"Nag-sorry na nga ako, diba? In fact, parehas naman tayong may mali pero nag-sorry pa rin ako dahil I'm being considerate"
'Yan agad ang bumungad samin nang marating namin ang cafeteria dahil sa bilis ng takbo namin kanina, kasabay yung iba pang mga classmate nila Erich dahil sa narinig namin na sinabi ni Nero. Yung iba nga ay halos madulas at madapa pa sa hagdan para lang maabutan yung tinutukoy nyang away at syempre, kasama na kaming tatlo sa mga muntik nang mabasagan ng bungo dahil sa ka-chismosahan.
Worth it naman ang pawis na inilabas namin mula sa pagtakbo dahil heto't marami nang nag-kumpol na mga estudyante sa pinto ng cafeteria at sa loob nito habang nakapaligid sa dalawang babaeng hindi ko inaasahang magkaharap ngayon.
"Considerate, considerate. Bulag ka ba? Ang laki-laki ko tapos hindi mo ko mapapansin na nasa harap mo habang naglalakad ka? Puro ka kasi pakikipagdaldalan. May napapala ka ba dyan bukod sa paglaki lang ng bunganga mo?" nagdulot ng sari-saring ingay mula sa mga estudyante sa paligid ang litanyang iyon ni Ashley na ngayon ay nagtaas pa ng isang kilay habang tinatapunan ng tingin ang namumulang si Jane.
Hindi ko ineexpect na sila pa ang maaabutan ko na magka-away ngayon. Akala ko nga ay mga lalaking nagsusuntukan o nagbabanggaan lang ng balikat yung makikita ko ngayon dito dahil iyon naman ang tipikal na away na nangyayari rito sa University pero ang ganitong kaso ay sobrang dalang na mangyari. Wala rin naman sana sa hitsura ni Jane ang maging pala-away pero kung si Ashley talaga ang titignan ay mukha naman syang laging makikipag-away dahil sa katarayan ng mukha. Nakakapagtaka at nakakagulat lang din na papatol si Jane sa ganitong klase ng away. Nakakaintriga!
"Sure naman ako na hindi lang tungkol sa pagkakatapon ko ng chocolate dyan sa uniform mo yung dahilan kung bakit galit na galit ka ngayon, eh" biglang rebut ni Jane matapos makarecover sa pamumula ng mukha at may suot na ring isang nakakalokong ngisi sa labi. Nanliit naman ang mga mata ko sa kagustuhang mas malaman pa ang mangyayari. Ayaw pa kasi nilang bilisan ang pagsasalita para matapos na!
"Oh? So, ano pa sa tingin mo ang dahilan?"
"Hanggang ngayon kasi, nagagalit ka pa rin sakin dahil iniwan ka ng ex mo"
"Boom!"
"Oh, oh! Walang aawat ah! Walang aawat!"
"Walang magsusumbong!"
"Nako, may nakita na 'kong bida-bida na pumunta sa faculty!"
Napairap din tuloy ako nang marinig ang sinabing iyon ng isa sa mga estudyanteng nakapaligid kila Ashley. Hindi talaga nawawalan ng pabida sa mga school, no?
"Ang KJ naman n'on" bulong sakin ni Erich na tinanguan ko naman habang pare-pareho pa rin kaming nakatutok sa sabong ng dalawa
"Sino kaya yung ex na tinutukoy nung babae? Si Larren?" nagtatakang tanong ni Venus kaya parehas pa silang tumingin sa akin habang tinatanaw ko namang pilit sila Jane dahil nadaragdagan pa yung mga estudyanteng nanonood sa kanila.
Halos maibuga ko naman ang laman ng bibig ko nang batukan ako ni Erich dahilan para tapunan ko sila ng matatalim na tingin. Muntik ko pa tuloy mabitawan yung lunchbox na dala ko! Kung hindi ko lang talaga nahawakan agad ng mabuti ay minalas at natapunan na yung nasa harapan ko.
"Tangina, makikichismis ka na lang, dala mo pa pati yung pagkain mo?!" asik nya sakin at nilunok ko naman ang nasa bibig ko bago magsalita.
"Para lang 'tong popcorn kapag nanonood ng movie!" sabi ko at muling sumubo bago tumingin ulit sa harapan. Ang sarap-sarap ng kain ko rito sa Java Rice habang nanonood ng live sabong, eh!
"Hindi naman kasi ako tanga para isipin na basta na lang syang nang-iwan dahil sigurado akong nilandi mo 'yon" naglikha ulit ng mga ingay mula sa iba ang sinabing iyon ni Ashley at hindi na ko na talaga mapigilan na tumingkayad para lang makita ang nangyayari sa harap dahil sa masyado nang dumarami ang estudyanteng nagsisiksikan sa pwesto namin nila Erich. Nauna kami rito, oh! Respeto naman! Paano kong makikita kung magsasampalan na sila?!
"Hindi ko sya nilandi. Hindi mo lang matanggap na masisira ang pride mo dahil ikaw ang iniwan sa kapangitan ng ugali mo"
"Ohhh"
"Payag ka n'on? Pangit daw ugali mo?"
