapayuko lang.
"Siguro po ako lang yung nag-akalang meron. Pinaramdam po kasi, eh" sagot nito na nagpatahimik sa lahat.
Yumuko sya at kinuha ko ang tyansang iyon para tignan ang kanyang mukha dahil magkatabi lang naman kami. Kahit natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang kanyang mata ay mahahalata ang malaking pagbabago sa kanyang awra.
Kung kanina ay nakakasabay pa sya sa mga panunukso at pagtatawanan ng mga kaklase nya, ngayon naman ay tila pinagbagsakan sya ng langit at lupa. Ramdam na ramdam ang lungkot na bumalot sa pagkatao nya dahil siguro sa mga salitang lumabas sa bibig ni Kenya.
Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa ugaling pinakita nya sa akin kanina ay hindi ko maiwasang maawa para sa kanya. Siguro nga ay umasa sya na merong 'sila' ni Kenya kaya't ganoon na lamang sya kung magsalita kanina. Ang mali lang nya ay hindi nya nilinaw ang lahat sa salita, masyado syang nagpadala sa gawa. Yes, maybe actions are more sincere but we won't know the message of the actions without hearing or the confirmation of the words.
Nakita ko ang ilang beses na paglunok ni Paulo bago bumuntong-hininga at nag-angat ng paningin dahilan ng pagtatama ng mga mata namin. Huli na bago pa ko makaiwas kaya nanlaki na lang ang mga mata ko at nag-isip kung ano ang gagawin ngunit nagulat ulit ako nang makitang ngumiti lang sya sakin bago tumingin kay Ma'am.
"Excuse me po. CR lang"
Nang sumapit ang lunch break ay hindi na maalis pa ang mga ngiti ko sa labi dahil sa makakalabas na rin ako ng room sa wakas. Sa katunayan ay para nga akong timang ngayon na nakangiti habang nag-aayos ng gamit sa bag na hindi ko rin naman nagalaw kanina. Paano ba naman kasi ay puro lang kantyawan at puro kwentuhan lang ang nangyari kaya hindi na talaga kami naglabas pa ng na kahit isang pirasong ballpen o papel. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi na ko nag-abala pang ayusin ang mga gagamitin ko sa bag kaninang umaga. Nagdala na lang sana ako ng lalamunin para may makain ako habang nagkukwentuhan sila.
Napailing na lang ako dahil sa naisip at pagkatapos ayusin ang bag ay tumayo na ko para umalis ngunit nang magtama ang mata namin ni Kenya at ng mga babaeng kasama nya ay napahinto ako. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin kaya mas pinili ko na lang ngumiti kahit alam kong awkward yung ngiti kong 'yon. Baka nga mukha pa kong natatae sa ginawa kong pagngiti pero hindi na ko nangamba nang ngumiti sila pabalik sa akin. Ayos! Mabait naman pala!
Inayos ko ang pagkakasukbit ng isang strap ng bag ko sa aking kanang balikat bago magsimulang maglakad papunta sa pinto. Madadaanan ko nga lang sila bago pa ako makalabas kaya nagkunyari na lang ako na tinitignan ang mga kuko sa kamay para hindi ko mapansin ang mga tingin nila. Bakit ba kasi parang tutunawin nila ko na maging ang paglalakad ko ay kailangan pa nilang titigan? Ano to, fashion show at ako ang model?
Nang malagpasan ko sila ay nakahinga ako ng malalim at handa nang makalapit sa pintuan ngunit natigilan ako dahil sa pagtawag sakin ng isang boses na alam kong nagmula kay Kenya.
Napapikit ako ng mariin bago sila tuluyang lingunin. Kitang-kita ko ang mga ngiti nila sakin kaya ngumiti ulit ako kahit na alam kong kinabahan ako sa part na papalapit sila sakin. Gandang-ganda ba sila sakin? Shet.
"Kaklase ka namin nung grade 8, 'diba? Wag mong sabihing nakalimutan mo na kami?" tanong nya dahilan para mawala ang ngiti ko at isa-isa ko silang tinignan ng mabuti.
Isang medyo payat na may magandang mukha pero halatang may ibang ugali at isang katamtaman ang katawan na may natural na kagandahan dahil sa simple nitong pusod at sa ngiting magiging komportable ka agad. Kumunot ang noo ko habang tinitignan sila hanggang sa may pumasok ngang alaala sa aking isipan noong nakaraang mga taon.
"Trish tsaka Franches? Tama ba?" tanong ko at tumawa naman sila bago sabay-sabay na tumango. Sila nga yung isa sa mga dati kong naging kaklase nung grade 8 kaso nga lang ay hindi ko sila naging kaibigan o kahit kaclose man lang dahil nga may sinasamahan akong ibang grupo at pati rin naman sila ay may sariling kinabibilangan.
"Samin ka na lang tumabi mamaya, papalipatin na lang namin yung isang lalaki dun sa likod para tayo-tayo na lang yung magkakatabi sa harap" sabi ni Trish at tumingin kay Kenya habang tinataas-baba ang mga kilay. Tumango naman ito at tumingin sakin, suot pa rin ang magandang ngiti sa labi.
"Oo, doon ka na lang samin tumabi. Kasama pa natin doon sila Izy" sabi nito na tinanguan ko na lang at napalingon kay Franches nang magsalita ito.
"Saan ka ba pupunta? Sama ka na lang samin sa cafeteria?" hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa kanila at lalo na sa alok na binigay nila sakin ngunit magiliw na lang akong umiling dahil baka hindi pa ko maging komportable sa kanila. Ayoko naman maging sagabal lang sa grupo nila, no!
"Pupuntahan ko pa sila Venus, eh. Kayo na lang, next time na lang siguro ko" nakangiti kong sambit at tumango-tango lang sila.
"Venus? Nahiwalay ka pala sa kanila" sabi ni Kenya dahil naging kaklase din naman namin sila Venus noon kaya kilala nya.
"Oo, eh" nagpakawala ako ng pilit na tawa pero napahinto rin agad nang tapikin nya ang balikat ko.
"Ayos lang yan, atlis magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan dito, 'diba? Let's look at the brighter side na lang" napangiti ako dahil sa sinabi nya at tumango na lang para makaalis na. Nagugutom na rin kasi ako at kailangan ko nang mang-buraot ng pagkain kila Erich para malamanan na ang tyan ko.
"Thank you, ah? Sige, una na ko. Gutom na rin ako, eh" nagtawanan lang kami at muling nagtanguan bago ako tumalikod para harapin ang pinto ngunit hindi ko pa man din nahahawakan ang seradula niyon ay may mabigat na braso nang sumampay sa balikat ko dahilan ng muntik ko nang pagkatumba dahil sa kawalan ng balanse.
Inis kong tinignan si Mark na nakangisi sa tabi ko at buong lakas na ginamit ang siko para itama iyon sa tagiliran nya kaya agad din syang napabitaw sakin para mahawakan ang napuruhan kong parte ng kanyang katawan. Huh! Ano ba akala nya? Super duper close kami?! Papayag lang akong akbayan nya ako kung ililibre nya ko ng kwek-kwek o milktea!
"Buti nga sayo, Mark. Tangina ka kasi" narinig kong sabi ni Trish habang nagtatawanan sila kaya inirapan ko lang si Mark na masama na rin ang tingin sakin.
"Oh, ayos lang ba yung siko mo? Tumama sa kutis bato, eh" dugtong pa ni Franches kaya natawa na lang din ako at napailing-iling ngunit napansin ko ang pagtahimik nila at ang pagkabalisa ni Kenya nang tignan ang nasa gilid ko. Sinundan ko naman ito ng tingin at nakita si Paulo na nakatingin din kay Kenya. Lumunok pa ito at bumuntong-hininga bago magsalita.
"P-Pwede bang makipag-usap?"
|||||
SELENAPHILE