Nandito na kami sa tapat ng arko ng Misty Village. Kailangan lang naming tumawid sa isang tulay na gawa sa kahoy. Sa ilalim noon ay isang ilog ng hamog. We don't even know kung anong nandoon if ever mahulog kami. Tumindi ang pagsakit ng pakiramdam ko, pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko pa. So I endured it as much as I can hanggang sa malampasan namin ang lumang arko at tuluyan nang makapasok sa malawak na village. Walang nagbabantay sa bungad. Sabi nila, delikado raw ang lugar na ito dahil sa mga umaatake rito, pero mukhang wala namang inaalala ang mga tao rito. Tahimik lang at walang nagsasalita. Tanging mga yabag lang nila ang maririnig, pati na ang pag-pump sa poso at mga kalansing na gawa ng iba pang tools na ginagamit nila sa pamumuhay nila. Pinapalibutan ng hamog ang lahat

