Nagpaalam na kami sa mga magulang ni Troye dahil aalis na kami papunta sa Wind Palace kasama ang anak nilang si Troye Heroi. Maaliwalas ang mga mukha ng mga magulang niya at walang bakas na pag-aalala sa mga mata nila kahit pa alam nilang delikado ang haharapin ng anak nila sa pagsama niya sa amin sa Magi Island. Ganoon sila katiwala sa kakayahan ni Troye. "We'll take the lead to the Wind Palace," sabi nina Romeo, Taro, at Gorg na siyang ikinagalak namin. Wala kaming sasakyang pang-lupa kung kaya't nilakad lang namin ang paakyat sa Mount Blaze. Sa tuktok pa kasi nito makikita ang lagusan patungo sa palasyo. Ito ay mahabang ruta patungo roon, pero safe naman at walang rebeldeng e-epal sa paglalakbay namin. Kinagabihan, nagpahinga muna kami sa ilalim ng mga silong upang matulog. Gumawa kam

