ALAS sais na ng gabi nang maisipan kong umahon mula sa pagligo sa dagat. Masyado kasi akong nasarapan sa paglangoy. Matagal tagal na rin kasi noong nakaligo ako sa dagat. Ang refreshing lang na muli akong nakadama ng tubig alat sa katawan. Kasalukuyang nag-iinuman sina Uncle at Kuya Lucas nang makabalik ako sa bahay-paupahan na tinutuluyan namin. Nasa veranda silang dalawa habang nag-iinuman at nag-iihaw rin ng pulutan. Si Luigi naman ay kasama si Tricia sa may pangpang. Mukhang may pinag-uusapang malalim. Ngumiti pa nga sa akin si Tricia, pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Imbyerna parin ako sa kanya kahit na hindi siya tumatabi kay Uncle. "Oh, John. Shot muna." Alok sa akin ni Kuya Lucas nang makalapit ako sa kanila. Inabutan naman ako ni Uncle ng twalya. Ngumiti ako rito bilang

