Wala na si Iris nang magising si Rio. Napabalikwas siya at agad iginala ang mga mata. Nasaan na ba ang babae? Hindi kaya patay na ito at multo na lang ang kasama niya kagabi? Nakahinga nang maluwag si Rio nang makitang palapit ito. "Wala na sila," masayang pagbabalita ng babae. "Paano ka nakakasiguro?" Bago nakasagot si Iris ay natanaw ni Rio ang tila nakahandusay na mga tao sa 'di kalayuan. Kinilabutan siya sa isiping si Iris ang pumatay sa mga iyon. "Y-You did that?" nanginginig na tanong ni Rio. Napangisi si Iris, "Higit pa 'yan sa kaya kong gawin. Naisahan lang nila ako dahil kasama kita at hindi ako pwedeng makipagsapalaran." Speechless pa rin si Rio. Anong klaseng babae ba itong kasama niya? "Tara na. Kailangan nating sulitin ang umaga dahil mas madaling umatake para