"Ay, kung ako yon, mananapak ako"
Gusto ko na lang tuloy matawa dahil sa kasapawan ng ibang estudyante na hindi yata marunong makuntento sa panonood lang dahil pumipilit pang makisali sa g**o. Gusto rin yata nilang makipag-away edi mag-abangan sila mamaya sa labas ng school! Hindi yung dito pa sila dadagdag.
Napa-iling ulit ako at sumubo ng kanin bago tumingkayad ulit. Doon ko nakitang nakapamaywang na si Ashley habang natatawa ng pagak samantalang nakahalukipkip naman si Jane at nginingisihan sya. Mainit na talaga ang labanan! Kung sakaling magkaka-pisikalam ay mukhang si Jane ang dehado dahil may pagka-payat ito at mas maliit kumpara kay Ashley na mukhang kayang durugin ang buto nya. Kung ang volleyball nga ay nagagawa nitong hampasin papunta sa malayo, ulo pa kaya ni Jane?
"What's with the commission?" natahimik ang lahat nang umalingawngaw ang salitang iyon kasabay ang tunog ng pares ng heels na naglalakad patungo sa direksyon namin. Agad kaming lumingon at tumabi para mabigyan ng daan ang Directress ng University. Grabe talaga ang pagpapabida ng iba, sa mismong Directress pa nagsumbong!
"Who's the host of this irresponsible fight inside of my prestigious university?" walang nagsasalita at halos lahat ay nakayuko habang nililibot ng ginang ang kanyang mga naniningkit na mata sa buong cafeteria matapos syang makapasok dito. Mukhang mas lalo syang nainis dahil roon kaya pumalatak ito at humalukipkip bago tapunan ng tingin sila Jane at Ashley.
"You two, come with me. And all of you here, go back to your classrooms!" muling tumunog ang kanyang suot na heels nang magsimula syang maglakad papalabas ng cafeteria, kasunod ang dalawang babaeng hindi man lang ngabibigay ng tingin sa isa't-isa. Napabuntong-hininga tuloy ako habang iniisip na baka malaki ang iparusa sa kanilang dalawa. Bakit ba naman kasi dito pa nila napiling pag-awayan ang tungkol sa mga nakaraan nila?
"Sino ba kasi yung ex na tinutukoy nila? Pogi ba 'yon para pag-awayan?" nawala ang atensyon ko sa Directress nang may marinig akong bumulong sa mga lalaking nakapwesto sa harap lang din namin. Nagdahan-dahan tuloy ako sa pag-nguya at medyo lumapit pa sa kanila para mas marinig ang pinag-uusapan nila.
"Yung Larren yata. 'Yon yung laging kasama ni Ashley noon, eh"
"Pogi ba 'yon? Baka naman kamukha lang n'on yung paa ko?"
Halos mabulunan ako sa narinig at pasimpleng tumingkayad para makita ang itsura ng lalaking nagsabi ng mga salitang iyon. Matatanggap ko naman sana kung talagang may ibubuga ang mukha nya kaso ay gusto ko na lang matawa dahil mukha syang kulugo na tinubuan ng tigyawat. Hindi naman sa namimintas, dinedescribe ko lang ang hitsura nya!
Hindi ko lang din alam kung saan sya humuhugot ng lakas ng loob para sabihing baka paa nya lang ang kamukha ni Larren.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago bigyan ng isang malakas na sapok ang lalaking iyon. Bago pa man sya makaharap ay binilisan ko na agad ang kilos at hinila na sila Erich para tumakbo dahil kapag nahuli pa nila na ako yung nambatok sa kanila, t'yak na patay ako kapag nagkataon!
Tatakbo pa lang sana kami kaso nabunggo na agad ako sa isang lalaki kaya napa-atras pa ako. Mabuti na lang ay hindi gaanong malakas ang pagkakabunggo dahil baka natumba pa ako kung nasobrahan yung pwersa. Nakakahiya!
Tinignan ko ang lalaking nabunggo ko at laking gulat na si Larren pala iyon habang natatawang tinitignan ang lalaking binatukan ko kanina. Tinignan ko rin tuloy ito para malaman kung alam na ba nya na ako yung sumapok sa kanya at sa kabutihang palad ay mukhang wala pa rin silang alam dahil hanggang ngayon ay lingon pa rin ito ng lingon sa paligid na tila humahanap ng tamang salarin. Hays, safe.
Napagdesisyunan na namin na bumalik na sa classroom pero ang mas lalong dahilan ng pagngiti ko ngayon ay ang katabi ko na si Larren. Sumabay na kasi sya dahil nauna na raw ang iba nyang mga kaibigan sa room namin kaya heto ako't parang timang na nagpipigil ng ngiti habang nakayuko para hindi nya mapansin ang pamumula ng aking mukha. Nakakahiya!
Tahimik na hangin lang ang bumabalot sa aming apat habang binabaybay namin ang daan patungo sa room ng dalawang katabi ko na kung magsikuhan at kung tignan kaming dalawa ni Larren ay parang walang nakakapansin sa kanila. Ang sarap talaga nilang bigyan ng uppercut sa panga. Baka kung anong isipin sa kanila ni Larren! Ayaw nilang umayos!
