"Uy, anong sabi? I-share mo naman sa'kin, para kayong may sariling mundo!" kantyaw pa ni Marisa sa'kin habang naglalakad kami pauwi. Sa halip na tig-isang balot ay binigyan tuloy kami ng tig-dalawa ng taga barangay dahil close raw namin si sir Haze. Lalo pa tuloy nagkaroon ng pag-uusapan ang mga tao. Parang nasa lalamunan ko ang puso ko buong pila, habang papalapit kase sa harap at habang umuusad ang pila ay nasa tabi ko si sir Haze at kasabay siya sa paglakad. Kinakausap niya rin ako at kami lang halos dalawa ang nagkakarinigan, hindi ko naman sinadya na hinaan ang boses, sadyang nahihiya lang ako sa mga matang nakatingin. Tinanong niya ako kung saan kami nakatira, nahiya pa akong magsabi ng totoo, pero kahit naman anong sabihin ko hindi mababago non na skwater kami. Natatakot ang mga

