Chapter 10

2809 Words
Lumipas ang halos isang linggo at ang mga araw na iyon ay napuno lang ng puro panunukso sakin mula kila Trish, Franches at Kenya. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Kahit pa sinabi ko lang sa kanila na napopogian lang ako kay Larren ay pilit pa rin nila akong inilalapit sa kanya kaya wala akong ibang magawa kundi ang ngumiti na para bang natatae sa tuwing nangyayari ang bugawan. Mabuti na lang din talaga ay marunong makisama itong si Larren kaya heto, sa nagdaang mga araw ay parang mas lalo lang akong nahulog sa kanya. Dumalas ang pagsasama namin sa loob ng classroom dahil sa pag-aaya ng laro nila Kenya o 'di kaya naman ay nila Mark. May pagkakataon rin na nagkakasabay kaming lumabas ng classroom kasama sila Paulo at minsan din ay nagkakasama rin kami sa pagbalik mula sa cafeteria o nagkakasabay kami kapag lumalabas ako mula sa classroom nila Erich kaya pati sila ay nakikiharot na rin sa amin. Syempre kunyaring ayoko pero sa loob-loob ko ay parang mamamatay na ako sa kilig at pasasalamat sa ginagawa nila Erich at Venus samin. Magpapakipot pa ba ko na ayaw ko kahit gusto ko naman talaga?! Napabuntong-hininga na lang ako mula sa iniisip habang lihim na napapangiti sa aking paglalakad papunta sa aming classroom. Bukod sa good mood ako dahil sa araw na ito na kung saan PE Uniform ang suot namin, maganda rin ang timpla ng mood ko dahil nakabili ako ng Jammin na flavored strawberry sa 7-11. Ang all-time favorite flavor ko! Madalas kasi akong maubusan ng ganitong flavor kaya ngayong maaga ako ay marami pa akong naabutan kaya't sinulit ko na at bumili ng dalawang pack. Kay agang good morning! Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa silid para lang makita na kakaunti pa lang ang estudyante sa loob ngunit siguro'y talagang mahal ako ni Lord dahil sumalubong din sa mga mata ko ang magandang mga ngiti ni Larren. Naroon sya't nakaupo sa dulong bahagi ng pangatlong lamesa, malapit sa aircon kaya ngumiti na lang din ako sa kanya at naglakad papalapit sa kanyang pwesto para doon makaupo sa tabi nya. "Ang aga mo, ah?" bungad nya sakin nang makaupo ako ngunit nilabas ko lang ang isang pack ng jammin para maalok sya na magiliw naman nyang tinanggap. "Para hindi ako maubusan ng ganito. Tsaka sakto naman dahil maaaga ka rin pala" sabi ko habang binubuksan ang isa para kainin. Nang masayang sinisipsip ko na ang jammin ay nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit natigilan din agad nang makitang nakangiti na rin pala sya habang tinitignan ako. Muntik na tuloy akong mabilaukan sa kinakain ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin habang napapakurap-kurap. "Naging hobby mo na yata na tumingin sakin? Bahala ka, baka mag-assume ako" pabirong sabi ko kaya sabay pa kaming natawa habang kinakain nya na rin ang kinuha nyang isang piraso ng jammin mula sa pack. "Masama ba? Nagagandahan lang naman ako" doon ako tuluyang napaubo sa sinabi nya at napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala pero ngumiti lang sya sakin na parang walang masama sa kanyang sinabi. O baka hindi lang talaga big deal sa kanya 'yon kahit pa nagdulot ang mga salita nya sakin para kumabog ng sobra ang aking dibdib. Makisama ka naman, Larren! Aatakihin ako sa puso dahil sa mga biglaang sinasabi mo, eh! Nang mahimasmasan ay finocus ko na lang ang aking mga mata sa hawak na jammin habang napapabuntong-hininga. "Baka mafall ako lalo. Ikaw din ang mahihirapan, sige ka" bulong ko sa sobrang hinang paraan para hindi nya marinig at nakahinga ako ng maluwag nang hindi naman sya sumagot. Ibig sabihin ay hindi nya nga siguro narinig kaya hindi na lang din ulit ako nagsalita pa at kinain na lang ng kinain ang jammin. Sa loob din kasi ng mga nagdaang araw ay masasasabi ko na napalapit na rin kami sa isa't-isa ni Larren. Actually, hindi lang kami dahil pati yung tatlong babae na sina Kenya at yung iba pang mga kaibigan ni Mark na sina Paulo at Benedict ay mas lalo kong nakilala. Masasabi ko na nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa katauhan nilang lahat dahilan para gumaan ang pakiramdam ko habang tumatagal sa silid na