"Teka lang naman! Ang bilis mo maglakad!" reklamo ni Mark na nasa likod ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. Nilingon ko naman silang dalawa habang binabaybay namin ang hagdan pataas. Nasa third floor kasi ng Building C yung room namin kaya mahaba-haba pa ang nilakad namin mula sa classroom nila Erich na nasa Building B naman.
Huminto si Mark sa paghakbang at humawak si railings habang humihinga ng malalim. Napailing naman ako at napa-irap bago huminto sa pag-akyat. Hinarap ko sila habang nakapamewang at nakakunot ang noo.
"Mala-late na tayo kaya bilisan nyo dyan" sabi ko at muli na namang humakbang habang sinusulyapan ang oras sa wristwatch ko.
Sa totoo lang ay hindi naman ako kinakabahan na ma-late dahil sigurado naman akong walang ituturo. Baka magkwentuhan lang ulit sila doon at ma-out of place na naman ako kaya kung pwede nga lang na hindi na umalis kanina sa room nila Erich ay ginawa ko na. Kaso baka kasi magkaroon ako ng offense sa unang araw pa talaga ng pasukan dahil bawal talagang pumasok sa ibang classroom lalo na kapag walang teacher.
Nagmamadali na lang talaga ako ngayon dahil gusto ko na lang umupo ulit at magpalamig sa aircon kaysa makasama yung dalawang maingay na 'tong nasa likod ko.
"Pare, pagod na ko. Pabuhat nga" narinig kong sabi ni Mark kaya palihim ko silang tinignan habang naglalakad.
"Mahal kita pare, kaso bahala ka na muna sa buhay mo. Wag kang feeling magaan" sabi ni Paulo at inunahang maglakad si Mark na walang nagawa kung hindi ang tumakbo papalapit para makasabay samin. Napa-iling na lang tuloy ako at nagpatuloy na sa paglalakad para mas lalong hindi nila ako maabutan. Bahala silang maiwanan dyan.
Nang marating ko ang classroom ay agad na akong pumasok dahil kung hihintayin ko pa sila ay baka abutin pa kami ng isang taon dahil sa kabagalan nilang dalawa. Pagkapasok ko sa room ay tama nga ang hinala kong wala pa rin kaming gagawin dahil nandoon na ulit yung iba kong mga kaklase sa kanya-kanya nilang pwesto sa tabi ng desk ni Ma'am. Nakikipagkwentuhan lang ang mga ito at hindi man lang tinignan kung sino ang dumating. Maganda na rin siguro yung ganon. Iwas atensyon.
Nilagpasan ko sila sa harap at maglalakad na sana patungo sa pwesto ko kanina sa likod kaso napahinto ako nang may tumawag sakin. Nilingon ko naman kung sino 'yon at nakitang nakatingin na pala sakin sila Kenya, kasama sila Trish at Franches. Itinuturo nila ang upuang nasa tabi ni Kenya sa harapang bahagi ng lamesa kaya napakurap-kurap pa ako.
Ah, oo nga pala! Doon nga pala nila ako gustong umupo!
Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago maglakad papunta sa pwesto nila. Umupo ako sa monoblock na nakalaan na yata talaga para sakin at tinignan silang tatlo. Katabi ko si Kenya sa kaliwang bahagi dahil ako na nga ang nasa harapan ng lamesa at katapat naman namin sila Trish at Franches. Hindi ko tuloy alam kung magiging komportable ba ako rito dahil mas gusto ko sa likod na walang gaanong katabi pero ayos na rin siguro na dito ako para may makasama at makausap na rin ako dito.
"Dito na lang tayo. Atlis nasa dulo pa rin tayong gawi ng classroom" sabi ni Trish na tinanguan ko naman dahil ito lang din naman yung lamesa na kaninang napwestuhan ko kaso nga lang ay nasa likod ako kanina.
Ipinatong naman ni Kenya ang dalawang siko sa lamesa at kumalumbaba bago tumingin sakin kaya ngumiti ako. Ang hirap pala ng ganito! Parang ang awkward! Kung sila Erich at Venus ang kasama ko, baka kami pa ang pinaka-maingay rito pero dahil iba ang kasama ko, heto at parang tinatakasan ako ng mga salita sa bibig. Kailan pa ba ko nagkaroon ng hiya? Simula lang yata nang malipat ako sa section na ito.
"Wag kang mahihiya dito. Kapag nagtagal, marami ka na ding makakausap" sabi nya na tinanguan naman nila Trish
"True. Tsaka kilala mo na rin naman yung halos kalahati dito kasi mga naging kaklase lang din naman natin sila dati" sabi pa ni Franches kaya napatango na lang din ako.
