[CHAPTER 27] ◌●◌ BIGLANG NAPATAYO si Francine matapos makarinig ng motor na pinapainit. Dala-dala pa ng dalaga ang tinidor nang hindi namamalayan dahil sa pagmamadali. Nakaalis na ang sasakyan bago pa siya makalabas sa mahabang pasilyo. Pinaharurot kaagad iyon ng hudas at iniwan siya! Umalis si Chaos ng hindi siya kasama. Ang walanghiya! Iniwan talaga ako? Hindi makapaniwalang tanong ni Francine sa sarili. "Chaos!" paulit-ulit niyang sigaw pababa ng itim na hagdan kahit imposible naman siyang marinig niyon. Tila langgam na lang ang natatanaw niya mula sa malayo. Gano’n na lang siguro ang pagkagusto nitong makaalis sa lugar na iyon. Namumuhi talaga ito sa pamilya. Sigurado siya. Hindi niya tuloy maiwasang huwag magmaktol at pasalampak na naupo sa pangatlong hakbang ng hagdan. Nagpapas

