Lumipas pa ang dalawang araw bago magkaroon ng tunay na klase sa loob ng room. Ang bag ko na halos walang laman noong nakaraang araw ay puno na ulit ng mga gamit na posibleng gamitin namin sa kung anong subject.
Ang dalawang araw din na halos puro kwentuhan at paglalaro lang sa classroom ay nawala na at napalitan ng katahimikan habang ang boses lang ni Ma'am Michaela, ang teacher na kanina ko lang nalaman ang pangalan, ang maririnig sa harapan habang nagdidiscuss ito patungkol sa isang lesson sa subject nyang Politics.
Malayong-malayo ang lahat ng ito sa nakagawian kong classroom na nagkukwentuhan sila sa harap at sa paligid ng desk ni Ma'am Michaela habang ang ilan kong mga kaklase ay may kanya-kanyang mundo sa sari-sariling upuan. Total opposite, kumbaga.
At ako, dahil ganap na naiinip ay walang ibang magawa kundi ang magtake-down ng mga notes habang nagsasalita si Ma'am at may ipinapakitang powerpoint presentation sa TV screen. Bukod kasi sa wala naman akong makausap dahil nakikinig din sila Trish ay kailangan din naman ng mga notes para sa surprise quizzes or recitations na pwedeng mangyari, based on my experience last year. Mabuti na ang handa para iwas pahiya!
Habang nakakalumbaba at marahang kinakagat ang dulo ng aking ballpen ay wala sa sariling napatingin ako sa gawi ng upuan ni Larren na nasa kabilang lamesa lang at parehas ko na nasa harapan din ang pwesto ngunit malas lang dahil nakatalikod ang pwesto nya sakin. Sayang! Wala akong makikitang inspiration.
Ngunit lihim na lang din akong napangiti nang maalala ang ginawa nya noong nakaraang araw na hinatid nya pa ako sa room nila Erich bago sya tuluyang umuwi. Hindi man sobrang laki ng ginawa at mga sinabi nya sa akin nung araw na 'yon ay sapat na rin para mapangiti at gumaan ang loob ko. Plus, sinabi pa nyang mag-ingat ako! Imagine, yung crush ko, sinabihan ako ng ganoon?! Mainggit kayo, please!
Naalala ko din na buhat nang lumipas ang araw na 'yon ay para bang nag-improve din ang pagiging magkaklase namin. Like, kung nung unang araw na nakilala ko sya ay hindi nya talaga napapansin ang presensya ko unless mag-aaya silang maglaro ng ML, ngayon ay nginingitian nya pa ako sa tuwing magtatama ang paningin namin! Syempre, hindi naman ako pabebe para magpakipot pa kaya ngumingiti din ako sa kanya pero hindi yung sobrang-sobra para hindi naman nya mahalata na crush ko sya. Aba, may pride pa rin naman ako 'no!
Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba ako dahil nginingitian nya na ko o malulungkot kasi hindi pa rin ako makalapit sa kanya at hindi rin sya lumalapit sakin na katulad nung ginawa nya noong hinatid nya ko. Either way, siguro I'll just consider this as a part of the process. Process ng future relationship namin, ganon. Charot!
Napatawa tuloy ako nang mahina ngunit natigilan rin nang mapansin na tahimik na ang buong silid. Agad kong nilibot ang paningin sa paligid at tila nanigas na lang ako sa kinauupuan ko nang makitang nakatingin na pala sa akin ang lahat, maging si Ma'am na nangingiti ding nakatingin sakin habang tila nag-aabang sa gagawin ko. Napalunok tuloy ako at gusto na lang humiling na sana ay bigla akong tangayin ni Batman palayo sa scene na to dahil sa panibagong kahihiyan. Shet, Selena! Kailan ka ba magkakaisip sa mga pinag-gagagawa mo?!
"Selena, anak? Can I ask you a question regarding of our topic?" nangingiti pa ring tanong ni Ma'am dahilan para dahan-dahan akong mapatayo at pilit na iniwasan ang lahat ng tingin nila dahil sa kaba na baka pati si Larren ay nakatingin at pinagtatawanan na ako. Lupa! Lamunin mo ako!
"Y-Yes, Ma'am" nangangatal na sagot ko at pilit na itinutuon ang tingin sa harap dahil may kusang buhay yata ang mata ko at pilit na tumitingin kay Larren. Yawa, self! Behave, mapapahiya ka sa harap ng buong kaklase mo!
"What is Politics again?" tanong nya at bahagyang umupo sa desk nya habang nakatingin sa akin. Hindi naman sya mukhang galit o ano kaya hindi ako sa kanya kinakabahan, nakakadagdag pressure lang talaga ang tingin ng mga kaklase ko at lalo na yung crush ko na alam kong makikita at maririnig kung ano ang isasagot ko!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit ng mariin bago humugot ng isang malalim na buntong hininga para makapagfocus. Hindi dapat ako mapahiya ngayon sa harap nila kaya dapat kong ayusin 'to!
