Chapter 5

2045 Words
"Tangina kayo, nagchat ako tapos hindi nyo man lang sineen! How dare you?!" bungad ko sa kila Erich at Venus nang sinalubong ako nito sa labas ng kanilang classroom. Mas pinili kasi namin na dito na lang magkita-kita sa tuwing breaktimes dahil mga dating kaklase lang din naman namin yung mga kasama nila sa room nila ngayon. Agad naman nila akong inirapan at tinampal pa ni Erich ang bibig ko kaya mas lalo ko silang tinapunan ng masasamang tingin. Grabe, kunyari lang akong nagtatampo sa part na 'yon ah, pero tampal pa talaga ang natanggap ko. Ano to? Tampal sa nguso is the new suyo? "Nag-eenjoy kasi kaming makipagkwentuhan sa mga kaklase namin at sa teacher kanina" pang-aasar na sagot ni Venus kaya inirapan ko na lang sila. Well, medyo nakakainggit 'yon. Kainis naman kasing nalipat pa ko! "Edi kayo na" Nang inaya nila ako sa loob ng room nila ay nag-alinlangan pa ko dahil sa iba na ang section ko ngayon pero nang makita lang ako ng iba nilang mga kaklase ay sila pa mismo ang nanghila sa akin sa loob dahilan para matunaw lahat ng inis sa kalooban ko at mapalitan ng saya. Gusto ko na lang maiyak dahil sa pinapakita nila sakin ngayon. Hanggang ngayon, kahit hindi na nila ako kapamilya sa iisang section, tinatanggap pa rin nila ko. Hays, Lord, bakit kailangang mawalay ako sa kanila? "Sabi na, eh! Alam kong mambuburaot ka talagang hayop ka kaya mabuti na lang at nagdala ako ng extra" sabi ni Erich habang binubuksan ang dalawang lunchbox nyang kulay pink at gray. Napatingin tuloy ako sa kanya habang nakangiti at hindi na pinansin pa ang kung anong pinuputak nya. Mukha lang syang naiinis sakin at sinesermunan ako ngayon pero alam kong mahal nya rin talaga ako, kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ang pinagkaiba lang namin ay showy ako at sya ay hindi pero alam ko na isa din talaga syang mabuting kaibigan at syempre, tita. Sya kasi ang bunso sa magkakapatid na sila papa at isang taon lang ang tanda nya sakin. Hindi sya umattend ng kinder noon kaya nagkasabay kami ng pag-aaral ngayon kahit may agwat ang edad namin. Kaya sa aming magkakaibigan, kami talaga ang madalas na magkasama dahil bukod sa magkapamilya kami ay magkalapit lamang ang mga bahay namin. Kunyari pa yang suplada at harsh magsalita sakin pero alam ko namang mahal na mahal ako nyan. Sus, Erich! Talagang alam na alam din ang isa sa mga favorite colors ko, ah! "Extra lang yan o talagang pinaghanda mo ko?" naniningkit ang mga matang tinanong ko sya na may halong pang-aasar sa tono ng boses. Umismid naman sya at padabog na nilapag sa arm desk ko ang nakabukas nang gray na lunchbox, kasama ang kutsara't tinidor. "Ano ka, gold? Sakin din dapat yan kaso timawa ka kaya sayo na" sabi nya pa at nagsimula nang kumain kaya napailing na lang ako at kumain na lang rin. Sanay na rin kasi sila sa pagiging buraot ko sa pagkain kaya normal na lang samin ang ganitong scenario pero hindi lang naman ako ang buraot, no! Noong mga panahon nga na magkakaklase pa kami at magkakasama ay nagpaplano pa kami kung sino ang magdadala ng pagkain kapag ang isa samin ay walang mailulutong ulam. Minsan din ay may librehan pang nagaganap ngunit madalas lang talaga na ako yung buraot sa pagkain dahil mas madalas akong mag-ipon para may panggastos kami tuwing magkakaayaan ng gala. Bawian lang kami, kumbaga. Habang ngumunguya ay nilibot ko ang tingin sa paligid. Katulad dati ay halos kalahati ng klase ay wala samantalang ang iba ay dito lang din kumakain. Nakasanayan na rin kasi namin na dito na kumain sa loob ng classroom dahil sa kadahilanang laging puno ang cafeteria o kaya nama'y minsan, hindi masasarap ang nakalatag sa menu. Sorry, medyo choosy, eh. Natigilan ako nang mahagip ng aking paningin sila Larren, kasama yung iba nyang kaibigang lalaki na naglalakad sa hallway. Kita kasi sila mula sa loob ng classroom dahil transparent lang naman ang mga bintana. Literal na hindi ko na nainguya yung pagkain sa bibig ko nang makita ang mga ngiti nya sa labi dahil siguro sa pinag-uusapan ng mga kaibigan nya. