Bago kami umalis sa bahay ni Hellary, nagpasalamat ako sa mainit niyang pagtanggap sa amin at sa pagligtas niya kay Hyacinth. Humingi rin ako ng pasensya sa pamimilit ko sa kanya sa posisyon na ayaw niya at kinatatakutan niya. I want her to heal herself first, bago ko siya muling pilitin na maging Leader ng Magus. I think iyon din naman ang gusto niya. "I'll see you around," sabi niya nang magpaalam kami na pupuntahan namin si Troye Heroi. Nakita ko ang pagkagulat niya nang banggitin ko ang pangalan na iyon pero kaagad din niyang sinabi kung saan namin siya mahahanap. "It was nice meeting you, Lierre," pahabol pa niyang sinabi na tinugunan ko na lamang ng isang ngiti. Muli kaming nagsimulang maglakad. Ang bahay ni Hellary ay matatagpuan malapit sa pusod ng kagubatan, kaya kaunting lakad

