Elijah. "Just hand Lierre Kingsley over, so you can leave quietly." Napasinghap kaming lahat nang dahil sa sinabi niya. So si Lierre ang ipinunta talaga nila rito. At personal pa siyang nagtungo rito upang makuha ang kaibigan namin. Ano ba talaga ang pakay nila? Siya talaga ang target nila mula pa noon. Hindi kami makapagsalita. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan namin, enough time to process stuff my mind refused to accept. Unti-unti na ring bumalik ang hamog na tumatakip sa kanila. "That will never happen," tugon ni Pizselior. He was doing a good job suppressing his wrath. Pero kaunting tulak lang dito ay sasabog na talaga siya. Kita ko kung paano siya ma-torture sa matinding emosyon na nararamdaman niya towards the old man. Muling humalakhak si Shiro habang unti-unt

