"It is about Colis, your father." Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga nang marinig ang mga salitang sinambit ni Haring Bryant. Mas lalo ring bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. Ngayon ko lamang pag-uusapan ang tungkol sa aking ama sa harap ng ibang tao. Madalas ay nasa isip ko lang ang lahat ng katanungan ko tungkol sa tunay niyang katauhan. I already know about him being the dark god and all, pero gusto kong maniwala—or let's say kumbinsihin ang sarili ko at pati na ang buong Magus—na hindi siya masamang nilalang. "What about my father?" kabado kong tanong sa kanya lalo na nang makita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "I also met him in discreet, the same day when the Kingdom of the Waves was ruined..." Nangunot ang noo ko sa narinig. What? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib

