Chapter 39 Unti, unting bumagsak ang mga luha ko dahil sa nakita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Bakit ganoon imbes na matuwa ako bat galit ang aking nararamdaman. Para akong baliw na umiiyak na tumatawa pa sa harapan niya. So buhay siya hindi siya patay niloko niya lang kami ng mga anak niya. "Ano ito!! Ano ito!! Sumagot ka!" hinablot ko ang kanyang kwelyo saka ako tuminghala sa harapan niya, walang tigil ang buhos ng aking mga luha, dahil wala ng mas sasakit pa ang lokohin ka ng pinakamahalagang tao sa buhay mo. "Mommy! Don't fight with daddy please" umiiyak ang anak ko. Dahil kitang kita niya ang aking galit sa kanyang ama. Nanatili siyang nakatitig sa akin na di man lang ibinuka ang kanyang bibig. Pati ang anak ko diko na napansin pa. "King,Aldrin take Black away from

