"Bakit mo naman sinapok yung lalaki kanina sa cafeteria?" natatawang tanong sakin ni Larren habang magkatabi kaming nakaupo sa pwesto na kung saan una kaming nagkita, sa dulo ng pangatlong lamesa.
Wala daw kasi ang teacher namin for the next subject after lunch dahil isa ito sa kumakausap kila Jane at Ashley ngayon sa Directress' office, kasama din si Ma'am Michaela. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pagpasalamatan ang ginawa nilang away dahil nagkaroon kami ng vacant time at nagkaroon rin ako ng chance para makasama't makausap si Larren. Hays, ang swerte ko na lang din talaga.
Tinignan ko sya at wala sa sariling napanguso dahil sa naalala ko na naman ang sinabi ng lalaking iyon kanina sa cafeteria. Ano kaya ang ginagamit nya para kumapal ng ganoon ang mukha nya? Kung alam nya lang kung gaano kalakas ang dating ni Larren para pag-awayan sya ng dalawang babae ay baka mahiya pa sya para sa sarili nya. At isa pa ako sa mga may crush sa lalaking sinabihan nya na baka mukhang paa nya lang! Ang kapal talaga ng mukha nya.
"Oh, bakit? Humahaba 'yang nguso mo" muli na naman syang natawa at itinuro pa ang nguso ko kaya nag-iwas naman ako ng tingin at umupo ng maayos bago humalukipkip.
"Sinabihan ka kasi nung lalaki na 'yon na baka daw mukha ka lang paa. Tinuruan ko lang ng kaunting leksyon" sabi ko at tinignan ulit sya pero naroon pa rin yung mga ngiti nya sa labi. Tumikhim sya at binasa ang ibabang bahagi ng kanyang labi bago ako tignan sa mga mata. Heto na naman tuloy ang pagdagundong ng puso ko at ang pagwawala ng mga paru-paro sa aking tyan. Kalma, self! Jusko!
"Bakit mo naman kailangang gawin 'yon? Hindi mo na dapat pinatulan kasi wala namang saysay yung sinabi nya-"
"Paanong wala? Ang lakas ng loob nyang sabihin 'yon kahit sya naman ang totoong mukhang paa! Ang pogi mo naman para sabihan ka ng ganoon, no" pinutol ko ang sinasabi nya ngunit parehas pa kaming nagulat dahil sa mga dire-diretsong salitang lumabas sa aking bibig. Kailan kaya ako magkakapreno sa bibig? Lagi na lang akong napapahamak dahil sa kadaldalan ko, yawa!
"K-Kunyari wala kang narinig. H-Haha" utal na dugtong ko at pilit na tumawa bago nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko kaya agad na lang akong kumalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa ibang gawi para hindi nya mapansin ang pamumula ng aking mukha. Heto na naman ang kahihiyan!
Narinig ko ang munti nyang pagtawa kaya hindi ko maiwasan ang mapapikit ng mariin at lalong pag-init ng aking mukha. Nakakailang kahihiyan na ba ang nangyari sa isang araw lang na ito? At sa harap nya pa talaga!
"Thank you" nangunot ang noo ko dahil sa narinig kong salita mula sa kanya at agad syang nilingon.
Naroon sya't nakangiti lang habang nakatingin sakin. Tila sumabog na naman tuloy ang mga paru-paro sa tyan ko at para bang sa kanya na lang ulit nagfocus ang mga mata ko. Nawala ang ingay sa paligid, nawala ang ibang mukha sa silid, nawala ang kahit na anong kahihiyang nararamdaman ko. Sya lang. Si Larren lang ang nakikita ko ngayon kasabay ng malakas na pagpintig ng puso ko. Sya lang at ang mga ngiti nyang halos makatunaw sa lahat ng sama ng loob ko.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na kaming nagtititigan lang pero parang wala na yata akong balak na putulin pa ang koneksyon sa pagitan ng mga mata namin. Iba. Ibang-iba ang epekto pagdating sa kanya. Ibang-iba ang impact ng mga tingin at ng mga ngiti nya sa puso ko. Normal pa ba 'to? Hindi ko alam. Baka nga tinamaan ako ng todo. Baka nahulog ako at nahuhulog pa sa mas malalim na parte ng bangin na ito. Hulog na hulog at tila hindi na makakaahon pa.
"Intense na titigan, ah? Baka sabay pa kayong matunaw n'yan?" napakurap-kurap ako at napatingin sa gilid ni Larren nang makitang papalapit na sa amin sila Kenya, Trish at Franches. Napanguso na lang tuloy ako dahil sa panghihinayang para sa nasira naming moment. Parang gusto ko tuloy mangbato ng ballpen ngayon.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Larren kaya muli ko syang tinignan ngunit sinalubong nya lang ng mahinang kurot ang kaliwang pisngi ko dahilan para mapapikit pa ako't mapangiwi. Enebe! Kunyari masakit pero feel na feel naman!