Siguro nga ay ito na ang simula ng paghahanap ko ng magiging kaibigan dito. Hindi din naman kasi pwede na magsarili lang ako sa buong school year dahil baka magbigti na lang ako sa pagiging outcast ko tsaka hindi ako sanay na maging tahimik, no! Kaya maghintay lang sila dahil baka pagdating ng kalahatian ng taon ay ako pa ang pinaka-maingay dito.
Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang dalawang lalaki na kasama ko kanina habang nagtatawanan pa na parang walang ibang tao sa classroom kahit ang totoo ay napatingin ang lahat sa kanila, maging si ma'am dahil sa ginagawa nilang ingay. Kung maka-asta naman kasi ay para bang bahay lang nila ang pinasukan nila rito.
Napa-iling na lang tuloy ako at ibinaling ang tingin sa iba para hindi sila pansinin. Sakto namang nahagip ng paningin ko si Larren na mukhang kanina pa nandito at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya dahil nauna syang umalis kanina sa tapat ng room nila Erich.
Napabuntong-hininga tuloy ako at kumalumbaba habang pinagmamasdan ang pagngisi nya habang nakikinig sa usapan ng mga katabi nyang lalaki.
Sa katotohanan ay hindi sya sobrang gwapo na katulad ng sa mga pelikula o sa mga istorya sa w*****d. May kaunti syang pimple marks pero hindi niyon naitago ang maliit ngunit cute na dimples nya. Makapal din ang kanyang kilay, matangos ang ilong at katamtaman ang pagkapula ng labi. Maputi din sya at kitang-kita sa pananamit nya ang kabanguhan at kalinisan. Kung para sa iba ay katamtaman lang ang mukha nya, para sakin ay iba na ang dating nya. Lalo na kapag ngumingiti sya? Grabe, para akong dinadala sa langit at hinehele ng hangin habang nakaukit lang sa isip ko ang ngiting ibinibigay nya.
Natigilan ako nang maramdaman ang sarili na may maliit na ngiting umuusli sa bibig. Agad akong umupo ng maayos at tinampal ng mahina ang magkabilang pisngi bago bumuntong-hininga.
Iba na 'to! Masama na yata yung lagay ko.
"Hi po, Ma'am!" narinig kong bati ni Mark kay Ma'am na para bang hindi sila na-late kaya pabiro lang silang inirapan nito.
"Naku, kayong dalawa! Magsi-upo na nga kayo! Kapag may klase na ay hindi na pupwede yung ganyang nala-late sa klase ko, okay?"
"Opo" sabay-sabay naming sagot kaya't bumalik na ulit ito sa pakikipagkwentuhan kila Izy na nasa tabi ng desk nya.
Naglakad naman yung dalawa at nilagpasan sila habang papalapit rito sa lamesa namin dahil doon na rin yata sila pupwesto sa kaninang inupuan nila sa dulo.
Ngunit ang akala kong pagdaan lang nila ay mali pala dahil napatingin sakin si Mark at ngumiti ng nakakaloko habang nililipat ang tingin saming apat. Si Paulo naman ay sigurado akong nakatingin kay Kenya habang walang emosyon ang mukha pero hindi ko na ito pinansin dahil biglang dumungaw sa gitna namin ni Kenya si Mark
"Oh, 'diba? Sabi sayo, may makakasama ka din dito, eh" sabi ni Mark sakin at itinaas-baba ang kilay kila Trish na inirapan lang sya. Tumawa sya at tumayo ng maayos saka ginulo-g**o ang buhok ko kaya iniwas ko pa ang mismong ulo ko mula sa kanya. Ang kapal ng mukha nya manggulo ng buhok, hindi naman sya ang nagpapakahirap na mag-ayos!
"Oh, sya. Paki-alagaan na lang 'to, ah? Tatanga-tanga pa man din" sabi pa nito at bago ko pa sya mahablot sa uniform ay agad na syang nakatakbo palayo sakin para umupo doon sa kaninang inupuan nya sa dulo ng lamesa. Inirapan ko na lang sya at nabaling ang tingin kay Paulo na hanggang ngayon yata ay hindi mapigil ang mga mata nyang nakatingin kay Kenya. Hindi naman sya pinapansin nito.
"Baka matunaw" nanlaki ang mata ni Kenya at napatingin naman sakin sila Franches. Pati ako ay nagulat dahil sa biglang lumabas sa bibig ko na hindi ko yata namalayan. Bakit ba nasasabi ko ang dapat na nasa isip ko lang?!
Sa oras na iyon ay gusto ko na lang na biglang bumuka ang lupa at lamunin ako ng buo dahil sa kahihiyang natatanggap ko. Selena, naman! Tumino ka!
Napatikhim ako at lumingon sa whiteboard na nasa kanang gawi ko para hindi sila matignan at makalimutan ang nakakahiyang nangyari ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang ngisi ni Paulo na ramdam kong sakin naman nakatingin ngayon. Napapikit tuloy ako ng mariin at biglang napa-hiling na sana ay nandito pa si Mark para naalis nya ang awkwardness sa pagitan naming lima. Jusko!
Hindi pa ako nakakarecover sa kahihiyan nang may tumapik ng mahina sa ulo ko kaya napatingala ako kay Paulo na syang gumawa niyon. Tinanguan nya lang ako at muling binalingan ng saglit na sulyap si Kenya na biglang napa-iwas na lang ng tingin bago maglakad papalayo sa pwesto namin. Ako naman ay hindi malaman kung titingin ba sa gawi ng tatlong babaeng kasama ko o magkukunyari akong ine-experiment ang lamesa para makaiwas sa tingin nila?
"Buti nga at hindi natunaw si Kenya" pagbasag ni Trish sa katahimikan kaya napalingon na ako sa kanila at natawa na rin, kasabay nila. Ang kanina ring natahimik na si Kenya ay napa-irap na lang ngunit natawa din.
"M-May nakwento ba sayo si Paulo?" napatingin ako kay Kenya dahil sa tinanon nya na ikinakunot ng noo ko pero agad ding umiling.
"Wala, hindi naman kami masyadong close para mag-usap" maagap na sagot ko kaya napatango-tango sya ng dahan-dahan pero ako naman, dahil ganap na chismosa, ay nacurious sa kung ano nga ba ang kwento sa pagitan nila ni Paulo. Mula sa kung anong nangyari sa kanina, hanggang sa inaasta nila sa isa't-isa ay lalong nakakapagtaka lang kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila. Pero sino ba naman ako para makisali, 'diba? Kaya bahala na sila dyan. It's their lives, not mine.
Natigilan ako nang may dumaan sa gilid ko dahilan nang pagpasok ng isang mabangong amoy sa aking ilong. Napatingin tuloy ako sa kung sino ang dumaan na iyon at gusto ko na lang matunaw nang makitang kay Larren pala nagmula ang pabangong naamoy ko. Hindi ko alam kung anong pabango 'yon dahil hindi naman ako maalam sa ganoon pero ang mahalaga ay sa kanya nanggaling.
Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad sya papunta sa pwesto nila Mark habang ang mga kamay nya ay nasa bulsa ng kanyang slacks. Pwede kaya na kahit isang segundo lang, mawalan sya ng dating sa paningin ko? Para hindi naman ako masyadong mahulog kasi unang araw pa lang, oh. Ayoko munang lumandi sa kaklase, please lang.
Nang makaupo sya sa tabi ni Mark ay sakto ding umupo si Benedict sa tabi naman ni Paulo. Tama ang hinala ko na mukhang maglalaro na naman sila nang makita na pare-parehas silang yumuko habang naglalabas ng cellphone sa ilalim ng lamesa. Napa-iling na lang tuloy ako at napatingin kila Ma'am na panay pa rin ang kwentuhan na tila may sariling mga mundo.
"By the way, Selena. Bakit ka nga pala nalipat?" tanong ni Trish dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanila.
"Ewan ko ba. Basta nagulat na lang ako nung nag-enroll ako na iba ang section ko" sagot ko at napapitik naman sa hangin si Franches na tila may naalala.
"Sya siguro yung sinabi ni Ma'am dati na isasama nya satin" sabi nito na tinanguan naman ng dalawa kaya napakunot ang noo ko. Dati pa lang, planado na?
"Oo nga no? Ikaw nga siguro 'yon kasi sabi ni Ma'am may student daw sa Section 2 ng HUMSS na hindi nararapat doon. 'Diba section 2 ka dati?" tumango naman ako kay Kenya pero nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko kasi makuha ang point. I need further explanation.
"P-Paanong hindi nararapat?" I asked, starting to get curious from what did really happened on why am I here.
