Lumipas ang araw at kagulat-gulat na naging payapa ang lahat. Nawala ang issue sa media, natabunan na ng mga mas importanteng isyung pang-masa, katulad ng pagtaas ng presyo ng gas at mga matatamis na produkto. Sa kabila non, nanatili akong maingat sa pag-alis, pakiramdam ko ay parating may nanunuod sa mga kilos ko. Hindi ako mapalagay. Sa kabilang banda, alam ko rin sa sarili na dulot lang 'to ng trauma. Nakilala ako ng ibang mayayaman na clients at may kumontact din na ilang kilalang personalidad, halata naman kung saan nila nakuha ang pangalan ko, at makikita rin na may panahon silang kilatisin ang mga likha ko dahil hindi sila apektado ng mga nangyayari sa lipunan. "Privilege," bulong ko sa hangin. Sa kabila ng paghihikahos ng mga nasa laylayan, ang mga nasa itaas ay patuloy ang kasi