ito. Hindi ko man sobrang close yung iba ko pang mga kaklase pero sapat na ang katotohanang nakakausap ko na rin sila kahit papaano para masabing hindi na ako maituturing na outcast dito para sa school year na ito. Masaya ako dahil yung akala kong hindi ko mga makakasundo ay heto't nakakasama, nakakatawanan, at nakakatulong ko pa sa loob ng silid. Hindi man ito katulad at kasing-saya noong nakaraang mga taon sa piling ng mga dati kong kaklase't kaibigan, sapat na sakin ang maramdamang kabilang naman ako rito kahit papaano. Isa pa ay may mga naituturing na kong kaibigan at mayroon na rin akong inspirasyon! Oh 'diba, sobra-sobra pa sa mga hiniling kong kaibigan mula sa section na ito. Nang makalipas ang ilan pang mga oras ay nadagdagan na rin ang mga kaklase ko at nagsimula na rin ang klase. Masaya ako sa pakikinig dahil sa komportable ako sa suot ko at lihim kong naitataas ang aking mga paa sa upuan dahil naitatago naman ito sa ilalim ng malaking lamesa sa aking harapan dahilan para hindi makita ng teacher na nagtuturo sa harap. Kapag ganitong araw kasi, bukod sa PE uniform ang suot ay Physical Education, Health and Arts lang din ang subject namin para sa buong araw kaya't nakikita ko rin ang excitement sa mukha ng mga kaklase ko lalo na ng mga lalaki dahil mamaya ay lalabas kami sa school's gymnasium para sa PE and sports. Sigurado kasing mga excited itong lumabas para maglaro ng mga gusto nilang sports. Para naman sa mga estudyanteng hindi sporty kagaya ko, pwede rin silang manghiram ng mga board games sa faculty para magamit kung hindi makakasali sa mga physical activities. Fair and just for all the students. Habang may isinusulat si Sir Rusty sa whiteboard, hindi ko maiwasan ang mapatingin at pansinin ang kanina pang sumusutsot sa akin habang busy ako sa pagkain ng jammin ko. Narito na kasi ulit ako sa dati kong pwesto sa harapan ng pangatlong lamesa, katabi sila Kenya kaya't kinakailangan ko pang lumingon sa gilid ko para matanaw ang kung sino mang epal na nagpapapansin sakin sa likod. Napairap na lang ako nang matanaw si Paulo na sumesenyas sakin na umupo roon sa isang upuan sa tabi nya samantalang nakita ko naman na sa iba nakatingin si Mark na tila may kinakausap. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang si Larren pala ang sinesenyasan nya para lumapit sa katabi naman nyang upuan. Kita mo nga naman ang dalawang ito, kung mga walang magawa ay bakit hindi na lang makinig sa dinidiscuss ng teacher sa harapan? Hays. Tumingin na lang ulit ako sa harapan at kinagat ang balat ng jammin para maisulat sa notebook ko ang ilang mahahalagang impormasyon na naririnig kong sinasabi ni Sir at nakikita ko sa whiteboard na sa palagay ko'y lalabas sa mastery assessment o kahit sa mga quizzes. Mabuti na rin ang handa dahil minsan ay nakakagulat talaga ang mga pa-surprise quiz ng mga teacher dito sa school kaya mas maganda kung may mga notes akong pwedeng aralin. "Pst" muli akong napairap dahil sa naririnig na pagsutsot kaya't tinignan ko ulit sila Paulo habang kinakain yung jammin na hawak ko. Halata talaga sa hitsura nila ang determinasyon para maaya kaming dalawa ni Larren na lumapit sa tabi nila kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. Tinignan ko si Larren at naabutang nakatingin na rin pala sakin. Nagtatanong ang mga mata nya na para bang hinihingi rin ang magiging desisyon ko sa sinesenyas samin nung dalawang alagad yata ni Satanas. Humugot ulit ako ng malalim na buntong-hininga bago tumango at magthumbs-up sa kanya na ikinangiti nya naman. Dahan-dahan akong yumuko at umalis sa upuan, pinipilit na hindi makagawa ng ingay para hindi makakuha ng atensyon. Nakaupo akong naglakad sa gilid ng mga upuan ng kaklase ko para hindi ako mapansin ni Sir sa harapan hanggang sa marating ko ang katabing upuan ni Paulo. Dahan-dahan ko itong hinila at umupo ng maayos habang nakatingin sa harapan para makita kung lilingon sa amin si Sir kaso mukhang busy naman ito kaya hindi kami napansin. Tinignan ko si Larren na kauupo lang din sa upuan sa harapan ko at sa katabi ng kay Mark. Tahimik kaming natawa ng sabay dahil sa nagmukha kaming tumatakas sa mga