"Ang sabi lang samin ni Ma'am, mas maganda daw kung malilipat ka sa section 1 this year para magamit mo yung nasasayang na brain capacity mo sa past sections mo" sagot nya na tinanguan ng dalawa habang nakatingin sila sakin habang ako ay hindi maalis ang kunot sa noo, dala ang inis sa kababaan ng rason ng mga teachers para ilipat ako ng section. At talagang, nagkaisa pa yata sila dahil natatandaan kong pati ang dati kong guro ay tinanong na din sakin kung gusto kong lumipat ng section 1 na minsan ko nang tinanggihan.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa inis. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang nila magawang ikonsidera ang mararamdaman ko. Alam kong mababaw lang ang kadahilanang nalayo ako sa mga kaibigan ko para palakihin ko pa ngunit mula Grade 7 kasi ay kasama ko na sila! Ang mga kaklase ko naman na nabuo noong Grade 9 ay itinuring ko na talagang pangalawang pamilya dahil nakasama ko sila hanggang Grade 10. Sila ang pinakamasayang bagay na nangyari sakin noong mga nakaraang taon na tila kahit anong hirap nung mga lessons and projects, hindi ko iyon napansin dahil sa pagsasamahan naming lahat. At ngayon ay mawawala na sakin iyon dahil sa walang kwentang dahilan ng mga teachers.
Nasasayang ang brain capacities? No! Section or the group of people around you, doesn't define who you are. It's not always a matter of who's good or bad at something, who's the best or the worst section, and who's the highest or lowest. Be unique and united at the same time. This is a catholic school, for God's sake! There shouldn't be a rank classifications here in the first place.
Schools, catholic or not, public or private, must focus on teaching or giving knowledge on their students and not ranking them on who's the best among the others. There shouldn't be competitions between students because being competitive is not always a good thing. What matter is, they're learning. Let them enjoy their youth while teaching them about reality, too.
Umabot ang dismissal na lumulutang ang isip ko at nakasarado ang bibig. Tanging tango, ngiti o iling lang ang sagot ko sa sinasabi sakin nila Kenya samantalang hindi ko naman na napansin pa sila Mark nang ayain ako nito maglaro dahil sa inis at sa mga naiisip ko kanina. Nagpapasalamat na lang talaga ako at mabilis na umandar ang oras kaya't heto, nagmamadali na akong nag-ayos ng gamit bago maglakad papalabas.
Nakayuko lang ako habang binabaybay ang daan sa pintuan ngunit napahinto nang may nakasabay na humawak sa doorknob. Tila nakuryente ako na umiwas agad at napatingin sa kung sino 'yon ngunit natigilan din agad nang makitang nakatingin sakin si Larren. Nag-iwas tuloy ako ng tingin at umalis sa daan para hindi ako makaharang sa pinto. Akala ko ay aalis na sya ngunit binuksan nya lang ang pinto at tumingin lang sakin. Nagtaka tuloy ako kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Ladies first"
Napakurap-kurap ako at nilipat ang tingin sa pinto bago ulit mapatingin sa kanya pero wala ring nagawa kung hindi ang dumaan dahil mukhang wala din talaga syang balak na mauna.
Nang makadaan ay nagulat pa ako nang nakasunod na sya sa likuran ko matapos isara ang pinto. Sabagay, saan pa ba sya dadaan pauwi? Lumulutang pa talaga yung utak ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang napapabuntong-hininga at muling naaalala ang kanina. Dapat ba na hindi ko na alalahanin iyon dahil lumagpas naman na? Pero malaking impact ang nangyari sa buhay ko nang dahil sa ginawa nila. Nagiging mababaw na ba ko? Siguro nga.
"Ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa 'yan" nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko at napansin na nakasunod pa rin pala sakin si Larren. Seryoso lang itong nakatingin sa daan ngunit nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ay lumingon din sakin.
"Hindi pa tayo sobrang close kaya baka hindi mo rin sabihin yung gumugulo sayo pero kung ano man 'yan, lilipas din, okay?" hindi ako nakasagot sa sinabi nya at nanatiling nakatingin lang sa mga mata nya na tila humahanap ng sagot sa mga mata ko. Patuloy kami sa paglalakad pero tila sya lang ang nakikita ko habang nakatitig din sya sa mga mata ko.
Ilang sandali pa ang lumipas ay huminto na sya sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako pero ganoon pa rin, nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay napapangiti na lang. Inayos nya ang pagkakasabit ng bag sa kanyang balikat at ipinasok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks nya bago tinapik ng mahina ang noo ko.
"Ingat"
Binigyan nya ko ng isa pang ngiti bago naglakad papalayo ngunit kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maialis ang aking titig sa papalayong pigura nya. Habang lumalayo sya ay doon ko pa lang naramdaman ang naghuhuramentado kong puso. Kabog ng kabog na tila kabang-kaba ako. Napahawak tuloy ako roon at ngumiti bago bumuntong-hininga.
"Ingat"
|||||
SELENAPHILE