Napabangon ako sa higaan ko nang pawis na pawis. Nagsisimula na naman ang mga masasamang panaginip ko na gawa ng Krymmenos. Kilala talaga kasi ito sa paghigop ng masasamang panaginip mula sa mga natutulog dito.
Naramdaman ko rin ang paggalaw ni Hyacinth sa katabi ko. Balot na balot ang buong katawan niya ng kumot nang umupo siya at nilingon ako.
"Are you alright?" tanong niya sa namamaos pa niyang boses. Mapungay rin ang mga mata niya na nagtatakang nakatingin sa akin. "Another nightmare?"
I nodded lightly. "I think I need to go out for some fresh air." Bumaba ako sa kama at kumuha ng jacket sa maliit na kabinet na lalagyan ko ng mga damit.
"I'll go with you," ani Hyacinth at akmang babangon na nang muli akong magsalita.
"Mabilis lang ako. You should sleep, Hya," pagputol ko sa kanya at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Krymmenos is unbelievably peaceful. Back then, maririnig ko ang mga kalampag sa silid ni Eli na hindi ko alam kung anong ginagawa. Ang tahimik na si Mika naman ay hindi ko na rin nakikita. Lalo lamang ako nalulungkot tuwing naaalala ang mga iyon. Frician.... she's gone now.
Nagtungo ako sa garden sa tapat ng gusali namin na noon ay inaalagaan ko. Ngayon ay puro talahib at mga tuyong dahon na lamang ang nakikita ko. Man, lahat na lang ng importante sa akin noon nawawala. I know this isn't the time to be emotional and fragile, but after what happened yesterday, I couldn't help but want to go back to the past—to the good old days.
It was around three in the morning and the wind breezed around my body and brushed my cheeks.
"So it's true that you're back. Rumors are circling around about you—just like before." The man chuckled while walking towards me. Hindi ko sigurado kung saan siya nanggaling. Nang lumingon ako sa kanya, my face lit up. Finally, may isang tao na pamilyar sa akin.
"Forest!" naisambit ko. Tila nawala lahat ng iniisip ko mula kanina nang makita ko siya. Bukod kay Primo, hindi na ako nakakakita ng iba pang miyembro ng Mortal Seven. Ngayon na lamang ulit. He is probably on his sixth year, a graduating student.
"What's up, buddy?" nakangiting bati niya nang makaharap ko siya. Akmang guguluhin niya ang buhok ko ngunit bigla siyang natigilan. "Oh, I forgot about our weird connection. Shall we see if it still works?"
Napangiti ako nang sabihin niya iyon. He was talking about what had happened before whenever we made physical contact with each other. Nakikita namin ang nakaraan ng isa't isa. Kung kaya't hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong sa ulunan ko.
"Seeing something?" I asked.
"Well, I see a nice drama in the Dining Hall from yesterday," he joked. Imbes na mainis ay napatawa na lang ako at ibinalik na sa kanya ang kamay niya. Wala na akong nakikitang images ng past niya, unlike before. I wonder why... "But are you alright, though? You look tired."
Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus ay nagtanong na lamang din ako. "How's Mortal Seven? Haven't seen you around lately."
"Pizselior is still here, but on a mission. The others were pulled out by their parents because of the rumors." Nagkibit-balikat si Forest at sumalampak sa damuhan na napupuno ng mga tuyong dahon. Nagsagawa iyong ng satisfying na tunog ng pag-crush ng mga malulutong na dahon.
"What rumors?" Naupo na rin ako sa tabi niya at sabay kaming tumingala sa kawalan. Madilim pa ang kalangitan ngunit wala nang makikitang bituin na nakabitin.
Forest heaved a deep sigh before answering. "About the followers of the Lord of the Rebel ruling the academia."
Muling bumalik sa akin ang mga sinabi ni Kemuel kahapon. Must I tell Forest about it? And about my task before coming back here? Matapos ang walang tigil na pag-iisip ng misteryo na bumabalot sa pagkatao ni Kemuel, may mga teorya akong nabuo sa isipan ko kung paanong ganoon pa rin ang hitsura ni Kemuel kahit na nakilala ko siya sa taong 1997.
Una, maaaring galing sa past si Kemuel. Shiro must have manipulated time to bring him to the present time. And second, pupwedeng tulad ito ng nangyari sa akin. Ipinasok nila ako sa 1997 timeline na ginawa o binago nila sa pamamagitan ng pagmamanipula sa oras. Maaaring ganoon din ang ginawa nila kay Kemeul upang pag-eksperimentuhan.
