"Trending ka na naman," malumanay na sabi ni Hyacinth nang sumalampak sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa Suicidal Square dahil may event daw na gaganapin dito at excused sa klase ang mga a-attend. "Ano, nakita mo na ba yung love potion mo?"
Umirap ako sa kanya. "Don't get me started."
Humalakhak siya. "Hindi muna pala ako uuwi mamaya. Inimbitahan kasi ako ni Trevor sa party nila."
Nangunot ang noo ko at masamang tiningnan ang inosenteng babae. "Trevor? Sa pangalan palang mukhang mapapa-trouble ka na."
Muli siyang tumawa. "Gagi, yun yung nagbigay sa akin ng love potion na tulad nung hinahanap mo. I drunk it with him earlier..."
Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. "Mas lalong hindi ka dapat sumama." Umirap ako sa kanya at itinuon na lamang ang atensyon ko sa mga nagte-training hindi kalayuan sa kinauupuan namin.
"'Wag ka nang magalit. He's really nice, tsaka kaibigan niya si Kemuel." She then poked my side which made me groan. Hindi lang basta-basta ang inis ko kay Hyacinth. Pinagkatiwala siya sa akin kung kaya't kailangan ko siyang protektahan sa kahit na saan at sino. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga taong iyon lalo na at dikit sila kay Kemuel.
"Kung gagawin mo ang gusto mo, kalimutan mo na rin ako," inis na sabi ko sa kanya dahilan upang mapanguso siya at matahimik.
Nagsimula na ang programe at nalaman namin na tungkol ito sa nalalapit na giyera na maaaring maganap sa pagitan ng Terra City at Magi Island. Ang event na ito ay nagsilbing isang meeting kung saan inilatag ang mga pupwedeng mangyari at pupwede naming magawa upang mapigilan ang pagsakop. Nang dahil sa pagbagsak ng pundasyon ng Magi Island sa mag nangyari dalawang taon ang nakalipas, humina ang opensa at depensa namin kung kaya't ang una muna naming dapat gawin ay pigilan ang atake.
Isa si Forest sa mga nag-set up ng programe na ito. Siniguro muna nila na walang taga Terra City na makakadalo rito upang mas ma-discuss ang lahat ng mga dapat naming malaman. Nilinaw na rin nila ang katotohanan sa kumakalat na tsismis na sinakop na ng mga kampon ni Shiro ang Magi Academia. Totoo ang lahat ng iyon, ngunit ayon kay Forest at sa isa niyang kasama na si Chantel—who is a lot familiar to me—ay mayroon pang pag-asa na mapigilan ang tuluyan na invasion.
Ang susunod na pagtitipon namin ay sa ibang oras at lugar na. Lahat ng nag-sign sa log book ay mapapadalhan ng imbitasyon. Doon na ilalatag ang mga magiging plano nila—or kung may gusto kaming idagdag para sa kinabukasan ng Academia.
Bago matapos ang programa, dumaan pa ang ilang mga taga Terra City sa Suicial Square na humahagalpak pa ng tawa na tila ba nang-aasar o nambabastos. Hindi namin iyon pinansin. Mas nanaig ang pag-asa sa akin sapagkat mayroon pang katulad nina Forest, Chantel, at iba pa nilang kasamahan na handang magtanggol at pumrotekta sa Magi Island.
Umuwi ako sa Krymmenos na magaan ang loob, ngunit may ilan pa ring mga bitbit na galit nang dahil sa inaasta ng mga taga Terra dito sa paaralan namin. Naalala ko tuloy si Pizselior. Sigurado akong kahit na taga Terra siya, hinding-hindi siya kakampi sa mga iyon.
Sa muling pag-usbong ng inis sa dibdib ko, naalala ko ang sinabi sa akin ni Forest kaninang madaling araw bago kami maghiwalay. Makakatulong daw ang pisikal na gawain sa pagtanggal ng mga iniisip.
Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na kumuha ng walis, sabon, at pamunas. Sinimulan kong linisan ang kuwarto namin ni Hyacinth at ang hallway, pati na ang buong gusali. Sinuyod ko ang lahat hanggang sa kusina at maalikabok na mga sofa sa sala sa ibaba sapagkat walang gumagamit. Ginamit ko ang aking abilidad na mag-produce ng tubig sa panlilinis, kung kaya't triple ang pagod ko nang matapos ako. Kumikintab na ang sahig at mga pader nang lisanin ko ang mga 'yon.
Madilim na nang lumabas ako sa hardin upang walisan naman ang mga tuyong dahon na nagkalat sa damuhan. Pinaggugupit ko rin ang mga halaman na nalanta na at pinalitan ang mga iyon. Nagbungkal ako ng lupa at muling nagtanim ng panibagong mga bulaklak.
Nang mailagay ko sa sako ang lahat ng mga dahon at talahib na pinagpuputol ko ay nahiga na lamang ako sa damuhan habang diretsong nakamasid sa kalangitan.
Once I finished my job here in Magus, I'll go back to where I am really belong. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin—dahil isiniksik ko ang sarili ko sa lugar na in the first place hindi dapat ako nag-exist.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko sa sobrang pagod hanggang sa tuluyan nang bumigay ang katawan ko at nakatulog na ako.
"Why is the infamous Lierre Kingsley lying on the cold ground, looking all depressed?" Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lalo akong nagiging emosyunal sa mga taong ito, eh.
Bumungad sa akin ang mukha ni Payne Pizselior na tumatakip sa kalangitan. Nakangiti ito habang nakayuko sa akin. Mas nag-mature ang hitsura niya which is a good thing.
He extended his arms and offered me help so I could stand up. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Tumayo ako with his help, but I was surprised when he pulled me into a tight hug.
"I missed you, silly girl," he muttered and like a rain on a strong typhoon, my tears poured nonstop. These damn guys kept making me cry despite all my efforts to pull myself together and pretend that I am braver than before. I am, though, but their presence and warmth bring back my stupid old self.
"Would you hold me until the end, Pizselior?" Pinilit kong huwag manginig ang boses, ngunit mas pinalala pa iyon ng pagsinghot ko. Naramdaman ko ang palad niya sa likod ko at marahan iyong hinaplos, pinapatahan ako.
"Do I really have to answer that?" he replied, chuckling, as if the answer is an obvious yes. "I would, I would. Don't worry about anything, alright?"
Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa kwarto ko at nagising na lamang ako kinabukasan ng umaga na nasa kama na, iba na rin ang suot kong damit.
Sinalubong ako ng ngiti ni Hyacinth na nagsusuklay na ng buhok sapagkat bagong ligo. "A guy named Payne took you here last night. Ano namang ginawa mo that you passed out like that?"
Nangunot ang noo ko napaupo. Sumandal ako sa headboard nang maramdaman na parang binugbog ang buong katawan ko. "I passed out?"
Tumango si Hyacinth. "Ako nang bahalang magsabi sa mga instructor mo na hindi ka makakapasok. You should rest."
"No, I will—" Natigilan ako sa pagpwersang tumayo nang biglang maramdaman ang matinding pagkirot ng likod ko at laman-laman ko. f**k, I overdid it yesterday... But it was effective, though. My mind was empty the whole night yesterday. I didn't even dream of anything! "Alright, I'll stay inside for a day. Anong oras ka umuwi kagabi, by the way?" Tinaasan ko ng kilay si Hyacinth at pinagmasdan ang gulat niyang mukha upang bantayan kung nagsisinungaling siya.
"Ano ka ba, I was early. Nandito na ako nung hinatid ka nung old friend mo," natatawa pa niyang sabi at umiwas ng tingin sa akin.
She's suspicious! "Are you sure, Hyacinth? I'll ask around!" pananakot ko sa kanya ngunit hindi na siya lumingon pa sa akin.
"I'm sure, Lierre. Saan naman ako magpupunta?" tugon niya at minadali ang pagsuklay sa buhok niya, saka na niya sinakbit ang bag sa balikat bago patakbong lumabas ng silid. "I'm leaving!"
Napabuntong-hininga na lamang ako sa inasta niya. She's acting weird, pero she wasn't lying naman sa tingin ko.
Buong umaga, paikot-ikot lamang ako sa kama ko sapagkat hindi ako makabangon sa sakit ng buong katawan ko. Ngunit dahil sa kagustuhan kong maging productive ang araw na ito, pinilit kong bumangon at mag-warm up dahil balak kong lumabas upang magsanay sa Forest of Life and Death. Simula noong bumalik ako rito sa Academia ay hindi pa ako nagsanay ulit. Baka kalawangin naman na ang magaé at fighting skill ko.
Matapos ko mag-warm up, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at lumabas ng Krymmenos. Nandilig pa muna ako sa hardin bago ako dumiretso sa Forest of Life and Death na halos katabi lang ng aming gusali.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay mayroong nakasunod o nagmamasid sa akin. Tuloy lamang ako sa paglalakad pero mas pinakiramdaman ko ang paligid at naghanda kung sakaling may biglang umatake sa akin.
Pumasok ako sa gubat at naghanap ng malawak na espasyo para sa pagsasanay ko. Makalipas ang ilang minutong paghahanap, nakakita ako ng isang parte ng gubat na ginawa talagang training ground. Mayroong mga pabilog na kahoy na may red circle o target sa gitna na nakadikit sa mga puno.
Ibinaba ko sa lapag lahat ng bitbit kong iba't ibang mga armas. Bukod sa aking spiritual weapon, gusto ko ring i-master ang mga ito.
Pinunit ko ang ibabang parte ng itim na T-shirt na suot ko dahilan upang lumitaw ang pusod ko. Itinali ko ang pinilas kong tela paikot sa mata ko at pumwesto sa gitna. Kumuha ako ng armas, sampung simpleng punyal na ipinasok ko sa equipment bag na nasa bewang ko, at pinakiramdaman ang paligid. Naka-picture sa utak ko ang pwesto ng mga puno na may targets. Ang goal ko ay ma-bull's eye lahat ng iyon.
Sunud-sunod kong dinampot ang mga punyal sa equipment bag at sunud-sunod din ang paghagis ko sa mga iyon sa mga puno na nakapalibot sa akin.
Muli akong kumuha ng ibang armas sa lapag. This time, bow and arrows naman. Nakapiring pa rin ako ngunit balewala sa akin iyon. Pakiramdam ko ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ko sa kadiliman na gawa ng tela.
Inulit ko lamang ang ginawa ko sa mga punyal kanina. Nang maubos ko ang mga armas na gagamitin, inalis ko na ang piring ko at nilapitan ang mga puno upang suriin ang mga armas ko.
Tulad ng inaasahan ko, bull's eye ang mga punyal at spear sa bawat target sapagkat iyon talaga ang madalas kong gamitin. Ang arrows naman ay may kalayuan sa target, ang iba ay hindi rin nakapasok sa bilog. Hindi ko matanggap iyon kung kaya't ilang ulit kong sinubukan, naka-piring man o hindi, ngunit napagod lamang ako. Hindi ko talaga makuha! Naka-tsamba lamang ako ng isang beses at tumusok ang arrow sa tabi ng target.
Sumalampak ako sa buhangin upang magpahinga muna, ngunit naramdaman ko muli ang pagkirot ng katawan ko nang tumama ang likod ko sa puno na sinandalan ko.
Hindi pa man napapawi hingal ko nang maramdaman ko na may gumalaw sa likod ng isa sa mga puno. Kaagad na naabot ng kamay ko ang isang punyal sa loob ng equipment bag ko at inihagis sa direksyon ng isang lalaki.
"Oh, relax!" Narinig kong boses ni Kemuel. Nang iangat ko ang ulo ko, nasalo na niya sa palad niya ang inihagis kong punyal. "Ako lang 'to. I was watching you, mula pa kanina," nakangiti niyang paliwanag habang papalapit sa akin.
Sumama ang timpla ko nang makita ang maaliwalas niyang mukha. Hindi pa rin ba nawawala ang epekto ng love potion? Ah, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang i-document ang epekto ng pesteng potion na iyon e sinasakop na ang Academia. Do we really have to pretend that everything is alright?
"What are you doing here?" matabang kong tanong sa kanya at inirapan siya.
"I missed you," malambing na sinabi niya at sumalampak sa tabi ko. Pilit kong umusog palayo sa kanya sa kabila ng pagkirot ng kalamnan ko. Narinig kong natawa siya nang mahina nang mapansin ang paglayo ko sa kanya. "Do you hate me that much?"
Lumingon ako sa kanya upang tingnan kung seryoso ba siya sa sinasabi niyang hayop siya, at oo, seryoso nga siya. Lalo lang akong na-bwisit dahil doon. "Yes, I do," walang pag-aalinlangan na tugon ko. And unexpectedly, I caught a glint of pain crossed his pretty, deep black eyes.
"I also want to hate you, ya know," sambit niya at umiwas ng tingin sa akin. Sumandal siya sa puno at tumingin sa kawalan. "Ito ba ang epekto ng potion? I don't want to see that look ever again. Not towards me, Lierre." He sounded really hurt, but can he blame me? He and his friends are trying to rule over our Academia! He even said himself that they will be destroying Magus soon.
"I don't even want to look at you, jerk. Get out of my sight before I lose it," nagpipigil kong tugon sa kanya at tumayo na.
Pinulot ko ang bow at arrows sa sahig upang simulan na ulit ang pagsasanay. Mas lumagablab ang galit ko ngayon na siya ring nagtutulak sa akin na mas magsanay pa. I won't let them destroy my home.
Hindi na muna ako nagpiring. Sinubukan kong i-aim yung target sa unang arrow, pero sablay ulit. Ganoon din sa pangalawa at pangatlo. Ngunit nagulat ako nang maramdaman ko si Kemuel sa likod ko at hinawakan ang braso at kamay ko upang i-guide ako sa pagtira ng palaso. Sinubukan kong magpumiglas sa hawak niya ngunit mas lalo lamang niya akong kinakabig sa dibdib niya.
"Release," bulong niya sa tainga ko. Tila puppet ang mga kamay ko na sumunod sa sinabi niya at pinakawalan ang palaso. Namilog ang mga mata ko nang dumiretso iyon sa pulang bilog. "Bull's eye!" Nawala bigla ang tuwa ko nang marinig ang komento niya. Nakakairita ang lalaking ito.
Siniko ko siya at lumayo sa kanya. "Leave me alone, okay? I don't want to see your face anymore."
Tinalikuran ko siya at saka ako naglakad patungo sa mga armas ko upang ligpitin, ngunit makulit siya at tinulungan pa akong pumulot ng mga armas.
"Your friend said otherwise," aniya habang patuloy na pinupulot ang mga nagkalat na punyal at ipinapasok sa bag. "She said you actually worry about me but you won't say that because you're the infamous Lierre Kingsley."
Natigilan ako sa pagligpit at napatingin sa kanya. Hindi siya mukhang nang-aasar. "Sinong friend?"
Inangat niya ang tingin sa akin. "Hyacinth? Iyon ba ang pangalan niya? She was Trevor's date last night."
Nabitawan ko ang hawak kong armas sa narinig ko. Nagpunta pa rin si Hyacinth sa kabila ng pagsuway ko. She lied because of that jerk.
Wala sa sarili akong tumayo at tumakbo palabas ng kagubatan. Rinig ko pa ang pagsigaw ni Kemuel sa pangalan ko, ngunit hindi ko na pinansin iyon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Basta ang tumatakbo sa isip ko, kailangan kong mahanap si Hyacinth ngayon.