"Nguso mo"
"Pasensya sa paninira ng moment. Namiss lang namin 'tong si Selena tsaka nababagot na rin kami doon sa harapan" sabi ni Trish habang umuupo silang tatlo sa tapat naming dalawa ni Larren. Kapag ganitong vacant kasi ay nawawala sa mga tamang seating arrangement ang mga kaklase ko kaya kanya-kanya na lang kaming hugot ng upuan sa matipuhan naming pwesto at dahil vacant ngayon ay wala kaming halos na kasama dito sa pangatlong lamesa.
"Isip nga kayo ng pwedeng gawin. Pampalipas-oras lang habang vacant" sabi naman ni Franches habang nakakalumbaba sa lamesa at palinga-linga sa mga kaklase naming may kanya-kanyang mundo.
Nakita ko namang yumuko sa ilalim ng lamesa si Kenya na tila may inaabot at nang makaahon nga ito'y may hawak na syang bote ng mineral water habang nakangiti. Inilagay nya ito sa ibabaw ng lamesa at sa gitna naming lima habang isa-isa kaming tinitignan.
"Spin the bottle. Truth or dare." suhestiyon nya at pinaikot na ang bote. Wala naman nang tumutol sa amin kaya humalukipkip na lang ako at sumandal sa upuan habang tinitignan ang pag-ikot ng bote.
Naramdaman ko naman ang pagsandal din sa upuan ni Larren na tila may sasabihin sakin kaya't binalingan ko sya ng tingin. Nakatingin din sya sa bote pero nanliliit ang mga mata nito. Natawa tuloy ako dahil sa hitsura nya. Mukha kasi syang batang may balak na magsumbong na ewan.
"Tignan mo 'yang si Kenya. Alam nya kasing malas ako sa mga ganyang laro tapos sya pa ang nagpaikot kaya sure akong sakin ang tutok n'yan" bulong nya kaya natawa na ako ng mahina at sinulyapan ulit ang mukha nyang seryosong nagpapapalit-palit ng tingin sa bote at kay Kenya.
"Pinagtitripan nya na talaga ako dati pa, eh. Hanggang ngayon ba naman-Oh! Tignan mo!" bigla nyang itinuro ang bote nang huminto ito sa pag-ikot at nakatutok nga sa kanya. Sinamaan nya ng tingin ang tatawa-tawang si Kenya habang kinukuha nito ang bote at umaastang nag-iisip.
"Truth or-"
"Truth!" putol agad ni Larren sa itatanong ni Kenya dahilan para matawa kami dahil sa nakakunot nitong noo. Bakit kasi sumali pa sya kung mukhang labag din naman sa loob nya? Lalo tuloy syang nagiging cute sa paningin ko. Hays.
"Hmm, bakit kayo nagbreak ni Ashley?" natigilan si Larren sa tinanong ni Kenya at hindi ko naman mapigilan ang mapakurap-kurap. Tama lang kaya na tinanong 'yon ni Kenya? What about their privacy? Pero, curious din naman ako so might as well, hear his answer.
Nilingon ko sya sa tabi ko habang may pag-aalinlangan sa aking mga mata. Parang ako ang nahihiya sa tanong dahil baka hindi pa sya handang sagutin iyon, na baka maoffend sya o baka magwalk-out na lang sya bigla. Pero narinig ko lang ang paghugot nya ng malalim na buntong-hininga bago yumuko sa kanyang mga kamay na nasa kanyang kandungan. Sinundan ko iyon ng tingin habang hinihintay sya sa pagsagot na sana'y hindi ko na lang ginawa dahil parang gusto ko na lang na hawakan ang mga kamay nyang 'yon. Ano ba, Selena?! Itahimik mo 'yang kalandian mo!
"W-Wala. Tipikal na away na nauwi sa hiwalayan" simpleng sagot nya at muling bumuntong-hininga bago mag-angat ng tingin samin. Dahan-dahan namang tumango si Kenya na parang hindi kuntento sa sagot na iyon ni Larren pero wala na ring nagawa pa lalo na nung kuhanin nito ang bote para paikutin sa ibabaw ng lamesa.
Tahimik ulit naming hinihintay ang paghinto ng bote pero hindi ko naman mapigilan ang panaka-nakang pagsulyap sa nasa tabi kong si Larren habang pilit itong umaaktong normal matapos ng ginawa nyang pagsagot kanina. Hindi pa rin kaya sya nakakamove-on sa break-up nila ni Ashley? May nararamdaman pa rin kaya sya para rito? Bakit parang apektado pa sya sa tinanong ni Kenya?
