Chapter 38 Pagkatapos ng tagpong yun, kinalimutan ko na kasi, di naman magkatotoo na babalik pa siya. Siguro nga sobrang miss ko lang siya kaya ganoon na lang ang nararamdaman ko. Tama nga si Ate di na siya babalik sa amin. Siguro nga panahon na para pag aralan kitang kalimutan, na wala kana talaga sa buhay namin. Nagdaan pa ang mga araw nag focus ako sa aking trabaho at sa mgs anak ko. Ang hirap pero kahit papaano nakakaya ko naman. Itong nakaraang araw, may napapansin ako, tuwing pauwi ako galing trabaho. Parang feeling ko may sumusunod sa akin, pero paglingunin ko wala naman. Katulad ngayon pauwi nanaman ako. Panay ang lingon ko sa aking likod. Dahil nararamdaman ko nanaman na may nakasunod sa akin. Mabilis akong lumakad,natatakot na kasi ako kasi isang linggo ng ganito. Akala ko l