"Politics is... a well-entrenched of human activity" sagot ko at tumingin kay Ma'am na may pag-aalinlangan ngunit tumango-tango lang ito na para bang nag-aabang pa sa ibang sasabihin ko. Napabuntong hinga tuloy ako at pilit na kinalkal ang aking utak para makahanap ng isasagot.
Hindi pala pwede rito ang simpleng sagot lang kaya't pinilit kong alisin ang lahat ng kaba sa loob ko at pinalitan ng buong tapang para harapin ang klase. Nagpapakita ng propesyunalidad, katulad ng mga bagay na natutunan ko patungkol sa public speaking at speeches.
"It is as old as the human civilization. However, its formal study began only with the Greeks and continued through a lot of dynamic process which turned it from the traditional self-centered approach into a community welfare" nilibot ko ang tingin ko sa kanila at pinilit na hindi pansinin ang pagnginig ng tuhod nang mahagip ng aking paningin ang mga mata ni Larren.
"P-Politics is also the... art of government, the exercise of control within the society through the making and enforcement of collective decisions, said by Heywood on 1997" hindi ko naiwasan ang mautal kahit pa pinilit kong hindi na tapunan pa ng tingin si Larren matapos ng saglit na pagtatama ng mga paningin namin. Bakit ba kasi kailangan nya pang tumingin? Nakinig na lang sana sya, 'diba?
"So, Selena, mind telling us the importance of it? Like, what would happen if there's no politics existing today?" gusto ko sanang magreklamo na dapat bang ako lang ang sumagot sa mga tanong nya kahit pa madaming ibang estudyante ang pwede nyang piliin? Kaso wala naman na akong ibang choice kundi ang sagutin ang pangalawang tanong nya na tila naghahanap ng sagot na essay sa isang test.
"Without politics, there would be no organization of individuals that will take care or take responsibility of social problems today. It'll also help to canalize or manipulate human behavior in order to build a more organized and responsible society which will both benefit the people and the government. Coordination of human activities leading to maintenance of social system also takes place because of Politics which helps to prevent social division and conflict" nagbigay ako ng isang maliit na ngiti at ibabalik na sana ang tingin kay Ma'am ngunit nahagip ng mata ko ang isang ngiting naging pamilyar na yata sa utak ko.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob para balikan sya ng tingin at hindi na nagulat pa nang makitang nakangiti nga sa akin si Larren habang nagbibigay ng isang titig na magiging dahilan yata ng pagkalusaw ko.
Actually, exaggerated lang siguro ako dahil lahat naman sila ay nakatingin sakin ngayon bago nagsimulang pumalakpak pero hindi naman iyon ang pinansin ko kundi ang maliit na pagtango sakin ni Larren. Enebe!
Kinagat ko na lang ang loob ng aking pisngi bago dahan-dahang umupo at itinuon ang paningin kay Ma'am Michaela na nakangiti na rin sa akin ngayon. Umayos sya ng tayo at binuksan ang whiteboard marker na hawak habang nakatingin pa rin sa akin.
"I knew you could do well here"
Dumating ang lunch break kaya sinimulan ko nang ayusin ang bag ko habang sila Kenya naman ay nag-uusap lang patungkol sa kung anong pagkain ang bibilin nila sa cafeteria. Doon kasi sila kumakain kaya nagkaroon ako ng rason para hindi sumabay sa kanila tuwing lunch kahit ang totoo ay gusto ko lang talaga na sila Venus ang kasabay ko para makaburaot ako. Char.
"Oh, una na kami, Selena" napatingin ako sa kanila nang magsalita si Franches. Ngumiti ako at bahagyang tumango sa kanila habang inilalagay sa bag ko ang nakalabas kong mga gamit.
"Sige, magpakabusog kayo" sagot ko at sabay-sabay pa kaming natawa bago sila tuluyang lumabas ng classroom. Ako naman ay tinapos na ang pag-aayos ng gamit at isinara na ang zipper ng bag bago tumayo para umalis na rin. Gutom na rin naman ako. Ano kaya ang binaon ngayon nila Erich?
Tumayo na ako para umalis kaso nagulat naman ako nang mabilis pa sa kidlat na tumabi sa dalawang gilid ko si Mark at Paulo na kahapon ko pa iniiwasan dahil sa kabaliwan nila na gustong sumabay sakin sa paglalakad tuwing lunch break.
Sinabi na talaga nila sakin ang bagay na 'to noong isang araw pa at binigyan ko lang sila ng matigas na "Ayoko" pero heto at talagang hinihintay lang nila akong matapos sa pag-aayos ko ng gamit bago ako bulabugin. Kung si Mark lang ay baka matanggap ko pa dahil matagal ko naman na syang kilala at medyo close na rin pero si Paulo? Ang sarap na lang nyang itulak sa hagdan.
Napa-irap tuloy ako sa kawalan at tinapunan sila ng matatalim na tingin pero nagkibit-balikat lang si Paulo habang si Mark naman ay tinataas-baba pa ang mga kilay. Akala ba nila, naging cute sila sa part na 'yon? Mukha silang tanga.