Napabuntong-hininga tuloy ako at hindi napigilan ang pagnguso dahil sa mga naisip pero agad ding natigilan nang mapansin na sa akin na pala nakatutok ang boteng pinaikot ni Larren kanina. Napatingin ako sa kanila at nakitang pare-pareho pa silang nakangisi sakin na parang nagtutugma ang lahat ng iniisip nila para pagtulungan ako.
"Truth na lang-"
"Sino yung crush mo dito sa room? Or kahit type lang! Natitipuhan, ganon" pagputol ni Trish sa sasabihin ko dahilan para kumalumbaba pa silang tatlong babae sa harap ko na parang abang na abang sa isasagot ko.
Hindi ko tuloy napigilan ang bahagyang paglunok at ang kusang paglipat ko ng tingin sa katabi kong si Larren na sakin na rin pala nakatuon ang atensyon dahilan para magtama ang aming mga paningin. Alam ko sa sarili ko ang isasagot sa simpleng tanong na iyon ngunit tila may bumabara sa aking lalamunan para hindi ako makapagsalita. At ang isipin pa lang na baka pagtawanan lang nila ako o kantyawan kay Larren ay isang dahilan na para mag-init ang aking mukha at pigilan ang sariling umamin.
Muli kong tinignan sila Trish at ngumiti ng alanganin habang lumulunok.
"D-Dare na lang pala-"
"Okay. I dare you na sabihin mo samin yung crush mo dito sa room" nakangisi nitong sambit na tila sinasabing nacorner na nila ko kaya wala na rin akong magawa kung hindi ang mapabuntong-hininga at makagat ang pang-ibabang labi ko. Wala na ba talaga akong natitirang choice kung hindi ang sabihin ang panibagong lihim ko ngayong taon? Nakakahiya!
Patuloy lang ako sa pag-iisip ng pwedeng gawin o sabihin sa kanila pero nagulat ako nang magsalita sa tabi ko si Larren kaya't napatingin kaming apat sa kanya. Nakita ko ang pagsulyap nya sakin bago tignan si Trish.
"Ako yung nagpaikot ng bote kaya ako dapat ang magtanong sa kanya. 'Wag kayong maduga" sambit nito at kinuha ang bote para paglaruan sa kanyang kamay. Handa na ulit sana syang magsalita kaso napatingin naman kami sa dalawang taong naglagay ng upuan sa gitnang bahagi ng dulo ng lamesang kinapu-pwestuhan namin. Yung dating pwesto ko nung unang pasok ko rito sa silid.
Sinundan namin ito ng tingin at nakitang magkatabi pang umupo sila Mark at Paulo sa gitna naming lima. Palipat-lipat pa ang mga tingin nila sa amin at sa boteng hawak ni Larren bago huling bumagsak ang kanilang mga tingin sa akin. Nakangisi pa si Paulo sa akin habang sumasandal sa kanyang upuan at nakahalukipkip pa ang mga braso sa kanyang dibdib. Samantalang si Mark naman ay kumalumbaba sa lamesa habang tinataas-baba ang dalawang kilay sa akin na parang may inaabangan dahilan para makunot lang ang aking noo sa kanila.
"Sagutin mo na yung tanong ni Trish, bilis" sabi nito kaya nawala ang gatla sa aking noo. Narinig pala nila ang tinanong sakin pero bakit kailangan pa nilang lumapit at makinig sa isasagot ko?! Lalo ba talaga nilang gustong dagdagan ang kahihiyang matatamo ko?! Hays.
"Pero ako dapat ang magtatanong-"
"'Wag KJ, Larren. Sagutin mo na, Selena" pagputol ni Paulo sa dapat na sasabihin ni Larren kaya nakagat kong muli ang pang-ibabang parte ng labi ko habang walang magawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang. Wala rin naman na akong choice kung hindi ang sagutin na lang ang tanong para siguro matapos na rin ito at isang mabilisan na lang para sa kahihiyan ko. Ang natitira ko na lang na kayang pagpilian ay ang pagsisinungaling.
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago isa-isa silang tinignan.
"W-Wala, eh" sabi ko at tumawa ng pilit pero naningkit lang ang mga mata nila sakin pwera lang kay Larren na nanatiling nakatingin lang sa akin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanila kaya tumikhim na lang ako at nagkunyaring tinitignan ang aking mga kuko kahit wala namang kaganda-ganda ang mga iyon.
"Weh? Kahit napopogian man lang, wala talaga?" pamimilit ni Franches dahilan para mapalunok ulit ako at mapatingin sa kanila. Nasa hitsura talaga nila ang determinasyong malaman ang isasagot ko kaya wala na akong ibang magawa kung hindi ang mapatingin ulit kay Larren. Napopogian lang naman daw 'diba? Imbes na sabihin kong crush ko, sabihin ko na lang na pogi para sakin si Larren. Totoo naman din kasi 'yon.
"Uh, s-si Larren"
|||||
SELENAPHILE