Ang ikinakabahala ko lamang ay kung paano sila nakapasok dito sa Magi Academia. Mukhang malaki talaga ang naging pagbagsak ng Magi Island, in terms of security and authority, nang dahil sa kawalan ng pinuno.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," puna ni Forest nang mapansin ang pananahimik at pagkatulala ko. Just like before, ganito rin ang ginagawa namin noon ni Gubat. Strangely, we find peace around each other.
"Naisip ko lang kung ano nang itatawag namin sa inyo kung hindi na kayo kumpleto. Mortal Four?" biro ko sa kanya. Mukhang sina Forest, Pizselior, Primo, at Elijah na lamang kasi ang natira sa kanila. Maging si Clyde ay hindi ko na nakikita, pati na ang tatlong babae na lubos kong kinaiinisan noon.
Sabay kaming humalakhak ni Forest na tila ba walang malaking problema na dapat kaharapin ang buong Magus. At nakakagaan ng loob na alam kong kahit paano, may kasama akong lumalaban.
Nagising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo ko. Minamadali na rin ako ni Hyacinth na gumayak dahil mahuhuli na kami sa klase. Paano ba naman, maliwanag na rin nang bumalik ako sa kwarto. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang si Forest at hindi siya natutulog.
"Hindi muna ako papasok ngayon," sobrang antok na sabi ko sa kanya at muling ibinagsak ang katawan sa kama. Isa pa, siguradong puro tsismisan tungkol sa akin ang gagawin ng mga estudyante ngayon.
Umupo si Hyacinth sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ako. "Iniisip mo ba ang nangyari kahapon? Huwag kang mag-alala, may iba silang pagkakaguluhan ngayon. May event mamaya sa Suicidal Square."
Tumaas ang kilay ko. "Anong event na naman 'yan?"
"Sige na. Inihanda ko na yung uniform mo," aniya habang sinusuklayan ang mahabang buhok.
Bumuntong-hininga na lamang ako at bumangon na kahit na gusto ko pang matulog. Nagmadali akong pumunta sa banyo upang maligo at gumayak. Nang isusuot ko ang uniporme ko, naalala ko ang potion na bitbit ko kahapon. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng palda ko at kinalkal na rin sa kabinet, pero nawawala ang vial!
Nilingon ko si Hyacinth. "May nakita ka bang-"
"Yung potion ba?" pagputol niya sa sasabihin ko. Sinimangutan ko lang siya nang makita ang mapang-asar niyang ngiti. "Wala akong nakita. Naiwala mo?"
Natigilan ako sandali upang alalahanin kung saan ko pupwedeng nahulog ang potion. Hawak-hawak ko pa iyon kahapon nang magpunta ako sa Dining Hall.
Namilog ang mga mata ko. "Sa Dining Hall!"
Hindi ko alam kung saan banda roon nahulog pero sigurado akong hawak ko pa iyon noong nagtungo ako roon. Kailangan ko iyon para sa klase namin kay Mrs. Fairylade.
Patakbo akong bumaba sa mga hagdan hanggang sa makarating sa huling palapag. Nakasalubong ko pa si Elijah ngunit hindi kami nagkibuan nito at tila hangin kami sa isa't isa.
Paglabas ko ng gusali ng Krymmenos, isang hindi inaasahang tao ang nakasalubong ko. Naghalu-halo na naman ang emosyon ko—galit, inis, at pagkamuhi.
"Anong ginagawa mo rito?" salubong na tanong ko kay Kemuel nang makita siyang nakatayo sa bakuran. Hindi ko na ring hinintay na sumagot siya at nilagpasan na siya upang magtungo sa Dining Hall ng mga elitistang estudyante ng Magi, ngunit naramdaman ko ang pagsabay niya sa akin sa paglalakad.
"Do you have a class? Bakit ka nagmamadali?" Yes, I have a class, at late na ako. Pero dadaan muna ako sa Dining Hall upang magtanong sa mga nagtatrabaho roon kung may nakita silang vial. "Talk to me, Lierre."
I have nothing to say, jerk! Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating sa Hall. Wala pa gaanong estudyante rito pero may mga ilang putahe nang nakahapag sa buffet table. Nagkalat din ang mga trabahador doon na may suot na puting uniporme na mayroong nakalinyang butones sa harapan.
Lumapit ako sa isang lalaki na halos kaedad lang namin. Nagpupunas siya ng mga lamesa.
"May napansin ka bang vial dito na may pulang liquid? Naiwan ko yata rito kahapon," tanong ko sa kanya. Sandali siyang huminto sa ginagawa upang magbigay galang sa amin.
"Love potion po ba ang tinutukoy ninyo?" magalang niyang tugon nang marinig ang description ko ng hinahanap. Mabilis akong tumango. "Wala pong naiwan na ganoon kahapon." Saka na siya muling bumalik sa trabaho.
Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang pigilan ako ni Kemuel. Iritable ko siyang tiningnan.
"Was that a love potion?" Nangunot ang noo ko nang makita ang bakas ng pagkagulat sa mukha niya.
"What are you talking about?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Yung dala mo kahapon. I drunk it because I saw you hiding it from me noong makakasalubong mo ako. And, I also saw other girls gift the guys that thing..." clueless niyang paliwanag. Nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sinabi niya, halos mapasigaw ako sa kanya. "Kinuha ko iyon kahapon noong kumakain ka."
"You drunk it?" hindi makapaniwala kong sabi. "How could you-"
Napakurap ako nang maraming beses nang makitang nakatitig lamang siya sa akin. Kumikislap ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. Kinikilabutan ako dahil doon! Kaya pala ganito umasta ang kumag na ito!
"You look beautiful, Lierre," malambing niyang sabi sa kanyang magaspang na boses. Muntik na akong madala sa sinsero niyang mga mata.
Dali-dali akong lumayo sa kanya at lakad-takbo na lumabas ng Dining Hall. Kalma, Lierre. Twenty-four hours lang naman ang itatagal ng epekto ng potion. You'll be fine.
"I like you, Lierre!" rinig kong sigaw ni Kemuel dahilan upang lalo akong mapatakbo. Nakakaloka! Hindi pa ba siya kuntento sa nangyari kahapon? Baka gusto pa niyang i-bully ako ng mga tsismosa rito?
At hindi nga ako nagkamali. Habang tumatakbo ako papasok sa Lecture Building, isang demonyong paa ang pumatid sa akin dahilan upang mag-dive ako sa matigas na sahig. Kasunod no'n ay ang sunud-sunod na nakakairitang tawanan ng mga tusong dalagita.
Nakakasawa na ang ganitong senaryo. Malamang ay hindi ako kilala ng mga ito dahil dalawang taon din akong nawala.
"How dare you seduce both Kemuel and Primo!" matinis na sigaw ng isang babae at tinadyakan ang likod ng ulo ko dahilan upang masipak ang mukha ko sa sahig. Sa loob-loob ko ay isandaang mura na ang nabanggit ko.
"This is for your kalandian!" Sunod ay naramdaman ko ang marahas na paghila ng kung sinuman sa buhok ko. Naangat nito ang ulo ko at pilit iniharap sa kanya. Sa sobrang pikon ko, dinuraan ko ang pagmumukha niya dahilan ng isang malakas na paghiyaw. "This b***h!" nanggagalaiting sigaw niya at akmang susuntukin ang mukha ko nang mayroong kamay na pumigil sa kanya.
"What do you think you are doing?" Halos kilabutan ako sa boses na narinig. Deja vu? Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng anit ko sa pagsabunot na ginawa ng pangit na babae at ang pagdugo ng dila at gilagid ko nang dahil sa pagbagsak ko sa sahig.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Primo Klausser sa mukha ko. Hinaplos niya iyon habang tinitingnan ako na tila ba gusto muli niya akong yakapin nang mahigpit. Nakainom din ba ng love potion ang isang 'to? Why does everyone around me act really strange?
Tinulungan niya akong tumayo at pinagpag ang nadungisan ko nang uniporme. Masyado siyang nagiging touchy na tila ba kami lang dalawa ang tao rito sa hallway. Hello, napakarami kayang mga malditang tsismosa na nanonood sa amin!
Noong akala ko ito na ang pinakamalalang mangyayari sa akin ngayong araw, bigla-bigla namang sumulpot ang isa pang epal sa buhay ko. Tumatakbo ito patungo sa direksyon ko habang halata ang pagligo niya ng pawis at ang malakas na paghingal niya. Kung tulad ako ng ibang mga babaita rito, baka naglaway na ako sa pa-wet look niya.
"Lierre, I just said I like you. Why do you keep running away from me?" Hingal na hingal pa siya nang sabihin iyon habang nakahawak sa kanyang mga tuhod. Basang-basa na rin ang kanyang uniporme na mas lalong nang-aakit sa mga babae.
Ngunit dahil sa sinabi niya, halos sakalin ako ng mga babaeng nakapaligid sa amin. Ako na naman ang masama, mga hayop talaga ang mga estudyante rito sa Academia na ito. Hindi ko alam kung bakit bumalik pa ako rito!