"E-Ehem" kunyari akong tumikhim ng mahina at siniko si Erich na katabi ko dahilan para magkabungguan pa sila ng balikat ni Venus dahil magkatabi lang din sila sa kaliwang side ko. Pasalamat sila at ganoon lang ang ginawa ko kaya sana lang ay makuha naman nila yung gusto kong ipahiwatig!
"A-Ay, oo" natatarantang sabi ni Erich at mahinang tinampal ang braso ni Venus dahilan naman ng panic na pagtango nito habang tumitingin sa gawi namin ni Larren.
"I-Ikaw kasi, eh! Baka malaman ng crush nya, 'wag kang maingay!" doon ako tuluyang nabulunan sa sarili kong laway habang si Venus naman ay napatakip pa ng kamay sa bibig at hinahampas naman sya sa balikat ni Erich. Umubo ako nang umubo at pinalo-palo pa ang dibdib ko pero bago pa man ako makarecover ay nagpeace sign na sa akin ang dalawa at nagtakbuhan papasok sa classroom nila na malapit na rin pala sa amin.
Ilang segundo lang din ay bumalik si Erich para isabit sa balikat ko ang bag ko at kuhanin ang lunchbox na nasa kamay ko bago muling pumasok sa classroom kaya naiwan na kaming dalawa ni Larren sa hallway habang medyo nauubo pa rin ako. Napapikit ako ng mariin at yumuko, hinihiling na sana ay bumuka na lang ang lupa at lamunin ako ng buo dahil sa kahihiyan. Jusko, kailan ba matatapos ang mga kahihiyang pangyayari sa buhay ko?!
"A-Ayos ka lang ba?" napatingin tuloy ako sa kanya ngunit muli ring naubo nang makitang nakatingin din pala ang mga mata nya sakin. Bakit kailangan nya pa kong titigan sa puntong ito?! Sigurado naman akong narinig nya yung sinabi kanina ni Venus kaya dapat makisama sya! Nakakahiya talaga!
Tumango-tango na lang ako at nagsimula nang maglakad dahil sigurado akong pulang-pula na ang aking pisngi sa kahihiyang natatamo ko. Sa lagay na ito ay parang hindi ko na sya kayang tignan pa sa mata dahil sa bwisit na dalawang babae na 'yon. Humanda talaga sakin sila mamayang uwian. Matitikman talaga nila ang halik ng mag-asawang sampal!
Halos mataranta naman ako nang marinig na tinatawag nya ang pangalan ko at pinipilit humabol sa paglalakad ko. Sinasadya ko namang bilisan ang paglalakad pero siguro, dahil na rin sa haba ng binti nya ay nakuha nya pa rin akong sabayan kaya lumingon na lang ako sa kaliwang side ko para hindi nya makita ang mukha ko. Kailangan ko nang marating ang room namin para makahinga na ako ng maluwag!
"Huy, wala naman akong narinig, don't worry" pasimple akong lumingon sa kanya pero muli ding umayos ng tayo nang makitang nakatingin pa rin sya sakin habang halatang-halata na pinipigilan ang sarili nyang mangiti. Anong nakakatawa?!
"Magpapanggap na lang akong walang nangyari, okay? 'Wag ka nang mailang" napapikit ako ng mariin at kinagat ang pang-ibabang labi para mapigilan kong kaltukan ang sarili ko. Hindi pa rin ako makalingon sa gawi nya dahil hindi pa ako nakakahugot ng lakas ng loob. Natutuwa kaya sya dahil nalaman nyang crush ko sya? Pero Selena, bakit naman sya matutuwa 'diba? Assuming.
Natigilan ako nang maramdaman ang kamay nyang humawak sa aking braso dahilan para mapahinto din ako sa paglalakad. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung titignan ko ba sya, kung magsasalita ako o kung tatakbo na lang ako bigla. Ano bang dapat kong gawin?!
Tahimik ang buong hallway at halos t***k lang ng puso kong naghuhuramentado sa loob ng aking dibdib ang aking naririnig. Pinili ko na lang na yumuko at bumuntong-hininga, nagbabaka-sakali na mapapakalma niyon ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nararamdaman ang kamay ni Larren sa braso ko ngayon. Why does he have to do this? Is he aware that he's causing my heart to almost break out of my body? Is he even aware that his simple touch can already awake those sleeping butterflies in my stomach?
"Hey"
Nag-angat ako nang tingin nang mapansin ang pares ng kanyang sapatos sa aking harapan. Doon ko nasalubong ang kanyang titig na kahit anong oras yata ngayon ay magpapalusaw sakin sa kinatatayuan ko. Bakit ba ganito ang epekto sakin ng lalaking ito? Bakit sa maikling panahon ay ang lakas na ng nagiging impact nya sakin?
"Isipin na lang natin na walang nangyari. Magkukunyari akong walang narinig at umakto ka ng normal kagaya nung sa tuwing nagkakasama tayo sa room. 'Wag nating gawing dahilan yung nangyari kanina para magkaroon ng epekto sa samahan natin"
|||||
SELENAPHILE