magulang namin dahil sa pinagawa samin ng dalawang epal na 'to. Ayaw lang naman yata nilang makinig, dinamay pa kami ni Larren. "Bakit ba?" pabulong kong asik kay Paulo pero nangunot ang noo ko nang makita ang kamay nyang inilalahad nya sa ilalim ng lamesa. Nagpalipat-lipat roon ang tingin ko at sa mukha nyang pinipilit pang mag-pout kahit nagmumukha lang naman syang tangang nakanguso. "Pahingi" sinundan ko ang tingin nyang nasa pack pala ng jammin na hawak ko kaya napa-irap na lang ako at masama ang loob na binigyan sya ng isang piraso. "Isa pa-" "Edi ayaw mo?" putol ko sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay pero lalo lang syang ngumuso at itinuro yung pack na itinatago ko sa likod ko. "Madami pa yan, ah. Pahingi pang isa-" "Edi bumili ka ng sayo" inirapan ko sya pero ang loko, inirapan din ako habang binubuksan ang jammin na hawak nya! Dahil doon ay pinalo ko sya sa balikat dahilan para mapa-ngiwi sya't mapahawak sa parteng hinampas ko. "Masakit! Ang damot mo na nga, nananakit ka pa!" asik nya sakin kaya naman namaywang ako habang nakaupo at humarap sa kanya. Hindi ko pinansin si Mark na binabawal kami habang tumitingin sa harapan dahil dumidilim ang paningin ko sa lalaking ito na humalukipkip pa talaga. "Aba, binigyan na nga kita, nagrereklamo ka pa?!" "Parang dalawang piraso lang, hindi mo maibigay!" "Edi sana, bumili ka ng sayo!" "G-Guys, chill lang. May teacher, oh" "Talaga! 'Pag bumili ako, hindi kita bibigyan" "Edi 'wag! Lamunin mo pa kahit yung balat!" "Guys, n-nakatingin na si Sir" "Ginaya mo naman ako sayong matakaw" "Ikaw ang matakaw kasi dalawa pa yung hinihingi mo-" "Kayong apat!" Natigilan kami nang umalingawngaw ang boses ni Sir Rusty sa apat na sulok ng silid kasabay ang ingay na nagmula sa pagtama ng marker sa whiteboard. Napakurap-kurap ako at napalunok habang inililipat ang aking tingin sa harapan para lang makita na nakapamaywang na si Sir habang masama ang tingin sa gawi naming apat dito sa dulo ng lamesa. Itinuro nya samin ang hawak nyang marker dahilan para tignan ko pa ang tatlong kasama ko na mukha rin palang tanga na titingin-tingin din sa isa't-isa. Kami kaya yung tinutukoy ni Sir? Baka kasi may nakikita syang multo sa likod namin na sya lang pala yung nakakakita, 'diba? "Bukod sa nag-iingay kayo riyan, bakit wala kayo sa mga proper seats nyo?!" nagsalita ulit si Sir kaya tumingin ako sa paligid para tignan kung nasa tamang upuan ba yung mga kaklase ko pero nakita ko lang sila na nakatingin din pala sa aming apat. So, kahihiyan na naman pala itong matatamo ko, ganon? Yawa. "S-Ser, kami po ba?" Napuno ng tawanan ang room nang biglang magtanong si Mark habang nililibot pa ang paningin sa buong klase. Hindi ko rin tuloy naiwasan ang matawa ng mahina kaya napatakip pa ako sa aking bibig. Alam ko namang bobo si Mark pero hindi ko inaasahan na gusto nya pa yatang ipagkalat. "Pare naman, 'wag mo naman masyadong ipahalata na bobo ka" Natawa ulit ang iba dahil sa sinabi ni Paulo kaso nang tignan ko si Sir, parang hindi sya natutuwa. Bakit ganon? Hindi kaya sya marunong tumawa? O hindi nya alam yung joke? O baka naman, lagot na talaga kaming apat dahil dinadagdagan pa namin yung kasalanan namin? "Tumayo nga kayong apat na mababait kong estudyante" nakangiti pa ngayon ng matamis si Sir dahilan para magkatinginan sila Mark at Paulo samantalang kami ni Larren ay napapangiwi na lang. "Pare, mababait daw tayo" "Oo nga, eh. Tara, tayo" Napailing na lang ako habang nakayukong tumatayo, kasabay nung tatlong kasama ko. Hindi ko alam kung nagpapatawa lang sila Mark at Paulo o sadyang tanga talaga sila para hindi ma-gets si Sir. "Answer these questions right and you'll have your rewards" napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi nang nakita kong bahagya pang umupo sa dulo ng kanyang desk si Sir samantalang nag-apir pa talaga yung dalawang gunggong sa gilid ko. "First, tell me a brief narration about Folk Dance. It will be our discussion for today pero dahil inunahan nyo ko ng kaingayan nyo, you'll start the topic" Napatingin ako kay Larren dala ang pagkatakot na baka mapahiya ako sa harap ng buong klase, lalong-lalo na sa kanya. Pero ang takot na iyon ay parang bula na nawala nang lumabas ang maliit na ngiti mula sa kanyang labi bago nya ako kindatan. Natulala ako dahil sa nangyari kaya't sya muna ang humarap kay Sir habang suot pa rin ang pamatay nyang ngiti. "Folk dance is the oldest form of dance and the earliest form of communication. It is considered as part of the customs and traditions of any specific folk or common people" matapos magsalita ay napakurap-kurap ako nang lingunin akong muli ni Larren dahilan para matauhan ako at umayos ng tayo habang humaharap kay Sir Rusty na mukhang nag-aabang pa ng sagot. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ngumiti sa kanya't magsimulang paganahin ang aking utak. "Thanks to Francisca Reyes-Aquino, who is known as the Mother of Philippine folk dance, and to her invaluable work as the first researcher of the said traditional dance which made it known to every culture of the country. And as time goes by, it finally evolved naturally and spontaneously with everyday activities such as occupations, customs, festivals, rituals and many more." nakangiti kong binalikan ng tingin si Larren na ngayon ay nagthumbs-up pa sakin kaya kumindat naman ako sa kanya. Sabay ulit naming tinignan si Sir na tumatango-tango pa ngayon na para bang gandang-ganda sa isinagot namin. Aba, dapat lang, no! Kinalkal ko pa ang utak ko para lang makahanap ng mas malalim na sagot na idadagdag sa mga natatandaan kong isinulat kong notes kanina. "There are also five major classifications of Philippine folk dance, Sir. Would you like me to elaborate-" "I would love to but let's give a chance for the other two on your backs" pagputol ni Sir Rusty sa dapat na sasabihin ni Larren kaya't napatingin naman kami kila Mark at Paulo na nagpapalitan lang ng tingin. Ngumiti ng alanganin si Mark bago tumingin kay Sir na halatang naiinip na sa paghihintay ng isasagot nila. Tumawa pa silang dalawa ng pilit dahilan para mapairap ako't mapailing-iling. Kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito? "S-Ser, pwede po bang pakibago yung tanong? Masyado po kasing easy kaya mas gusto po namin yung may thrill" Nagtawanan yung mga kaklase ko samantalang napahawak na lang ako sa aking noo dahil sa sinabi ni Mark na parang proud pa. Si Larren naman ay napatawa din pero pinipilit na itago sa pamamagitan ng pagyuko at pagtikhim. "Okay. Sa tanong na ito, may 10% chance na masagot nyo ng tama" ngumiti ng matamis si Sir habang nilalaro sa kanyang daliri ang hawak na marker. "May 10% chance na mahulaan nyo at may 20% chance na mabalibag ko kayo ng marker" nagtawanan ang mga kaklase ko pero nakangiti pa rin si Sir habang nakatingin sa dalawang kasama ko na tumatangu-tango pa. "Ngayon, ilang percent ang chance nyo para mapalabas ko kayo ng room at mapaglinis ng buong gymnasium?" natahimik ang buong klase samantalang yung dalawang bugok ay napakunot lang ang noo habang nagkakatinginan. "Iyon na po ba yung tanong?" Gusto kong hampasin ng upuan sa ulo si Paulo dahil sa nakakabobo nyang tanong at sa hitsura nilang mukhang seryoso pang nag-iisip. Si Sir naman ay nakangiti lang na tumango habang patuloy na nilalaro ang kanyang hawak na marker. Tinignan ko sila Mark na ngayon ay tumitingin pa sa taas habang may binibilang sa daliri. Ganoon rin ang ginagawa ni Paulo na tumatango-tango naman habang parang may ibinubulong at isinusulat sa ere. Ako tuloy ang nahihiya sa pinaggagagawa nilang dalawa, eh. "Sir! Alam ko na!" "Ako na, pare. Sir, 50%!" "Gago, pare. Parehas tayo ng sagot!" "Oh, 'diba? Ibig sabihin, tama talaga tayo" Napangiwi ako at lihim na napamura sa aking isipan nang nag-apir pa ang dalawa na para bang tuwang-tuwa at proud na proud sa isinagot nila. Halatang mga walang kamalay-malay na literal na mapaglilinis sila ni Sir ng buong gymnasium dahil sa kagalingan nilang sumagot. Napatingin kami kay Sir nang dahan-dahang itong pumalakpak at umiling-iling habang nakangiti ng malaki kila Mark at Paulo. Alam na. "Ang tatalino nyo talaga! Dahil dyan, lumabas na kayo at simulan nyo nang magwalis o magmop sa gym!" ||||| SELENAPHILE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD