"Nandito na tayo sa border ng Wind Palace." Tinapik ko ang braso ni Primo bilang pagsabi na bababa na ako saka ako tumalon pababa mula sa kanyang likod. Tumayo ako sa tabi niya at tumingala sa napakataas na gate ng Wind Palace. Nagliliparan din sa paligid nito ang ilang wind fairies na halos hindi ko na matanaw kung hindi lamang sila umiilaw. "Is that you, Elijah?" tanong ng isang fairy sa matinis na boses. Mabilis na sumugod siya sa kinaroroonan ni Elijah at tumungtong sa balikat nito. Ang ibang fairies naman na kasama nito ay nagliparan papunta kina Romeo, Taro, at Gorg. "Why are you here? Skipping classes?" tanong pa nito dahilan upang umiling nang maraming beses si Elijah. "We're here to talk to the King," depensa niya sa fairy. "Well... outsiders are not allow to go inside. We're