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng kanyang slacks habang ang isang strap lang ng bag nya ang nakasabit sa kanang balikat. Hindi rin nya tinatapunan ng tingin yung mga nadadaanan nila kahit pa halatang-halata sa ibang babae na sya yung tinitignan. Duh, respeto naman sakin mga ate! Nakipagtitigan ako sa kanya kanina kaya lumubay kayo dyan! "Aba, Selena. Kumain ka nang kumain para makalayas ka na dito!" Sinundan ko pa ng tingin sila Larren ngunit nang malapit na silang makalagpas ng room ay laking gulat ko nang biglang lumabas si Nero, dating naging kaklase ko pero dahil nga nalipat ako ay hindi ko na kaklase ngayon. At dahil nga naging kaklase ko yan noon ay alam ko na rin ang ugali nyan. Sigurado ako na magfefeeling close na naman yan kahit hindi nya pa kilala yung kakausapin nya. At hindi nga ako nagkamali. Kitang-kita ko ang pagtaas nito ng kamay at ang pagbuka ng bibig na halatang tinawag sila Larren na naging dahilan nang paglingon nito pabalik sa kanya. Malas naman na hindi kasi maririnig dito ang ingay sa labas dahil kulob at air-conditioned dito sa loob. Gusto ko pa naman marinig ang pag-uusapan nila. Sorry, medyo chismosa lang. "Sino ba tinitignan nitong bugak na 'to?" "Si Nero yata" "Sabi na, eh. May lihim talaga syang pagtingin doon" Tinignan ko ang ginawa nitong gagong si Nero at nagulat talaga ako nang makitang nakikipag-fistbump pa sya kila Larren. Para bang magkakilala na talaga sila. Pero paanong nangyari 'yon? Hindi ko naman sila nakikitang magkasama o magkausap noon, ah. Sabagay, wala kasi akong pakialam sa ibang tao dati. Kanya-kanyang buhay lang kami noon, eh. Nakita ko na doon sila pumwesto sa railings, sa gilid ng hallway at doon nagkwentuhan. Second floor kasi itong pwesto namin at tatlong palapag ang meron dito sa building. Nasa baba ang cafeteria at ang ibang facilities katulad ng TLE Laboratory na dating pinupuntahan lang kapag may task na pagluluto pero ngayon ay ginawa na ring classroom. Sa third floor naman ay ang iba pang mga classroom ng Grade 12. Nawalan na ko ng pag-asa para malaman kung anong pinag-uusapan nila dahil wala din naman talaga akong maririnig kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa lunchbox na kinakainan ko kaso napakurap-kurap na lang ako nang makitang tatlong piraso na lang yung chicken nuggets na kaninang lima pa. Ano to, lumingon lang ako saglit, dalawang nuggets na yung kapalit? Agad kong sinamaan ng tingin yung dalawang babaeng halatang nginunguya pa lang yung kaawa-awa kong mga nuggets. Ang bibilis talagang kumilos ng mga 'to at talagang nagtig-isa pa sa pagkuha sa ulam ko. "Hanga na talaga ko sa talent nyo, grabe" inirapan ko sila habang umiiling at pinagpatuloy na lang ulit ang pagkain ko. "Busy ka kasi sa pagtitig kay Nero kaya ka nananakawan" agad naman akong nabilaukan sa sinabi ni Venus kaya walang pasintabi kong kinuha ang tumbler nya at ininuman. "Wow, ah?! Nero talaga? No way" sabi ko at kumuha ng isang maliit na sausage sa lunchbox ni Venus na ngayon ay nakatingin na lang sa ginagawa ko. "Pwede namang tumanggi nang nakatahimik yung kamay, girl" sabi nya bago humati sa tocino ni Erich na ngayon ay pinagtataasan sya ng kilay. Tinampal pa nito ang kamay nya pero mabilis pa sa alas-kwatrong sinubo nya yung ulam. Ang titimawa talaga ng mga 'to, buti na lang talaga hindi ako ganon. "Tsaka hindi si Nero yung tinitignan ko, no! Yung poging kaklase ko" sabi ko pagkatapos ilunok yung nasa bibig ko. Napatingin naman sila sakin habang nakataas ang mga kilay kaya ngumisi lang ako at ininguso si Larren na nakasandal sa railings habang nakikipagtawanan sa mga kasama nya. Sinundan naman nila iyon ng tingin pero kumunot lang ang noo ni Venus. "Iyon ba? Ang alam ko, ex ni Ashley 'yan?" napakunot din tuloy ang noo ko dahil sa sinabi nya at napatingin naman kay Erich nang tumango-tango ito. "Oo nga yata, parang nakikita ko silang magkasama lagi dati, eh" sabi