Narinig na naman ni Rio ang putukan sa hindi kalayuan. Ganoon na lang ang hilakbot niya nang may humila sa kanya at paupuin siya sa may batuhan. "Shhh, ako ito." Nakahinga siya nang maluwag nang malamang si Iris iyon. Muntik niya na ngang yakapin ang babae sa sobrang tuwa. Hindi pa rin sila tinitigilan ng mga ito at sumigaw pa ang isa. "Lumabas na kayo dyan habang may oras pa!" "Iris, mabuti pa sa ibang lugar tayo magtago," suhestyon ni Rio. Umiling ang babae. Ganoon na lang ang kaba niya nang makita ang dugo sa braso nito. "May tama ka." "Daplis lang ito," balewalang sagot ni Iris kahit halatang nanghihina ito. "Pero..." "Hindi tayo pwedeng umalis, Rio. Nakabantay sila. Huwag kang mag-alala. Alam kong hindi pa ako mamamatay. Hindi pa pwede." Tumahimik na si Rio. H

