Inabutan ko sila isa-isa ng mga listahan ng tinutukoy kong pupwedeng maging kandidato para maging leader ng Magus. Ang pinaka-unang kinonsidera ko sa pagpili sa mga ito ay ang pagmamahal nila sa mundong aming ginagalawan. Ang pangalawa naman ay mapagkakatiwalaan at walang koneksyon sa kahit na sino sa Terra City. Although sa siyudad na iyon ako tumanda, hindi pa rin kami pupwedeng magtiwala sa mga tao na nandoon. Lalo na at alam na namin ngayon ang sitwasyon doon. Minamanipula ni Shiro ang oras doon upang i-trap ang mga tao. "May nakikilala ba kayo sa mga nasa listahan?" tanong ko sa kanila habang mariin nilang binabasa ang mga pangalan. Ang una naming dapat gawin bago kami dumiretso sa task namin ay i-narrow down yung listahan ng pangalan. Dahil nagmula naman sa iba-ibang teritoryo ang