pa nito habang nakatingin pa rin kay Larren kaya tinignan ko rin ito. Nang una ko syang makita kanina sa classroom namin ay naramdaman ko nang parang pamilyar yung mukha nya sakin. At ngayon naman ay mukhang naliliwanagan na ako dahil sa sinabi nila Venus. Sya nga yung lagi kong nakikita na kasama ni Ashley noon sa tuwing naglalakad sa hallways at kung minsan ay magkasama pa sa cafeteria. Si Ashley ay isa sa mga sikat na athletes dito sa school dahil sa pagiging consistent winner nya sa mga laban ng volleyball. Lagi syang inilalaban, in and out of the school dahil sa galing nya sa sport na 'yon. At hindi lang 'yon dahil isinasabak din sya sa pagmomodel. Sino ba naman kasi ang hindi magsusuggest ng pangalan nya sa larangan ng modeling kung nagtataglay sya ng magandang mukha at biniyayaan rin ng tangkad? Kung titignan mo ay halos nasa kanya na talaga ang lahat. Salmong tugunan? "Nawa'y lahat" bulong ko at nag-iwas na lang ng tingin para ayusin yung lunchbox na pinagkainan ko. Natawa naman sila at sabay akong binatukan kaya muntik pa kong masubsob. "Ex naman na, eh. May chance ka na, girl" sabi ni Venus pero sinamaan ko lang sila ng tingin habang inaayos ang nagulo kong buhok. Sabay ka ba naman kasing bagsakan ng kamay na akala mong bakal sa sobrang bigat. "Grab the opportunity na" sabi pa ni Erich na tinawanan pa nila ng sabay. Napailing-iling na lang tuloy ako pero napaisip din. May point naman sila tsaka mukhang single pa rin si Larren. Walang Jane, obvious naman siguro sa nangyari kanina, at wala ding Ashley dahil bago matapos yung taon noong last school year, hindi na namin sila nakitang magkasama kaya sigurado akong nagbreak na sila noon pa. Super available! Teka, bakit ba ganyan yung iniisip ko? Hindi pa nga kami close, eh! Grabe, Selena! Ang utak mo, parang masyadong advance na yata? Matapos maligpit ang mga pinagkainan namin ay nagpasya na kaming pumunta sa restroom para makapagtoothbrush at makapag-ayos. Mabuti na lang ay medyo malapit yung room nila sa CR dito sa second floor kaya hindi na nakakatamad lakarin. "Makapagkwek-kwek mamayang uwian?" suhestiyon ko habang naglalakad kami pabalik ng room nila matapos makapag-ayos sa CR. "Tanginang 'to, kakakain lang, pagkain na naman nasa isip" sabi ni Erich na inirapan ko lang. "Duh, hindi ko na ulit natikman 'yon nung nagbakasyon, eh. Namiss ko lang" tumango na lang sila sa sinabi ko kaya nang pumasok kami sa room nila ay kinuha ko na ang bag ko at mulang isinabit sa aking kanang balikat. Nakaramdam na naman ako ng lungkot kaya humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga at tinignan sila na ngayon ay nakatingin lang din pala sa akin. "Oh, wag mong sabihing another iyakan session 'to?" agad na sabi sakin ni Venus kaya idinaan ko na lang sa pag-irap ang nararamdaman na lungkot. Mga wala talaga silang puso. Magsasalita pa sana ako kaso napatingin agad kami sa pinto nang bumukas ito at sumalubong ang ingay ni Nero. Nilibot pa nito ang paningin sa buong silid at nang magtama ang paningin namin ay agad ako nitong itinuro sa kung sino man ang nasa labas ng pinto. "Ayun, pre!" sabi pa nito at muli akong tinignan "Sinusundo ka na, lumabas ka na dyan" sabi nya sakin na nagpakunot ng noo ko. Sino naman ang susundo sakin? Si kamatayan? Sasama naman ako ng kusa, eh. Para malaman kung sino ang sumusundo na 'yon ay naglakad na ako papalabas habang nakakunot pa rin ang noo. Napansin ko rin na nakasunod na pala sakin sila Erich na nakakunot din ang mga noo dala na rin siguro ng kuryosidad sa kung sinong kamatayan ang gustong sumundo sakin. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang nagtatawanang sila Mark ngunit ang unang sumalubong sa paningin ko ay ang singkit na mga mata ni Paulo. Galing pa ito sa pagtawa kaya nakangiti pa ito nang humarap sakin dahilan para lalong kumunot ang noo ko. Ano naman ang ginagawa ng dalawang 'to rito? "Tara na, baka ma-late pa tayo" ||||| SELENAPHILE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD