"At least tell me they're safe!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa paglalakad, ngunit sadyang mahaba ang mga biyas niya at hindi ako makasabay sa kanya. Nagawa kasi naming maka-landing ni Abel nang maayos dito sa lugar na ito nang dahil sa kanyang pakpak na hindi rin naman gumagana rito. Kaya sa huli, nawala rin iyon na parang tinangay na lang din ng hangin. Padabog akong muling humabol sa kanya nang hindi niya ako sinagot. "Abel, come on now!" I snapped. Sa inis niya ay bigla siyang huminto at lumingon sa akin. Mas lalong gumulo ang kulot at makapal niyang buhok nang dahil sa malakas na hangin kanina. Iritable ang mukha niya, but bruh, he looks hot like that! "Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?" seryosong tanong niya na tila ba hindi rin ginusto ang kalagayan namin ngayon