"Hindi nyo ba kabisado ang daan at kailangan nyo pa kong isabay?" tanong ko at nagsimula na ring maglakad nang mas una sa kanila dahil wala na rin naman akong choice. Baka maubos lang ang oras ko at hindi makakain kung makikipagtalo pa ko sa kanila sa room.
"Baka kasi maligaw ka, tatanga-tanga ka pa naman" nanlalaki ang matang ibinaling ko kay Mark ang tingin habang patuloy kami sa paglalakad. Ang kapal talaga ng mukha nitong n***o na 'to.
"Tapos baka malaglag ka sa hagdan, medyo mukhang lalampa-lampa ka pa naman" sunod kong tinignan si Paulo na nagsalita habang nakangisi sakin kaya napatawa ako ng pagak at huminto sa paglalakad. Talagang sinusubukan ako ng magkaibigang 'to.
Huminto din sila sa paglalakad at dumikit ulit sakin na para talagang inaasar ako kaya ngumiti na lang ako ng matamis bago inilagay ang mga kamay ko sa likod nila. Huminga ako ng malalim at buong lakas na tinulak sila sa hagdan sa harap namin dahilan para ma-out of balance at magdire-diretso sila pababa.
Malas lang dahil nakahawak agad si Paulo sa railings kaya hindi sya natumba samantalang si Mark naman ay parang hinila ng gravity na nagtuloy-tuloy sa pagbaba at tumama ang katawan sa pader na nasa dulo ng hagdanan dahil hindi nya agad nacontrol ang sarili.
Pinigil ko ang sariling matawa dahil sa nakakatawa nilang itsura habang hinihilot ang nasaktang parte ng katawan nila at tinitignan ako ng masama. Ngumisi na lang ako at bago pa sila makarecover ay inunahan ko na sila ng takbo patungo sa Building nila Erich. Tatanga-tanga at lalampa-lampa pala, ha? Sino ngayon ang humalik sa hagdan, mga bobo!
Nang makarating sa room nila Venus ay medyo natatawa pa ko pero agad ding nakaramdam ng gutom nang makitang nagsisikain na yung iba nilang kaklase kaya umupo na rin ako sa armchair na tabi ng kay Erich na saktong nagbubukas na ng dalawang lunchbox.
"Kamusta ang life sa room kasama ang crush mong classmate?" bungad na tanong sakin ni Venus habang inaayos ang armchair nya paharap saming dalawa ni Erich. Napangiti naman tuloy ako dahil sa tanong nya at muling naalala ang nangyari noong hinatid ako ni Larren sa harap ng classroom nila. Idagdag pa yung mga pagngiti-ngiti nya sa akin nitong mga nakaraang araw. Kahit baka wala lang sa kanya 'yon, atleast may improvement yung pagpansin nya sakin!
"Heto, inspired mag-aral for our future" ngiting sagot ko at inabot ang binibigay saking lunchbox ni Erich na napapairap pa. Ngumiwi naman si Venus at sumubo muna ng pagkain bago ituro sakin ang ginagamit na kutsara.
"Hoy, ang aga-aga pa para lumandi ka ngayong school year" sabi nito at humati sa isang hotdog na nasa lunchbox ko para ilagay sa kanin nya.
"Wala namang masamang lumandi. Ang kailangan lang, pumili ka ng tamang lalandiin" sabat ni Erich at sumubo na rin kaya napanguso naman ako bago tumingin sa kinakain ko.
"Oh, bakit? Single naman sya, ah" pangangatwiran ko at sumubo na rin kaso bigla naman akong kinaltukan ng mahina ni Erich sa ulo gamit ang dulo ng kutsara nya.
"Oo nga, pero siguraduhin mo munang maayos yan bago mo umpisahan" hindi ko naman masyadong nakuha yung sinabi nya pero hindi ko na lang din pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagkain dahil masarap yung ulam, pati na yung pagkakatimpla sa Java Rice. The best talagang magluto 'tong si Erich, eh.
Actually, normal na talaga sa aming magkakaibigan ang magkaroon ng iba't-ibang crush. Minsan, main crushes pero kadalasan ay yung mga sub-crushes lang, yung tipong basta may makita lang kaming pogi na dumaan sa harapan namin o ideal guy na makita namin sa kung saan, crush na namin agad kahit hindi pa namin alam ang pangalan. Pero pag main crush kasi, kinikilala talaga namin o yung masisigurado namin na makakausap namin or magkakaroon talaga kami ng chance.
Swerte din ang dalawang ito dahil may pagkakataon na naging jowa nila yung main crush nila pero ako? Heto, zero pa rin ang bilang ng exes. Pang-una pa lang siguro si Larren pag nagkataon. Charot!
Napatigil ako sa pag-iisip at pati sila Erich ay natigil din sa pagnguya ng kinakain nila nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang hinihingal na si Nero. Tumingin sya kila Kris na syang mga kabarkada nyang lalaki na nasa likod habang nakangiti ng malaki na para bang may malaki syang ibabalita.
"Gago, pare! May nag-aaway sa cafeteria!"
|||||
SELENAPHILE